Chapter 2: The Queen's Enemy

19 5 0
                                    

(Isaac pov)

Hindi ako nag dadalawang isip na hindi ako papasok sa pangalawang araw ko, dahil hindi hadlang ang kanyang kapangyarihan para hindi ko matapos ang aking pag-aaral dahil nangako ako saaking ina na ibabangon ko ang aming buhay sa kahirapan at hindi ko papayagang gibain niya iyon.

Pumasok nako sa gate ng unibersidad at papunta na sa aking silid ng may mga grupo ng lalaki na nagtatawanan palakad saaking deriksyon, iilag sana ako baka hindi nila nakitang may tao dito.

Napahinto ako ng huminto sila saaking harapan. Lumapit sila saakin at Inakbayan sa likod.

"Narinig namin ang balita" Sila ay nagkaroon ng malakas na tawanan.

"Bilib ako saiyo, sobrang tapang mo" Habang ang lalaki na katabi ko ay tinapik ang aking likod.

Hindi ko alam ano ang aking emosyon, magiging bilib saaking sarili o hindi paniniwalaan ang kanilang sinasabi.

Umalis na sila habang ako ay patuloy sa paglalakad ang layo talaga ng aking silid na pinapasukan dahil ang Unibersidad na ito ay sobrang laki.
Kadalasan mapapansin kong halos ang mga estudyante dito ay may auto at motorsiklo at may sarili pang parking lot.

Habang lumalakad ay napapansin kong lahat sila napapatingin saakin. Hindi ko ma diskubre kung ano ang kanilang nasa isipan.

Sobrang bilis naman kumalat ang balitang iyon hindi talaga maiiwasan ang mga taong tsismoso at tsismosa.

Bago paako pumunta saaking silid na hindi naman kalayuan sa mga locker huminto muna ako roon, kinuha ko ang aking Id at si-nwipe iyon at bumukas ito.

Bumungad saakin ang isang parihabang kulay pula at itim ang letra na nakalagay 'TQE'.
Inilagay ko na ang aking mga libro doon.

Siguro meron ding sticker ang bawat locker dito. Tumingin ako sa mga estudyante na binuksan ang kanilang mga locker ngunit saaking pagtataka wala namang 'TQE' sticker. Ibinaling ko pabalik ang aking sarili sa sticker na naka dikit sa aking locker.

Binalewala ko lang ito baka naka dikit nayun noon pa. Isinarado ko na ang aking locker at pumasok na sa silid.

Napapansin kong lahat ng estudyante ay nakapalibot saaking upuan. Ang kanilang atensyon ay na saakin na ng mapansin nilang meron ako.

Papalakad nako patungo sa aking kinauupuan habang sila ay umatras para bigyan ako ng daan.

At sa laking gulat ko meron namang 'TQE' sticker kagaya kanina na naka dikit sa aking locker. Kahapon wala naman ito? talagang merong naglagay nito sa aking upuan at sa aking locker. Ang alam ko lang na kalaban ko ay iyong bruhang babae na inaalipin si Mark!

Tinanggal ko to at pinunit sa galit at dahilan  napa gasp ang lahat ng estudyante. Inilibot ko ang aking mga mata at nakitang lahat sila ay nag bulong bulongan.

"He is against"
"Prepare your self"
"Death is near"
"Better run from your life"
"He was next"

Iyon ang aking narinig sakanilang  pag-uusap.

Biglang may gumapos sa aking dalawang kamay at kinaladkad ako palabas ng silid. Pilit kong kumawala ngunit sobrang lakas nilang dalawa na pumipigil saakin.
At may isang lalaki na tinakpan ng panyo ang aking mata.

Pinaupo ako at pinusas ang aking dalawang kamay. Biglang nawala ang ingay at nagkaroon ng tahimik sa paligid.

Naramdaman ko ang paghinga sa kung sino man ang lumapit saaking tenga at bumulong.

"Gwapo ka sana pero dahil sa ginawa mo hindi ko basta bastang papalampasin iyon"

"Tigilan mo nato!" Sigaw na may galit habang pilit na kumakawala.

"Dont you shout at the queen" Sabi ng lalaki na hindi ko namalayan ay biglang binugbog ang aking tiyan na dahilan sa aking pagkayuko. At sunod ang pag bugbug saaking mukha kanan at kaliwa na nagsilbing may dugong tumulo  sa may pisngi ko.

Maharas nilang tinanggal ang panyo sa aking mata at biglang kinaladkad naman ako palabas nito.

Nakarating kami sa cr ng lalaki at bigla nilang binuhusan at tinapon ng tubig at nabasa ang aking uniporme.

Inilabas nila ako at lahat ng tao ay naagaw ko ang kanilang atensyon.

"Makinig kayong lahat! ngayon maglalaro nanaman tayo!" Sigaw ng lalaki na pumunta sa aking harapan para sabihin iyon sa lahat ng mga estudyante at biglang nagkaroon ng hiyawan at saya ang mga ito.

Sa hindi ko inaasahan may bumato saakin ng isang naka kulopot na papel hanggang sa sumunod ay parami ng parami ang natatangap ko na pag bato bigla nalang nakaramdam ako ng lapot at nalamang tinapunan ako ng itlog hanggang sa sunod na sunod ito ay rumami.

Hindi ako maka ilag dahil hinahawakan pa nila ako. Ang tanging makikita ko ay ang saya ng mga estudyante sa kanilang ginagawa. Guro na wala namang nagawa.

Natapos lang ito ng pinahinto na sila ng lalaki na humawak sakin.

Hindi ako umiyak, ngunit ang ginawa nila sakin ang dahilan na nagpapatatag sakin. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako duwag!

Dinala nila ako pabalik sa abandunadong silid at pinaupo.

Lumapit siya saakin at naka pamewang.

"T.Q.E. The Queen's Enemy, welcome and Im glad to be your enemy"

Umalis na silang lahat at naiwan akong mag isa. Gusto kong suntukin at habulin sila para labanan ang aking sarili ngunit sobrang kapal ng tali ang tinali sakin.

Nawalan na din ako ng lakas kaya napayuko ako habang humahabol ng hininga.

Napa angat ako ng may dumating na tao at si Mark iyon.
Pumunta siya saaking likuran para tanggalin ang tali na nakatali saaking dalawang kamay.

"Sinabihan nakita na lumipat ka na ng paaralan"

Natanggal na ito at inalalayan ako ni Mark papunta sa clinic.

"Ako na ang bahala dito" Umalis na si Mark para pumunta sa kanyang klase. Lumapit saakin ang nurse na gumamot saakin noon at umupo malapit saakin.

"Binogbog kana naman nila?" Habang kinukuha niya ang isang puting tuwalya at pinunasan ang dumadaloy na dugo saaking pisngi.

"Bakit parang walang kalabanlaban ang mga guro sa kanila? kung matagal ng merong mga bayolente na ginagawa nila bakit hindi man lang ma drop out o ma suspended? hindi man lang binigyan ng pansin ng principal iyon, bakit walang bumabalak na mag sumbong sa mga pinag gagawa niya?" Magulo kong sabi. Akala ko maganda ang unibersidad na ito ngunit nagkamali ako maganda lang pala ang itsura ng paaralan pero ang patutungo nila sa mga estudyante ay hindi maganda.

"Malaki ang donasyon ng mga Dashner sa paaralang ito simula sa pagkabata nila" Kumuha siya ng cotton at nilagyan ito ng betadine at inilagay saking pisngi.

"Nila? meron ba siyang mga kapatid na ng dito?"

"Siya nalang ang Dashner na nag aaral dito, may kuya si Carol kagaya rin siya ng kuya niya parehas silang kinakatakutan ngunit meron ding kaibahan sila magalit, si Carol dinadaan niya sa pang bubully ngunit ang kanyang kuya ay kaya niyang pumatay, pero hindi ako naniniwala dahil alam ko iyon nakikita ko iyon sakanyang mga mata" Yumuko siya at umangat pabalik at ngumiti na pilit.

"Saan na pala ang kuya ni Carol?"

"Grumaduete nayun at nagkaroon na ng sariling negosyo and... He is my ex, well siguro sa katangahan ko na sali ako sa mga babaeng nakama niya na rin at nag paka tangang babae na naniniwala na siya na..."

"Paumanhin"

"No, it's okay and here your slip para makauwi ka na ng maaga"

"Thank you ma'am"

"Call me Ella" Inilahad niya ang kanyang kamay at akin itong tinanggap at nginitian siya.

Queen's RivalWhere stories live. Discover now