FOURTEEN - I'm inlove with the Shape of You

46 5 1
                                    


ELLERIE MONTREAL

"Ang daming yummy na fafa! Excited na aketch sa laban!"
Bulong nang bakla sa unahan ko. Nakaupo ako sa pinakadulong row ng audience seat na halos puno na ewan ko ba kung bakit.
Kinalabit ko ang babaeng katabi ko.

"Psst. Anong meron at napuno itong buong court?"

Mukhang nagulat naman ang babae ng makita ako. May dumi ba sa mukha ko?

"Ellerie Montreal? The most famous female athlete here in Von Scheitz Univ?"

Takang tanong nya. Nakalimutan kong i'm quite popular nga pala dito dahil athlete ako.
"Yes. I am. Ano ngang meron at halos nagpipigil sumigaw ang karamihan dito? Sino ba ang mga maglalaro?"

"H-ha? Di nyo po alam? Ang alam ko ay galing daw sa department nyo ang karamihan sa maglalaro. Yong isa ay galing sa Buisness Ad Department. At yung isa ay outsider. Balita ko nagkahamunan daw kanina 'yong lalaking outsider at 'yong lalaking galing sa department nyo which is HRM. Kaya ayon nagtawag ng tropa ang magkabilang kampo at dinaan sa basketball match. Balita ko ring gwapo ang lahat nang manlalaro. Kaya ayan ang resulta. Puno ang audience seat. Pati ang ilang teachers natin andyan din oh!"
Paliwanag nang katabi ko at may tinuro doon sa may bandang unahan.
At tama nga sya. Karamihan ng mga babaeng guro namin ay nandidito nga at tila ba atat na rin sa pagpasok ng mga manlalaro. Hindi ba sila magtuturo? Nagmadali pa naman kami ni ghost para lang di malate tapos wala pa atang klase dahil dito sa basketball game na to. It's very unusual, i'm a member of basketball girls at pag may laro kami e hindi naman ganyan kadami ang crowd. Nakakapagtaka talaga.
Nacurious tuloy ako kung sino 'yong taga- HRM department at outsider na nagkahamunan ngayon. Basta talaga gwapo, nawawala na ang manners ang ilang estudyante. Nagtitilian na kase yung iba, e wala pa naman yung mga players.

"Sorry for the long wait, Ladies and gentlemen! Here are the players for team Wesley!"
sabi ng babaeng may hawak na megaphone na nakatayo sa gitna ng court, walang iba kundi si Emerald.
Tama ba ang dinig ko? SI WES???

At dumagundong na nga ang napakalakas na sigaw ng buong crowd at napatakip na ako ng tenga dahil sa ingay nila. Isa isa na kasing nagsipasok sa loob ng court ang team Wesley----TEKA... KILALA KO TONG MGA TO AH??

"Power forward, Heize Von Scheitz!"
Unang tinawag ang pangalan ng mayabang na anak ng may-ari, nag-wink pa ito sa crowd kaya lalong lumakas ang tilian.
"Small forward, Seiran Zakaruietch!"
Sunod na tinawag ang napakacute na si Seiran na all smiles lagi. Di tuloy napigilan ng karamihan na kuhanan sya ng litrato. Maging ang katabi ko na pinagtanungan ko kanina ay kinuhanan din si Seiran.

"Point guard, Fritz Young!"
Ang kwela kong kaklase na heartrob ng buong university. Muntik pa syang madulas sa pag-entrance nya kaya natawa kami pero agad syang nakabawi nang magpogi sign pose sya at ngumiti showing his killer smile na talagang napakagat labi at napatili na naman ang mga manunuod.

"Shooting guard, Casper Vladimir!"
Mas lalong umingay ang tili ng kababaihan ng tinawag ang bodyguard ko. Pokerface lang syang nakatayo katabi sila Fritz. May suot si ghost ngayon na headband na gaya ng kay Dao Ming Si ng Meteor Garden kaya ang astig nyang tingnan sa nakataas nyang buhok.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahawak sa cellphone ko at nakatutok ang camera nito kay Ghost.
Nang tumingin sa may gawi namin ay aksidente kong napindot at nacapture sya dahil sa paghampas sakin ng katabi kong isa.
Napakagat na lang ako ng labi ng pagmasdan ko ang kuha nya (na aksidente lang). Damn. How can someone be this good just by smirking while looking at the camera?
Casper, Bakit sobrang perfect mo?
Ewan pero feeling ko nagkakacrush na ata ako kay Ghost. Uy, wag kayong maingay ha.

"And last but not the least, from team Wesley! The team captain, center, Wesley Choi!"
At tulad nila ghost ay nakatanggap rin ng malalakas na tili at hiyawan mula sa audience si Wes na kasalukuyang sumasayaw ng Look What You Made Do ni Taylor Swift na syang backround music ng court. Bading talaga e ano? Pffft.

HER VAMPIRE BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon