Chapter 2

6 0 0
                                    

Kinakabahan ako at nagpapawis ng malamig. Patay, baka madakip kami ni Ma'am, ang terror pa naman nito. Tiningnan ko ulit siya.

"Pagkabilang ko ng tatlo, Vel." Kumunoy ang noo niya at umiling ng paulit ulit. "Isa.. Dalawa.." Tiningan ko si Ma'am.

"Tatlo." Kasabay ng pagbilang ko ay ang pagtapon ko ng papel niya. Hinabol niya ito kaya nagmistulang linipad lamang ang papel niya. Gumaan ang pakiramdam ko. Muntikan na kami doon.

..

"Ikaw kasi! Sabi ko naman sayo na wag mo ituloy e!" Hinatulan ko siya ulit.

"Hahahaha kahit na! Di naman tayo nadakip e! Tsaka kapag di kita pinagaya, wala kang maisasagot." Mayabang niyang sabi kaya napabusangot naman ako.

"Grabe ka sakin, baby. Di mo na ba love si babe?" Natahimik naman siya at tumikhim. Talo ko talaga siya kapag nagbababytalk ako. "Hays, niaaway mo ako na naman. Sad na ako."

Nagpout naman ako at nagbeautiful eyes. He rolled his eyes at tsaka ginulo ang buhok ko. "Para ka talagang baliw. Tara na nga hahahah."

Uwian na kami. Naglalakad kami papunta sa cafe na pinakapaborito namin, malapit lang naman siya. Pagkadataing namin ay nag order na siya habang kinukulikot ko ang phone niya.

Ang bait naman ng boyfriend ko, talagang walang kalandiang iba. I was about to turn off his phone when the 'Notes' app caught my gaze. Nagpout ako tsaka binuksan iyon.

Note 1: Palagi siyang lambingin.

Bat kailangan niya pa itong inotes? May sa baliw talaga yun hahaha.

Note 2: Bilhan siya ng pagkaing gusto niya.

Ayy nako Vel, nababaliw ka na hahahaha. Iindahin ko na sana yung iba pa niyang notes ng may mabasa akong 'Check Up'.

Note 3: Check Up Schedule; Every Sat 3 pm

Inangat ko ang ulo ko and saw Vel coming.

"Ano to Vel?" Curiousity was now killing me. Anong ibig sabihin nito? Bat kinakabahan ako? May sakit ba si Vel?

"Hm? Ang alin baby?" Ibinaba nya yung tray tsaka kinuha ang phone saakin. Nagbago ang facial expression niya pero agad din namang bumalik. "Ah, sa pinsan ko yan."

"Sinong pinsan?" Itinaas ko ang kilay ko. Linoloko ba ko nito?

"Si Ate, ano, Ate Ella." Naupo na siya habang kinakamot ang ulo niya. "Ano ba yan by kain na nga muna tayo."

Ibinaba ko ang phone niya. Nagsasabi ba siya ng totoo? Bat parang hindi? Kinakabahan pa rin ako. Ininom ko yung coffee na inorder niya tsaka tiningnan siya ng may malaking tanong saaking mukha.

"What? I'm telling you the truth." Natatawa niyang sabi saka pinisil ang mga pisngi ko. "Ang cute mo."

"Teka nga, Vel, kung kay Ate Ella yan e bat nasayo?"

"Kinuha kasi ni Tita yung phone niya kaya dyan sya nun nagtype." Cool niyang sabi.

Well, now I'm convinced. Kumalma na rin yung puso ko. Kala ko pa naman linoloko na niya ko, malay ko ba kung sa babae niya yan. Nako talaga, alam niya na kapag may babae siya puputulan ko siya ng saging. Subukan niya lang.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na ako sa may kantong malapit sa bahay namin. Nasa iisang baranggay lang ang bahay namin pero magkaiba ang sitio. Hindi pa ako nakakalayo sa may kanto ay nagtxt na siya.

🙊💞: Miss na kita😔

Napangiti naman ako.

Magkasama palang tayo uyy

🙊💞: Kahit na, nakakamiss ka kaya😊❤️

Ewan ko sayo😂 osige na, papasok na ko. Txt nalang kita, love you 😘

Pumasok na naman ako sa bahay at naabutan si Lola na nagmemeryenda.

"Bless ho La." Inabot ko ang kamay niya tsaka ako nagbless.

"Aye, uuwi daw pala ang Mama at Papa mo." Bigla namang sumigla ang aura ko at napalingon sakanya.

"Talaga po? Kelan daw?"

"Basta daw next next week ay andyan na sila." Tumango naman ako at pumanik na papunta sa kwarto.

50 50 ang kagustuhan kong umuwi sina Mama. Una, gusto ko. Sino ba namang hindi? Minsan ko lang sila makasama at nakakamiss ang bonding naming magkakasama. Plus nakakainggit yung ibang mga bata na may mga magulang na kasama. Matagal na din naman sila sa ibang bansa kaya maganda na sigurong mag for good na sila.

At syempre, ang another 50 is for my pangangamba. Hindi kami legal ni Vel sa pamilya ko kasi natatakot pa akong ipakilala siya. I know I'm 19 and soon enough ay gagraduate na ko, pero kasi ang usapan namin ni Papa is after graduation. Kaya ko sinagot si Vel ay kasi baka hindi na ko makahanap pa ng katulad niya, ayaw ko nang pakawalan pa.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong tinawagan si Vel. Unang tawag ay hindi niya ito sinagot. Pangalawa ay ganun din. Naiinis na ko, bat di niya ba ito sinasagot? Nakailang tawag na ko pero hindi pa rin niya ito sinasagot. Ayy nako Vel! Bahala ka nga sa buhay mo!

Bumaba ulit ako at nakitang kakadating lang ni Lloyd.

"La, san sina Tita?" Tanong ni Lloyd.

"Pinatapon ko na." Sagot ko naman.

"Baliw. San nga?"

"Pumunta dun sa Tito niyo, dun daw muna sila magsstay." Sagot ni Lola.

"Oh? Ilang araw?" Tanong ko.

"Ewan, wala namang sinabi." Sagot ni Lola. Tumango na lamang kami Lloyd. Uminom ako ng tubig tsaka lumabas ng bahay at pumunta sa kapitbahay. Nadatnan ko yung mga kaibigan ko na nakaporma.

"San kayo pupunta?" Tanong ko sakanila.

"Ayy andyan ka na pala! Picturean mo kami dalii." Sabi ni Jen. Kinuha ko naman yung camera tsaka sila pinicturean.

"Isa pa." Sabi naman ni Aisth.

"Oh ayan na." Binigay ko na yung phone kay Jen. "San kayo pupunta mga beh?"

"Ahh, magwawalwal kami. Bakit?"

"Ah wala." Ngumiti ako tsaka umalis na. Di man lang ako tinanong kung sasama ba ako. Hayys. Pero ok lang, di din lang naman ako papayagan.

Pagkadating ko sa bahay ay tiningnan ko ang phone ko, wala pa ring text galing kay Vel? Ano na kayang nangyare dun?

Aime Et Taime ToujoursWhere stories live. Discover now