(Isaac pov)
"Ma! pupunta na po ako sa eskwelahan"
"Sige anak magpakabuti ka doon ha"
Kinuha ko na ang bag ko at nagsimulang lumakad dahil hindi naman kalayuan ang eskwelahan sa aming bahay.
"Magandang umaga Isaac" Tili ng babaeng naka tagpo ko.
"Magandang umaga" Maginoong tugon ko na napatili siya ng sobra.
Ang mga babae talaga.
Napakasayang araw na pumasok sa isang mamahaling eskwelahan at sisiguraduhin kong makakapag tapos ako ng pag-aaral at maging top sa klase, nag ka scholar kasi ako kaya nakapag aral ako sa isang Unibersidad. At one week hindi ako nakapasok kasi tinapos ko pa ang trabaho ko.
Pumasok na ako sa Unibersidad at hinanap na ang aking silid, nang makita ko ito ay pumasok ako at umupo sa upuan, napansin kong sobrang busy nang mga studyante kakaatupag sakanilang mga cellphone. Merong mga grupo ng babae na nag lalagay ng palamuti sa kanilang mukha at grupo ng lalaki na ang topic nila ay mga ibat ibang klase ng sasakyan na mukhang mamahalin ito dahil hindi pamilyar saakin ang mga sinasabi nila.
Nag simula ng nag turo ang aming professor. Atentibo akong nakinig, upang magkaroon ng malaking marka.
Napahinto ang lahat at napatingin sa isang lalaking naka eyeglasses na kakarating lamang.
"MARK BONIFACIO! KELAN KABANG NATUTUNG MAHULI SA KLASE?!"
"Pasensya na po" Pagmamakaawa habang yumuyuko ang lalaki. At umupo na ito saaking tabi.
"Now! go back to our discussion"
Tinignan ko ang oras at malapit ng mag recess.
Habang nagtuturo si prof. Ay bigla akong napatingin sa isang babaeng kakarating lang, maganda, maputi, buhok niya ay naka blond at kita mong mayaman siya, na agad pumasok sa silid. Nagtataka ako dahil parang walang nakapansin sa kanya? samantala kanina ay pinagalitan pa ang lalaki?
Umupo ang babae sa tabi ng lalaki na pinagalitan kanina..
Sino bang tao ang papasok sa oras na malapit ng mag recess? hindi ba siya nag aalala sa kanyang magulang para makapag aral lamang siya?
Binalewala ko nalang at nakinig sa prof.
"Hey hand it over"
Nahinto nanaman ako sa pakikinig ng marinig ko ang boses ng babae na kinakausap ang lalaki na napagalitan kanina at kita sa mata ng lalaki na natatakot ito, at may inilahad na kwaderno ang lalaki at kinuha ito agad ng babae. At inilahad ng babae ang isang daan na tinanggap ng lalaki.
At palihim kong tinitignan na nag ce-cellphone ang babae na parang may sariling mundo, habang ang prof. ay walang nagawa? napansin ko ding bawal ang pagpapakulay ng buhok at lahat ng estudyante sa campus ay itim ang kanilang mga buhok at siya lamang ang nakita kong may kulay?
Nang tumunog na ang bell ay lahat sila napasigaw ng saya at mabilis na umalis sa silid.
Nang mapansin kong kami nalang dalawa ng lalaki ang naiwan dito.
Dahil sa pagtataka ko ay nilapitan ko ang lalaki."Isaac Montinegro" Inilahad ko ang aking kamay at kanya itong tinanggap.
"Mark Bonifacio" Masiyahin niyang sabi. "Pansin kong bago ka dito?"
"Nag ka scholar kasi ako kaya nakapag aral ako dito" Habang kumakamot ako sa ulo.
"Kung ganun mabuti pang sumabay kanalang sakin dahil papunta ako ngayon sa cafeteria"
YOU ARE READING
Queen's Rival
Novela JuvenilShe is CAROL SMITH E. DASHNER she is fearless, gorgeous, dauntless, came from a rich family and everything that defines a Queen. Don't ever disrespect her or your life will be miserable. She was known to be the scariest girl in their campus because...