Entry 4 - Out with my family

164 11 0
                                    

Nagsalita na ulit si Sir, teka lang kanina pala ang tagal kong natulala noh? Halos natapos na magsalita si Sykes at Jamie. Grabe naman! Anung nangyari sakin dun? Dahil lang ba kay Sykes yun? Sa smile nya? OMG! 

"Mr. Young your next" Sir says.

CHAPTER 2

"DJ’s POV"

Hay naku! Boring naman nitong class. Okey ako nap ala ang mag-iintoduce.”Im DJ Young” ouch sakit sa tainga, naku naman, yun lang kasi ang sinabi ko nabibingi na ako sa sigawan nitong mga babaeng ‘to. Ang OA nila ah. Pumunta na ako sa upuan ko, puro ‘Nice meeting You DJ’ ang ang mga naririnig ko, in return, I just smiled with them kasi di ko naman sila kilala. Pagkaupo ko, nakangiti naman sakin ‘tong katabi ko.

 “Bakit yun lang ang sinabi mo? Talagang pangalan lang ah, wala man lang shinare na about you? Anyway nice meeting you DJ and thank you again for the earlier”. Ngumiti na naman sya, naku di ko ata makakasundo ang babaeng ‘to. ”Same and welcome” yun lang ang sinabi ko, nga pala una ko siyang naencounter sa Pizza Hut at kanina lang yun, which is di pa maganda ang first meeting naming, kasi naman napakaclumsy. Buti nalang magaling ako at nasalo ko yung tray at dir in natapon ang nakalagay dun. Hehehe. Pasensya na mayabanag talaga ako, yun ang sabi nila kaya yun na din ang pinapakita ko.

Pero sa tagal ko nang estudyante ditto, di ko siya napapansin, kasi karamihan sa mga babaeng kabatch ko, namumukhaan ko naman, di naman ako ganun kasuplado noh!? Haha.Minsan lang naman ako suplado kapag iba pakiramdam ko sa isang tao. Pero bakit kya di ko siya natatandaan? Naku naman DJ bakit mo iniisip yan, baka naman di sya attracted sakin kaya di sya nagpapansin. Hahaha. Aist. Bahala na nga sya. Pero….. Anu nga pangalan niya?

“Ahm, Miss anu nga pangalan mo?” kasi naman di ako nakikinig sa kanila kanina. Nakakatamad lang, paulit ulit nalang yang introducing. “Aika Reyes, uhm. Bakit?” nagtanung pa sya na ang mukha eh parang nakapagtataka na nagtanung ako. “Ah, wala, masama na ba ang magtanong?” “Hindi naman, nakakapagtaka lang” eh? Uhm… sa bagay, kasi di naman ako nagtatanung ng pangalan, syempre kailangan ko din alamin kasi katabi ko sya, yun lang yun noh?!

“Ok class, thank you for introducing yourselves to me, and to everyone, di ko natandaan lahat ng pangalan ninyo pero alam ko na naman ang mga naggagandahan at naggagwapuhan niyong mukha” pagkasabi ni Sir nun, bigla nalang akong napatingin sa katabi ko, pero nakatingin siya kay……. Sykes, teka lang! may gusto kaya siya kay Sykes? Wah! Kung ganun, Ayos! Magkakalovelife na si Mr. Sykes Ramirez. Hahaha.

Wala pa namang pormal na discussion sa Music Class, pagkatapos ng seating arrangement at introducing, nagexplain lang si Sir ng overview sa subject at rules and regulations niya.May paganun ganun pang rules, eh minsan di namn nasusunod, kapag ako talaga ang humawak nitong school, magiging strict ako pagdating dyan. Hehehe.

"Aika’s POV"

Tapos na ang music class naming. Yehey it means, uwian na! Hahaha. Si Jamie di ko ata makaksabay, kasi pupunta daw siya sa kanyanag Auntie sa side ng Mommy niya kaya di ko naman kaclose. Anyway, okey lang yun, kayak o naman umuwi magisa ah.

 “Miss Reyes?” ay takte! Nagulat ako dun ah. Nandito pa pala si Sir. “Yes Sir?” ”Pwede mo ba akong tulungan sa mga dala dala ko?” “Of Course Sir” ako na lang pala ang natira dito sa room, nagmadali na kasing umalis si Jamie, baka daw kasi gabihin sya.

At ako naman,  inayos ko pa kasi ang gamit ko at nag ayos pa sa harap ng salamin, ang haggard ko na pala, pero cute pa din. Hahaha. Hayaan nyo nang purihin ko sarili ko, ako lang ang nagsasabi nun eh at syempre ang aking family. Haha.

When you're around.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon