Enrty 8

99 4 4
                                    

suklay suklay suklay….

Tsss…Boring day naman oh! Hapon na naman, wala man lang magandang nangyari, puro lessons sa maghapon… Oh well, pauwi na ako ngayon naglalakad sa corridor…Nauna na naman sakin si Jamie, malayo naman kasi ang bahay naming an nila eh… anu kaya ang meryenda sa bahay? Siguro masarap, pizza kaya? Pasta kaya? Chicken specialty kaya? Bilisan ko nalang ang paguwi ko…

“Ooopss oops oops, san ka pupunta?” eto na naman ‘tong mga froglets! Hinarangan ang main gate. “Eh syempre uuwi na!”

“Di ka pa pwedeng umuwi noh! May paguusapan pa tayo” paguusapan daw? Hahaha nagpapatawa ‘to ah.

“At ano naman ang paguusapan natin? Hindi ko nga kayo kilala eh!”

“Anu ka ba ni DJ ha?” aba! DJ na naman! Tss.. Oh sya sabihin na nga ang totoo na wala naman talaga..

“Hmm.. Anu pa nga ba eh di----”

“Manliligaw ko sya, at sasagutin ko na sya” Waaaah! Anu daw? D-J? O_O Anu daw? Ahhhh! Kainis ‘tong lalaking ‘to, ako pa talaga ang manliligaw nya? At tsaka di ko sya type noh!!!

“What!!!!???” sabay na sabi nong mga froglets! Di ako makaimik ah!!! Nagulat kasi ako. “Well, now we know, aww kawawa ka ngayon girl, trouble itey! Sige pagbutihin mo ang panliligaw mo kay DJ ha?” pagkasabi nila nun, umalis na sila sa harap ko at kinuha na ng lupa, de jowk lang! HAHA! Pero halaaa! Panu na ‘to? Lagot talaga ako at siguradong kakalat ‘to sa campus. DJ!!!!

Nakaharap  ako sa kanya ngayon….

“Anu bang pinagsasabi mo ha!!?? Ang kapal ng mukha mo, eh hindi naman kita type eh!”

“Weh? Talaga lang ha? Pasalamat ka nga at ako pa yung natapat sayo! So, tayo na? Sinasagot na kita eh!” Sabay akbay nya sakin…

“Ang kapal mo, bitiwan mo nga ako, uwi na ako! Bahala ka sa buhay mo!” Tumakbo na ako papunta sa labas ng campus at sumigaw sya.. “Ingat ka bave! I love you! Hahaha!”

“Mukha mo!” Kainis ah! Napakabipolar din anu? Ang bait bait kahapon, tapos ngayon parang ewan lang! Tss.

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama! Nakakainis lang yon ah! Ginagawan ako ng issue! Huhuhu. Lagot na talaga ako neto bukas! Sige makapagbihis na nga at magcomputer….

www.facebook.com  loading… Emal: aikareyes@yahoo.com Password: ********

Facebook

Aika Reyes   3 friend requests, 1 message,  15 notifications, 

3 friend requests di ko sila kilala eh kaya di ko na muna iconfirm

1 message is from…. Sykes Ramirez…. Woahhh! Sykes sent me a message!!! Open *click*

“Hey Aika, thanks for adding me as a friend, CONFIRMED! Friend na tayo! J

OMG lang! Ang bait talaga nyaaa! Kahit ganun na sya kafamous! HAHA! Mareplayan nga..

“Your welcome sykes! Thanks for the confirm of course! J Hayyy ideal boyfriend talaga! Ahaha talande ko naman..

15 Notifications                    

Utang na loob! Tantanan nyo na po ako sa Game Requests! Huhu! Pero may nagcomment sa status ko last night na Being deeply loved by someone gives you strength; loving someone deeply gives you courage.  – Lao Tzu’ maliban kay Jamie…

Ultra Rayne: “But you can't assure that he deeply loved you unless he told or proved that to you” anu daw? Bakit may he? I didn’t say it was mine’s situation! Err ok! Comment have sense!

Sykes Ramirez: “That was absolutely correct Aika! J Nice one! Are you inlove? Oww lucky that guy!”

Ahahaha! Eeee naman sykes! Oo inlove ako…..SAYO! Hahaha…

Aika Reyes: @Ultra Rayne: Hmm. Okey with sense. J

@Sykes Ramirez: Oh well, thanks sykes! No I’m not inlove! J

Tap *Enter*

Hayy inlove ba ako? Di naman ata! HAHA.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When you're around.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon