Chapter 3

7 0 0
                                    

6 pm na nang magtxt si Vel, nagcharge daw muna kasi siya kasi nalowbatt siya. At syempre, sa laki ng tiwala ko sa lalaking iyon e nakumbinsi niya ako.

"Buong araw na tayong makasama tapos magkausap baka naman magsawa ka na." Sabi ko kay Vel, kasalukuyan kasi kami ngayong nagfefacetime.

"Baliw, hindi. Kung kasing ganda mo naman ang kausap ko e bat naman ako magsasawa?"

"Linoloko mo na naman ako e." Natatawa ko png sagot.

"Kailan ba ko nagloko sayo? Seryoso kaya ito." Nakangiti niyang sabi niya tinapik tapik ang dibdib niya.

"Ayy nako Vel, may sa baliw ka talaga." Umiling ako tsaka nagtype sa loptop. Ginagawa ko kasi yung thesis ko kahit malayo pa ang submission, tamad kasi ako mag aral kaya kapag sinisipag ako e agad kong ginagawa. Minsanan lang e.

"Ayy nga pala, magsasummer na ah. Uuwi ba Mama mo?" Bigla niyang tanong.

"Ay oo nga pala. Sabi ni Lola, baka daw next next week e andito na sina Mama."

"Hala, bat ang aga naman?" Nagtatampo niyang sabi. "Wala na naman tuloy tayong connection niyan."

"Nagagawan ko naman ng paraan ah." Then I let out a chuckle.

"Eee hindi naman yung ganito. Minuto lang tayo nun mag uusap tapos matagal ka pang magrereply."

"E kasi nga baka madakip tayo."

"Ba naman yan, maggagraduate na tayo e."

"Magsisimula na naman ba tayo sa usapan na yan Vel?" Tinigil ko ang pagtatype ko tsaka ako humarap sa ipad ko. "Alam mo naman sitwasyon natin diba? Strict ang parents ko at isa pa si Lola, you know how our family play."

"Pero Aye—"

"Kailan pa naging Aye ang tawag mo sakin?" Seryoso ko siyang tiningan. "Know what? Kung hindi mo na naman ako maiintindihan then wag muna tayong mag usap. Tatawagan nalang kita bye."

I ended the call. Ito nalang palagi ang pinag aawayan namin. Oo aminado naman ako na may mali ako e, hindi ko dapat tinatago. Pero kasi, natatakot ako. Baka paghiwalayin lang kami. I can't risk losing him. Since my parents works abroad, wala nang concern sa kung sino ang mga kaibigan ko. Hindi nila alam na may Vel na nag eexist sa buhay ko. We were bestfriends yes, pero hindi nila alam yun. Hindi naman kasi pumupunta si Vel sa bahay. So yeah, ayokong aminin na may kami. I am turning 20 this May pero kontrolado pa rin ni Lola ang buhay ko. Bawal akong gumala, bawal akong magpagabi, bawal lahat! So I can't risk losing Vel, I can't lose him.

..

Nakailang tawag saakin si Vel kagabi pero hindi ko sinagot, inoff ko na ang phone ko at natulog. Ngayon umaga e hindi kami nagpapansinan kaya magkalayo ang distansya namin sa isa't isa.

"Aba himala, hindi yata kayo magkadikit." Sita saakin ng isa naming classmate.

"LQ." Simpleng sagot ko. Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin din siya saakin. Inirapan ko siya at tumayo. Malapit na pala ang exams namin, kailangan ko nang asikasuhin yung clearance ko.

Papunta sana ako ng canteen nang may malakas na hangin akong naramdaman sa katabi ko. I saw Vel ran, papunta sa canteen, kaya agad naman akong tumalikod at bumalik sa kinauupuan ko. Bahala siya sa buhay niya, hindi niya naiintindihan ang sitwasyon ko.

Magbabasa na sana ako ng libro ng biglang may sumulpot na Chao Fan sa harapan ko. Nang lingunin ko kung sino ang nagbibigay ay nakita ko si Vel.

"Bati na tayo." Nakangiti niyang sabi. Umirap naman ako habang nakangiti. Kinuha ko yung Chao Fan tsaka kumain.

"Sabado na pala bukas, plano mong gawin?" Tanong niya.

"Wala. Magrereview, exams na next week e. Ikaw?"

"Wala, sasamahan ko lang si Ate Ella na magpacheck up. Aalis si Tita bukas e."

"Ahh."

"Cold ka na naman, wala naman akong ginagawang mali e." Nagtatampo niyang sabi.

"Hindi naman, baliw. Wala naman akong magagawa niyan diba? Pamilya mo yan." Pamilya nga ba?

"I'm glad you understand." Nakangiti niyang sabi.

"Palagi naman kitang iniintindi, ikaw lang naman itong hindi."

"Baliw." Natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga naman ako.

Bat ba hindi ako mapakali? Ang tanga ko na ba? Bat ba ko paniwalang paniwala sakanya? Ang lakas ng kutob ko na nagsisinungaling siya, na linoloko niya ko, pero ayoko namang magtanong. Babalik na naman kami sa trust issue na yan. Maliban sa family issue na iyon, trust issue ang palagi naming pinag aawayan noon. Kesyo walang tuwala, kesyo ganito ang pagtingin sakanya. Ayoko naman na pagdudahan niya ang pagmamahal ko sakanya pero kasi... ibang usapan na naman yung kapag linoloko niya ko.

..

Mabilis na dumaloy ang oras at hapon na pala ng Sabado. Naglaba ako kaya hindi agad ako nakareply sa mga texts ni Vel. Magaalas tres nung huli siyang nagtxt at nagpaalam na iiwan niya ang phone niya para magcharge. Pero magaalas sais na e wala pa rin siyang txt.

🙊💞: Hey baby, I'm so tired☹️

Bat ka naman mapapagod e nagbabantay ka lang naman? Si ate el lang naman nagpacheck up right?

🙊💞: Oo nga, pero kahit na. Nakakapagod kayang magbantay.

Ewan ko sayo Vel, lokohin mo sarili mo wag ako😒

🙊💞: To naman, di naman kita linoloko e😔😪

Sabihin mo yan sa babae mo gago

🙊💞: Ayy minura ako☹️ minumura mura nalang pala ako ngayon.

Ayy punyeta nagdrama na. Wala na talo na ko. AISH! Itinapon ko sa kama ang phone ko pero agad ko din naman itong hinabol. Naiinis ako! I REALLY REALLY HATE MYSELF!! Bat ba mahal na mahal ko tong gago na ito!? Aish!

Wag mo kong dramahan Vel, ikaw may kasalanan dito.

🙊💞: Ako? Ako na naman, palagi nalang ako. Sa pamilya ko, ako. Sa iyo, ako pa rin?

Unti unti nang lumuha ang mga mata ko. Bat ganito? Bat kailangan ako na naman susuyo? Ako ba may kasalanan? Naiinis na ko sa sarili ko! Naiinis na ko sakanya! Bat ba talo ako palagi sakanya!? Ako ba lalake? Bat parang ako mali? Ano bang ginawa kong mali?

Ang dami dami kong gustong itanong sakanya, sabihin sakanya, pero walang lumalabas sa bibig ko, hindi ko maitype sa phone ko. Kaya sa huli, sorry nalang ulit ang nasabi ko. And guess what? Bati na naman kami ng hindi na naman nasasagot ang mga tanong ko.

Ayoko na, ayoko na sa sarili ko. Gusto ko nang mamatay.

Aime Et Taime ToujoursWhere stories live. Discover now