"Leira's pain"

1 0 0
                                    

Abby's pov...

Leira!
Sigaw ng lahat nang maglaho itong parang bula.

Nag-aalala ako para sa kaniya, ngunit mas inaalala ko ang pumaslang sa aking mga magulang, at ang katotohanang aking nalaman.
Napansin ko ang unti-unting paggaling ng aking mga sugat.
Namangha ako at natatakot sa nakikita.

Napahawak ako kay angelo na katabi ko sa aking kinatatayuan, ngunit sabay kaming nagulat ng unti-unti ring maghilom ang kanyang mga sugat.
Nagpalitan kami ng tingin na nagtatanong kung anong nangyayari.
Wala kaming nakuhang sagot mula sa isa't-isa, kaya naman ang diyosa na ang sumagot ng aming mga katanungan.

"May kakayahan kang pagalingin ang sarili mong sugat at magpagaling ng sugat ng iba, abby.
Ang tawag nila sa mga tulad mo ay healer,ngunit may kakayahan kang lumaban sa ere dahil sa mga pakpak na taglay mo.
Si Rebecca naman ay isang sea warrior, mahina siya sa lupa, ngunit walang kasing-lakas sa karagatan.
Kaya niyang pasunurin ang dagat sa lahat ng nais niya maging ang nilalang na nakatira rito.
Si angelo naman ay isang lobo, mandirigma sa lupa, ang taglay nilang lakas ay walang kasing-lakas sa lupa.
Matalas ang kanilang pang-amoy kaya malayo pa lamang ay naamoy na nila kung anong klaseng nilalang ka.
Si dave ay isang bampira, may pangil ito tulad nang sa lobo ngunit di hamak na mas maliit ito kumpara sa kanila.
Mayroon rin itong mahahabang kuko sa mga kamay.
Sensitibo ang kanilang mga pang-amoy, at mahalimuyak para sa kanila ang dugo ng mga tao.
May taglay rin itong kakaibang lakas at bilis na hindi kayang pantayan ng ibang nilalang.
Matalas ang pandinig nilang mga bampira, kaya nilang marinig ang kahit na anong ingay mula sa malayo." Mahaba nitong paliwanag sa amin.

"At siya si Iori Yagami, isang mortal.
Taglay niya ang talas ng pag-iisip, talas ng pandama, at pandinig.
Nakarating na siya sa buwan, ang tahanan ng aming kapatid na si Reyna Loki, gamit ang tinatawag nilang kapsula."
Dagdag naman ni Reyna Liana sa amin.

Nakayuko ito at nagbigay pugay sa tinawag nilang mga diyosa.
Makisig ito at nakakabighani.
Mapula ang mga labi nito, at may dimples sa magkabilang pisngi.
Mga matang kulay asul na naiiba sa lahat ng mortal.
Ngumiti ito sa akin ng makita akong nakatingin sa kinaroroonan niya.

"Ngayong kilala niyo na ang isa't-isa, mag-uumpisa na ang misyon para hanapin ang nawawalang si Leira.
Kailangan ninyo siyang maibalik dito bago ang kaniyang kaarawan.
Maraming mangangahas sa kanya dahil mag-isa lamang siya ngayon."
Paliwanag ng isa pang diyosa.

"May kakayahan si Leira na ikubli ang sarili sa lahat, hindi ninyo siya makikita at maamoy.
Mag-iingat kayo dahil nasa paligid lamang ang mga kalaban, naghihintay ng tamang pagkakataon."
Dugtong naman ng aming mahal na hari na siyang ama ni Leira.

Bago pa matapos ang pagpupulong na ay tahasan akong nagsalita sa harap ng lahat.

"Nais kong malaman kung sino ang kumitil ng buhay ng aking mga magulang.
Isa ba sa in-yo, sa lo-ob ng bulwa-gang ito?"
Nanginginig kong tanong sa kanila.

Sinagot ako ng isa sa pinakamatandang lobo sa bulwagan.

"Hija, hindi kami o ang isa sa amin ang pumaslang sa iyong kinikilalang mga magulang.
Isang bampira lang ang kayang mag-iwan ng dalawang markang bilog sa leeg ng kanilang mga biktima.
Ngunit ang pinagtataka ko ay kung paanong nakapasok kami ng walang sagabal sa lagusan ng mundong ito."
Untag nito na may halong pagtataka.

"Mahal na reyna at hari. Kaya ako narito ay upang ipabatid ang nangyayari sa lagusan ng mundo.
Nawawala ang mga mortal na bantay ng lagusan, ngunit hindi lang ito ang dala kong balita.
Ikinalulungkot kong sabihin, patay na po si Reyna Loki.
Kararating ko lamang mula sa buwan.
Nadatnan kong nag-aagaw buhay na ang diyosa.
Ibinigay niya sa akin ang kabila niyang mata na iningatan niya mula sa mga bampira at pinainom sa akin ang banal niyang dugo na nasa banal niyang kopita.
Nilipat niya sa akin ang natitira niyang kapangyarihan na hinigop rin ng masasamang bampira.
Mahirap man paniwalaan at tanggapin ang lahat, ginawa ko ang misyon kong makabalik agad sa ating mundo."

"NEW BLOOD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon