Chapter 4

4 0 0
                                    

Kanina pa ko naiinis. Hindi man lang ako pinapansin ni Vel. Langyang yun, kung tadyakan ko kaya sya?

Palihim ko siyang tinitingnan habang siya busy makipag usap sa mga kaibigan niya. Sus, if I know mga babae lang pinag uusapan nila. Tss. Tumayo ako tsaka lumabas ng room. Bahala siya sa buhay niya! Kung walang pansinan edi wag!

Sinisipa sipa ko yung bato habang naglalakad ako. Bakit kaya ganun? Hayss. Dapat pala di nalang ako nagsyota, sakit lang pala sa ulo. Charot haha. Masayaa naman magkaboyfriend, may magreremind sayo ng mga bagay bagay tapos kikiligin ka sa mga bagay bagay. Mga ganun. Pero minsan kasi nakakasakit—

"Aray!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang isang lalakeng sumigaw. Nakakasakit naman talaga ang pagsipa ng bato ng malakas. Hayy nako Aye.

Linapitan ko siya agad. "Hala, sorry kuya."

Ngumiti naman siya pero agad ding bumakas sa mukha niya ang sakit. "Sorry talaga kuya, di ko sinasadya."

Tumango naman siya at ngumiti. Magsasalita pa sana ako ng biglang may sumigaw.

"Aye!" Paglingon ko nakita ko ang magaling kong boyfriend. Nagsorry ulit ako dun sa lalake tsaka tumakbo papunta kay Vel.

"Sino yun?" Tanong ni Vel.

"Ewan. Natamaan ko lang naman ng bato."

Tinaasan niya naman ako ng kilay tapos tipid na tumawa. "Sus, if I know, sinadya mo talaga iyon. Nagpapansin ka lang sakanya e."

Kumunot naman ang noo ko. Ok, Aye, kalamahan lang natin ha?

"May boyfriend ako Vel, myghad!"

"Yun na nga Aye, may boyfriend ka na, naghahanap ka pa ng iba." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Ang landi mo kasi."

Natigilan ako saglit at napalingon sakanya. Peke akong tumawa. "Ganun ba Vel? Ganun ba pagtingin mo sakin? Malandi? Ha! Yun pala ako para sayo, langya, isang taon Vel, yan ang pagtingin mo sakin? Wow, so amazing. Una sa lahat mahal na prinsepe, kaya ko sinipa yung bato kasi naiinis ako sayo! Bat kailangan ako manuyo!? Ako ba may kasalanan!? Ako ba yung walang oras para sayo? Tangina, Vel. Ako ba? Bat parang ako? Ako ba lalaki dito?"

Alam kong anytime e tutulo na ang luha ko kaya agad ko siyang sinipa sa binti niya tsaka tumakbo paalis. Ewan ko sakanya! Malandi pala ha? Bahala siya sa buhay niya!

..

Talaga namang kinareer namin ni Vel ang away namin. Nag umaga at lahat wala pa rin txt, chat o tawag mula sakanya. Pero bahala pa rin siya sa buhay niya, patigasan ata kami ng ulo ngayon e.

Wala naman kaming ginawa masyado sa umaga. Naglesson lang ng naglesson hanggang sa maglunch break na. Ngayong hapon naman e nagbigay lang ng topic for our thesis, dapat daw e relatable sa course namin.

Uwian na, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Vel. Kating kati na kong pansinin siya pero magmumukha na talaga akong lalake nun kung papansinin ko siya. Naisipan ko nalang na buksan ang account niya at magbasa ng mga messages sa messenger niya.

Wala naman akong nakuha kaya nagdelete nalang ako ng mga friend requests sakanya. Ang boring pala kapag wala si Vel, walang thrill sa buhay.

"Boo!" Naitapon ko ang cellphone ko pero nasalo naman ito ng nanggulat sakin.

"Busy ka baby?" Nakangiti niyang tanong.

"Gago, Vel. Gago." Inagaw ko naman yung cellphone ko pero inilayo niya rin naman agad. Nag 'tsked' ako pero nanatili din naman siyang nakangiti. "Ano ba, Vel!"

Nagpout naman siya at itinago sa likod niya yung phone. "Sorry na, baby. Di ko naman yun sinasadyang sabihin e."

Tiningnan ko naman siya at naningkit. "Pero sinabi mo pa rin Vel. Kahit na galit ka, sinabi mo pa rin."

"Kaya nga nagsosorry na diba?" Yinakap niya ako at nagpumiglas naman ako. "Sorry na kasi baby, hindi na mauulit."

"Ilang beses mo na ba yan sinabi sakin Vel?" Nakawala na ako sa yakap niya. "Nakakapagod na."

"Sorry, sorry." Hinalikan niya ang noo ko.

"Sorry, baby." Ang ilong ko.

"Hindi na mauulit." Ngumiti siyang saglit bago niya idampi sa labi ko ang kanyang labi. It was a quick smack pero nagawa nitong paiyakin ako. "Tahan na baby pls, hindi na mauulit."

Pinalo palo ko naman siya sa braso tapos agad ko ding bunatukan. Natawa naman siya tapos yinakap ako ulit. "Sorry na."

Oo na, oo na. Ako na tanga. Pero wala e, mahal ko e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aime Et Taime ToujoursWhere stories live. Discover now