Chapter 1

15 1 0
                                    

"Bangon na hoy tanghali na!" Sigaw ni Lola. Bumangon ako kahit antok na antok pa ko at inalog alog ko si Lloyd.

"Bangon na Lloyd." Pilit kong iminulat ang aking mga mata at lumabas na sa kwarto. Nakita ko si Lola na naghahain ng pagkain sa mesa. "Ano ulam La?"

"Ayan oh. Sinigang. Kain na kayo." Umalis na si Lola at nakita ko naman si Lloyd na lumabas ng kwarto.

"Hoy kain na!" Nagulantang siya sa pagsigaw at dali daling naupo.

..

"La baon." Nakangiting sabi ko, malay niyo kasi madagdagan baon ko diba?

"O ayan singkwenta." Napabusangot naman ako at tiningnan lamang ang hawak na pera ni Lola.

"Ba't singkwenta lang? Anong mabibili ko diyan La? Kendi?"

"Aba aba nagrereklamo ka pa! Nung panahon nga namin, sa isang piso e ang dami na naming nabibili."

"La alam ko namang matanda na kayo pero iba naman kasi talaga yung presyo nung noon sa ngayon." Pangangatwiran ko. Napanguso naman siya at dinagdagan pa ito ng bente. Napabusangot pa rin ako pero tinanggap ko na yung pera. Baka hindi na tuloy ako pabaunin.

Pagkarating ko sa school ay agad akong pumunta sa kabilang room, manghihiram ako ng libro sa Science. Pagkatapos ay pumunta na ako sa room at agad kong nakita si Vel, ang boyfriend ko slash bestfriend ko na rin. Mahabang kwento bago naging kami.

🎶 Baby I'm falling
Head over heels
Looking for ways to let you just how I feel 🎶

"Ingay mo." Tawa ko sa kanya. Ilang buwan na din kami, actually mag iisang taon na din. Sabi nila na kapag mag iisang taon daw ay may malaking problemang kahaharapin, pero wag naman sana.

🎶 You're the right time at the right moment
You're the sunlight that keeps my heart going🎶

"Tama na kasi, binababoy mo ang kanta e." Natatawang sabi ko at naupo na.

"So kumusta ang araw ng maganda kong prinsesa?" Nakangiting tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Hindi ko alam, umaga pa lang Vel." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin ay kung kumusta ang umaga mo." Nailing naman siya.

"Eto, buo. Kausap ko kasi yung clown sa buhay ko."

"Ang corny mo, Aye (eye)."

"Sus kinikilig ka lang e." Tumawa naman kami ng sabay. "Date tayo mamaya?"

"Sure." Ngiti niya. "Sige na, mag aral ka na, may quiz pa naman tayo first subject." At kagaya ng sinabi niya ay nag aral nga ako. Mahina pa naman ako sa Science. Inaamin ko naman iyon dahil ang hiling ko talaga ay Math. Iniisip ko nga minsan, ba't pag sa Math ang dali kong matuto pero pag sa Science kahit meaning lang e ang tagal kong mamemorize?

Btw, ako nga pala si Aye Faune Artiaga, binabasa sa Eye Fon. I am 19 years old at no, hindi ako naabot ng K to 12 so 4th year college na kami. Nakatira kami sa Lola ko kasi pareho ng magulang ko ay nasa abroad, mas madali daw ang kita doon kaya kahit labag sa loob nila ay doon sila nagtrabaho. Dalawa lamang kaming magkapatid, ako at si Lloyd. Kasama namin sa bahay sina Tita na may isang anak. Wala namang special sa akin dahil isa lamang akong ordinaryong estudyante. At ayun nga, ang kasintahan ko ay si Vel Terrence Lee, he was my best friend for about 3 years at ngayon ay kami na. Mag iisang taon na din kami. Masaya, yes. Nag aaway din naman kami pero madali din namang nasusulosyunan.

I was there when he was very very down kaya naging bestfriends kami. And I was there at his ups kaya naging kami. He was my first love but I'm not his, masakit na may mas nauna pa siyang minahal kaysa sa akin pero kailan ko din namang tanggapin. Atleast I'm the last, I guess.

"Aye." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Vel na binubulungan ako.

"Ano? Ba't andyan ka?" Bulong ko pabalik.

"Alam ko kasing walang pumapasok sa utak mo kaya lumipat ako."

"Grabe ka sakin."

"Shh wag na madaming satsat. Pagbilang ko ng tatlo ibibigay ko sayo papel ko." Tiningnan ko si Ma'am sa unahan. Ang seating arrangement namin ngayon ay parang sa exam, magkakahiwahiwalay.

"Isa.." Tiningnan ko sya at ang gago, seryoso nga sa sinasabi niya.

"Dalawa.."

"Vel wag."

"Tatlo.." Ibinigay niya ang papel niya at kahit nag aalangan e kinuha ko pa rin. Dali dali kong kinopya ang mga sagot sa mga numerong hindi ko pa nasagutan at lumingon sa unahan.

Patay. Tumayo si Ma'am.

Tiningnan ko siya at tiningan niya din ako.

"Patay." Sabay naming bulong.

Aime Et Taime ToujoursWhere stories live. Discover now