CHAPTER 32 Part. 2 Affection in Various dimension

34 0 0
                                    

CHAPTER 32

Part. 2


Nung araw na yun nag-umpisa ang lahat, kung bakit ako nagkaganto! Playboy ba! Hindi naman talaga ko galit at namuhay sa galit, parang nagising lang ako sa katotohanan na kuwan, yung ano.. "Ang Mga babae hindi dapat sineseryoso!"  Common na diba? Pero ako, the way na nirerespeto ko parin sila at hindi inaabuso, ayos na yon! Pag nagsawa palit  agad! Ganun lang ginagawa ko!

Nung una talaga, Hirap matulog at kumain, Describe stressed, wag ka nang mag-isip kasi ako ay sapat na!  pumangit ako sa puyat, kasi nga diba hindi makatulog? Yung bang pag-ipipikit ko na yung mata ko tapos sya yung makikita ko sa isip ko! Kaya mas pinipili ko nalang di matulog kesa Makita sya! Hahaha pumangit talaga ko oo, pero gumwapo na ulit Lalo!

Iniwasan ko na din talaga sya, si kuwan! Si broken-heart-breaker.. hahaha nakakatawa na rin ako ng matiwasay, dati rati kahit ngiti wala we, basta tulala lang ako, you know?! Naka-recover na.

May time nga na busy ako kaka-emote nang bigla syang nagteks! Basta si kuwan.. adi tinawagan ko naman dahil etong puso kong mabait ay nag-aalala. Kamukat-mukat ko ba naman, gusto lang pala akong i-good time! Lakas ng loob, pambihira! Mukha naman syang masaya na wala ako. Eh ako?? Nganga, Diba!

Andami na rin nag-try na pasayahin ako.. at effective ha, enjoy din pala. Masaya ko sa bago kong mga kaibigan at girlfriends, ganto yung gusto ko yung kahit na walang ka-relasyon, masaya parin kasi binibigyan nila ko ng buong atensyon. Mali pala yung perspective ko dati about sa kanila, mas nakakatuwa pala silang kasama, kahit ganun sila yung flirt at least totoo sila sa sarili nila. Gusto nila ko, bilang ka-flirt hindi bilang lover, ganun din naman ako. It's a fool game. Hahaha

Palagi lang kami sa Bar haha, kung di naglalandian e nag iinuman, sometimes nangti-trip SILA HAHAHA

Isang gabi nga dun sa bago naming tinatambayan na Bar, may schedule akong date noon, hindi ko sadyang Makita si kuwan! Basta sya haha. Sa sobrang miss ko siguro sa kanya, pinanuod ko lahat ng galaw nya, ultimo yung pagbabarista nya. Haha galing a. Lakas ng tibok ng puso ko! Para bang walang nangyaring hindi kanais nais at nabiyak ang puso ko.

Ay may kasama nga pala ko! Hoho ayon nainis lalayasan daw ako, ayos naman yun. Nag-conversation pa kaya mejo nawala sa paningin ko si kuwan, basta si ano. Yaan mo na Klein, ngayon lang yan?? Bestfriend mo naman yang si kuwan, si Kriska! Wala ka ng pagtingin jan! nabulag ka na sa sakit, tama??

Tumayo ako para hanapin sya, kakamustahin ko lang mga dre. Ok? Nahagip ng mga mata ko si kuwan, hinahatak ng lalaking mukang pugo. San dadalin nito prinsesa ko?? este best friend ko? Ayan ha! Kunwari pa hahaha  joke XD.

Sinundan ko lang sila, lasing na si kuwan men!!  Mukang pagsasamantalahan pa netong pugo. Kinuha ko agad si best at dinala sa oto ko. Not to mention na binigwasan ko ng isa yung taong pugo haha.

Sa oto!!! Hay! .. ang awkward. . . PBb teens??

Gusto ko syang yakapin pero ayoko... hahaha

Gusto ko syang kausapin pero pipi ako.

Gusto ko syang hawakan pero putol ang kamay ko.

Ano ba to?? Apektado pa rin ako? Kahit na sinabi kong naka-move on na ko? Tama naka move on na ko! Hehehehe

Relax, deadma, chill. Kung wala syang pakilam sayo, pwes ganun din ako X)))))

Sabi na lasing weh! Kung ano ano sinasabi. Haha imba to!! ako lasing ako, pero alam ko lahat ng galaw ko! Share lang naman :)))

Kahit kelan talaga hindi to naubusan ng daldal! Sorry naman te, kung di agad kita na rescue, malay ko bang mahihipuan ka. Suddenly, naiba ang topic. Nagdrama naman nakp*ta! Maniniwala ba ko? She missed me daw? Gusto ko sanang matuwa, apektado din pala sya ng pag-iwas ko, pero ayoko na po. ayoko ng umasa at masaktan, sapat  na ang minsan. Tyak naman may kailangan lang to kaya naglalambing eh! Huuuu... ayoko na talaga magpaloko!

Ahm, yung kuwan, yung hanggang?? Hindi ko pinagsamantalahan si Ska ha! Ano kasi yung puso ko nakaiwas pero yung init hindi. Ako pa nagsabing wag magsuot ng ganun para di mabastos tapos ako pa yung kuwan, yung nangunguna. Sorry guys! Ayoko talaga gawin yun, sya kasi weh, apaka wild nya! Tinigil ko naman nung nakatulog sya! ti-nry ko lang naman kung aayaw sya, hindi naman pumalag! Hoooyy nun ko lang ginawa yun.. 1st time

Dun ko din naintindihan ang lahat! Yung pagka miss ko sa kanya, yung sabik nung nakita sya, pagkukusa kong tulungan at panuorin sya at yung pag sabay ko sa halik nya.. . nagpapatunay lang yun na mahal ko pa rin pala sya. Kahit na ang cold ng treatment ko sa kanya, nakuha pa rin nyang painitin ang pagsasama naming muli. Ay maberde!!!

Mahal ko pa nga sya pero kailangan ko na syang kalimutan, para sakin. To sum up, walang nangyari at mahal ko pa sya. walang move on, walang naganap.

---

After ng pangyayaring ayon, nahiya na kong magpakita sa kanya pati sa mga friends nya. Hindi na rin ako galit no! Okay na ko! Okay na ko, yun talaga ko. Kahit na nakita ko sila ni Jobein na magkaholding hands, eh okay lang ako! Okay lang ako kahit parang iiyak na ko nung mga oras na yun sa sobrang okay ko!

Sila na pala ulit?! Haha, sabi na we. Hay buhay.. hayaan ko na sya no? oo tama nga yun. Hindi ibig sa bihin na mahal ko sya we dapat sakin sya mapunta. Ang importante kung san masaya ang mahal ko! Sige sure na ko, give up na.. haha! dati never give up e. haha

Kakalimutan ko na sya, at syempre ready na ulit makipag kulitan sa kanya. Ayoko na magbigay ng motibo tungkol sa love, love na yan. If you love someone and he/she doesn't like you, better let her go! diba? diba?

Dapat din hindi na ko umiyak at masaktan sa twing makikita ko sila! Masaya sya dun. Masaya sya kay Jobein.

At kahit pa ganto kinalabasan ng kwento ko, magiging masaya parin ako, hindi man sakin mapunta di Kriska, ang mahalaga masaya siya. :))))

----

Sinubukan kong mamili ng babaeng "sesiryosohin" ayoko ma-stock sa nakaraan, gusto ko ng maging mapagmahal ulit! Okay na nga diba! Tanggap ko na, in just a minute.

Nakahanap nga ako, natatandaan nyo yung kasama ko kanina? Si Diane Bastian. Yes siya po! We're officially dating, wala ng iba dahil sya nalang haha pinagbigyan ko na ih, joke :)) mabenta lang po.

Dapat nga si Avril, diba? May paghanga ako dun. Ayaw nya naman kasi, akala nya gagamitin ko lang sya kay kuwan, kay Ska nga. eh naka move on na nga ako! Ilang ulit ba? Nakakabobo na ha! Hahaha

Tsaka hindi naman ako nananakit, dinadaan ko lagi sa madaling usapan. Pero mabalik tayo sa umpisa kanina, totoo yun, na miss ko si Kriska. Namiss ko kiss nya. Yun lang! duuuhhhhhh di ko na sya mahal, nabasa nyo naman yang mga pinagdaanan ko sa loob ng 2 ½ months, tapos yung Makita ko lang palang may kasama syang iba a sdi Jobwin pa, yun lang sapat ng makapag pawala ng pagmamahal ko sakanya hahaha.. di ba ang saya?? Yun lang pala ang sagot! Worth it naman pala yung pagiging mukang tanga ko, naging sila na ulit!! Salamat kay Klein hahaha.

 hindi ko na sya mahal, okay na ko!

Pero hindi ko naman din mahal si Diane?? Tama ba to o mali?

Tama o Mali?? Tama o Mali?? Tama o Mali??

Tama o Mali??

Tama o Mali??

TAMA, na pag-aralin ko siyang mahalin

PERO

MALI, na mahalin ko siya dahil iyon ang Tama.

We?????

Napapasaya naman nya ako eh! Hahahaha

Oo, tama mamahalin ko sya, higit pa sa pagmamahal na binigay ko kay Ska. diba nga talino ko!

Ngayon talaga, tatawanan ko nalang sya at tuwing mag-iisa ako kokontrolin ko na ang masamang panaginip sa nakaraan ko.

Sa una lang kasi yun. Hindi ko na naman mahal yun eh kaya for sure makakalimutan ko din ang bangungut na yun. Ok goodnight :)))

To Love you moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon