SIX - Don't dare to fall, You'll get hurt

76 7 0
                                    

ELLERIE MONTREAL

"Warlock -
A warlock is a male practitioner of evil magic (distinguished from a wizard or sorcerer, whose magic may be benign).
The most commonly accepted etymology derives from the Old English 'wærloga' meaning "oathbreaker" or "deceiver". However, in early modern Scots, the word came to be used as the male equivalent of witch."
Napatango tango na lang ako sa binabasa ko. Wow. Ang galing naman pala Wes. Parang may pagka- Harry Potter pala sya (evil version nga lang.) . Witch pa naman 'yong hula ko sa Half Warlock and Half W---- na naputol dahil sa pesteng pagsalakay ng bampira sa resto. Pareho lang din naman pala kasi ang witch and warlock. Witch is a female. While warlock is a male version of it.
Pero baka nga half Warlock and half witch si Wes. Bading yun e. Joke lang.
Kaya siguro nagawa nyang patigilin noon si Casper sa quiz battle nilang dalawa. Yung pagkumpas ng kamay nya. Gumamit sya ng black magic? 
Hindi ko talaga hilig ang pagbabasa pero dahil sa natuklasan ko kay Wes, bigla na lang akong nacurious kung ano ba ang warlock. At kung ano ang katangian nito.
This is interesting. Masubukan nga ang powers ni Wes. Ipakulam ko sa kanya si Mr. Noh buhok. Joke joke. Pero pwede rin kasi sagad ang kasamaan ng hinayupak na kalbong iyon.
Nang dahil lang sa kwintas na may legit blue diamond pendant na naipanalo ni Dad sa auction laban sa kanya, kung ano-ano at sobrang daming death threats ang pinadadala nya sa amin para ibigay ni Daddy ang kwintas. Pero si Daddy, hindi nagpatinag. Mas dinagdagan nya ang security ng building na pinagmamay ari at pinagtatatrabahuhan nya. 
Hindi ko alam kung anong meron dito sa kwintas na suot suot ko at bakit ang laki ng interes dito ni Mr.Noh. 
Siguro bading din yon katulad ni Wes. Gusto nya sya ang magsuot. Charr. 
Sa totoo lang, this necklace was Dad's gift for my 17th birthday last year kaya ginawa nya ang lahat para manalo sa sya auction. Wanna know kung magkano ito naisubasta kay Dad?
Tumataginting na 250 freaking Million lang naman.
Well wala lang naman kay Dad ang ganyang halaga dahil wala pa yan sa 1/4 ng kayamanan nya. Opo. Rich kid din ang ateng nyo. Di lang halata.
Tinignan kong muli ang kwintas. Napakaganda. The star shaped blue diamond pendant is shining brightly even in the dark. 250M is worthy.

"Ms. Montreal."
Napabalikwas ako dahil sa pagkatok. Isinara ko na ang laptop saka nagtungo sa may pintuan. 

"Yes?"
Sagot ko pagkabukas ng pinto. Aba. Himala at nandito parin ang nakakayamot na Viper na ito. Akala ko ay aalis na ito once na gumabi na.

Hindi ito sumagot. Basta nalang nitong inihagis sa loob ng kwarto ang dala nya.

"You left that on the resto. Tsk. So idiot."
Sabi nito saka tumalikod. 
Uh! Konti na lang babatukan ko na tong Viper na to. Napakawalang galang sa babae . Sayang sya. Ang mukha ay swak. Ay ugali ay ligwak.

Anim na oras na ang nakalilipas mula ng may nangyari kanina sa resto. Dahil sa pagmamadali ko kanina dahil sa kutob kong si Casper ang may gawa nun, naiwanan ko pala yong sling bag ko. Ito yong hinagis ni Viper kanina. Buti at wala akong dalang babasaging pabango kundi.. Lagot talaga sakin 'yong Viper na ahas na yon. Oo ahas. Diba may uri ng ahas na Viper? Bagay na bagay. Ahas ang pag-uugali nya. 
Pero sandali lang....

ViPER.
CasPER.
ViPER.
CasPER.

Their names.. magkarhyme. Hindi kaya may koneksyon sila sa isa't isa?
Napatitig ako kay Viper na naglalakad na palayo. Why am i seeing Casper in him? Yong height parehong pareho. Yong tindig pareho din. Maging yong buhok, jet black.
Hindi kaya iisa lang si Viper at Casper?

Isanara ko na ang pinto saka ako umupo sa kama ko at binuksan ulit ang laptop. 
I press the 'X' button sa taas dahil wala naman na kong kailangang isearch sa wikipedia.

Nag- Login na lang muna ako ng facebook. Tagal ko na ring di nakakapag-open. Nakakatamad kasing magbukas. Puro hugot at pabebeng photos ang nakikita ko sa newsfeed ko. 
Binuksan ko muna ang notifs.

HER VAMPIRE BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon