Entry 5 - Coincidence

122 5 0
                                    

Pagdating naming sa Mall, pumunta muna si Mommy at mga kapatid ko sa bookstore, may bibilhin lang daw para sa mga kapatid ko. Kami ni kuya humiwalay sa kanila at pumunta kami dun sa store na may mga stuff toys. Ang cucute nga eh. Pero wala naman ako nabili, si kuya meron, naku may pagbibigyan siguro sya. Hehehe.

After 1 hour siguro tapos na din kami sa pagikot ikot at tinext na kami ni Mommy na sa Yellow Cab daw kami kakain, YES! Eto na ‘to kakain na naman kami. Hahaha. Yes!!! Excited ako eh kaya ako na ang nauna pagpasok sa Yellow Cab at naghanap ng mauupuan namin, pero… habang naghahanap nang upuan namin, nahagip ng mga mata ko si DJ? Kaya tumingin ulit ako sa direksyon na yun at sya nga. Naku naman, sa dinami dami ba naman ng kainan dito, talagang pareho pa ang napuntahan.

“Ahm, Hi” sabi ko sa kanya nginitian ko pa nga eh. “Hello” yun lang ang sabi nya tsaka parang naiirita pa ha? Errr. “Sino kasama mo?”  “May nakita ka ba?” awts oo nga naman, wala syang kasama, hahaha. “Ah sorry, hehe”.

“Aika, nasaan na ang upuan natin?” oo nga pala ang upuan, sa pagkataranta ko nung narinig ko ang boses ni Mommy, lumingon lingon ako pero wala na tuloy vacant, kaya naituro ko ang table kung nasaan nakapwesto si DJ “Mommy dun po” “Saan Nak? Eh may nakaupo naman na ah? Kilala mo ba sya?” “Ah opo Mommy, classmate ko po sya sa Music Class. Mabait po yan” naku patay ako dito, parang ang sama ng tingin sakin ni DJ, oh em. “Oh sige dun nalang tayo, tutal kilala mo naman sya” “Yehey, we are going to eat naaaa!” sabi ni Shayne.  “Ate are you sure we’re going to seat here?” sabi naman ni Justin.

“Anu ba kayo, okey lang yan, classmate naman pala ni Aika eh, wala naman atang problema yun eh, Diba bro?” sabi ni kuya na lumapit kay DJ at inakbayan ito. “Yeah sure, why not?” plastic ata ni DJ ah. “Oh siya Aika, ikaw na magorder, ask them what they want pati na din si DJ, parang di pa naman siya kumakain eh” sabi ni Mommy. Naku naman oh. “Shayne, Kuya, and Justin what you guys want?” “Adjskldhfbejriskls”

“Ha? Eh dahan dahan naman mga kapatids, mahina ang kalaban” “Hahahahahahahaha” aba tinawanan ako ng mga kapatid ko, pati si Mommy at DJ nakitawa. Errr. Pero pagkasabi ko nun inulit na nila isa isa. Hay naku puro naman pala pizza iba ibang klase lang. “ahm, Mommy how about you?” “Yung order na din ni Shayne ang akin Nak” “Ok po, eh how about you DJ?” tinignan ko siya sa mata talaga, parang natatawa na ewan. “Hmm. Ikaw.” “Ha?” ako? Anung ako? “I mean ikaw na bahala” ayy yun naman pala… Hahaha, ikaw kasi Aika pabigla bigla.

“Ah, ok” lumapit na ako sa counter at inorder lahat ng sinabi nila, may potential pala akong maging isang waitress eh. Hahaha. Mga 15 minutes lang kaming naghintay bago dumating mga order namin. “Yeah, ang sarap, Lezz eat!” “Aika dahan dahan ha, katakawan talaga neto” “Hahaha, kuya naman, ganito na talaga ako” kokontra na naman ‘tong si kuya ah, tsss. “Kuya naman, don’t mind me, for now, I just want to satisfy my appetite” “Hahaha, ay ewan ko sayo Aika, mahiya ka naman sa classmate mo” oo nga pala, kasalo naming si DJ, kanina pa nga pangisi ngisi eh. Di ko alam kung bakit tsk. Bahala nga sya.

“Mommy si kuya oh, pinapakialaman pa ako” “Zyd don’t mind Aika, eh ganyan na talaga yan, mana ata sa inyong Daddy” “Right mommy, Daddy and I were the same, hahaha, bleh Kuya, just eat your foods and shut up po”

Naku pasensya na kayo, di talaga ako maawat pagdating sa pagkain, kahit nandyan pa si DJ sa harap ko. Si mommy tinatanung si DJ kung okey daw ako na classmate, buti nalang di naman ako sinisiraan ni Dj, hahaha. Good boy.After 30 minutes, I enjoyed the food talaga, yung inorder ko, yun din ang inorder ko kay DJ and that’s Italian Style Pizza, I don’t care if he will like it, but based on what I saw from him, he eat it all. As in ubos kaya Im sure he liked it. Hahaha, Galing ko naman pumili.. Naupo lang kami ng mga 5 minutes pa bago lumabas ng Yellow Cab.

“Ahm, tita thank you” sabi ni DJ kay mommy “Welcome Iho, its nothing, if you want, you can tell me anytime, at pwede kitang yayain sa bahay and magluluto ako para sayo” “Hehe, nakakahiya naman po but Thanks po” “Okey, nice meeting you” nagbeso na si Mommy kay DJ, yung mga kapatid ko nauna nang maglakad papuntang parking lot, kanina pa sila nakapagbabye kay DJ, tiningnan ko lang si DJ na nagsasabing ‘una na kami’ di naman kami close diba? Patalikod na ako ng hawakan nya ako sa braso kaya napaharap ako sa kanya “ahm, bakit?” ang mukha ko, alam kong nagtataka ako.

“I just want to thank you” “Ah, wala yun, ingat nalang ah, cge bye” nagwave na ako sa harap nya pero nagsalita ulit sya “I enjoyed the moment with your family, buti nga dumating kayo kasi kung hindi wala akong nakasamang kumain ng dinner, hehe”  “Ah, hehe okey lang yun, pasensya na pala sa amin ah, ganun talaga kami, daming asaran pero hanggang dun lang yun, di naman kami nagaaway away” ”Okey lang yun, ang cute nyo ngang tingnan eh, di ko nga mapigilang mapangiti” pagkasabi nya nun nagring ang phone ko…

 I threw a wish in the well

Don't ask me, I'll never tell 

I looked to you as it fell

And now you're in my way

I trade my soul for a wish ---

“Hello Mom?” “Oh aika nasan kana? We’re here at parking lot” “Oh wait Mom, I’ll go there quickly, sorry” I hanged up then look at DJ “Sige ah, una na ako, see you” then tumakbo na ako, pero sumigaw pa sya “Okey bye, take care” ngiti nalang ang nasagot ko sa kanya.

When you're around.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon