Entry 7 - Really a Savior

173 7 8
                                    

“Ateeeeeee!!!!”

“Ay kabayo kang daga!” bigla kong nasambit yun at napatayo ako sa pagkakahimbing ko, ito kasing si Jus sinigawan ako, grabe ah! “Anong kabayo kang daga dyang sinasabi mo ate ha? Bakit dito ako nakatulog? Di mo ako ginising kagabi?”

“Aba ka naman Jus! Ikaw pa ang may ganang magalit ha? Nice! Eh buti nga’t di na kita ginising at di na naistorbo pagtulog mo” tama naman ako diba? Mabait akong ate kaya di ko na sya ginising kagabi. “Eh kasi naman ang baho ng unan mo oh!” “Aba! Ikaw na nga itong nakikitulog, kaw pa ang ganyan tsaka di mabaho yan ah? Kakapalit ko lang ng punda nyan” “Justin anu ba? Maligo kana at malelate kana sa klase mo” “Hahaha, mabaho pala ang unan ko ah? Pero himbing na himbing ka naman sa pagtulog, Hahaha” natatawa talaga ako ngayon, nabuking si brother, hahaha. “Ewan ko sayo ate” “Babye bro! Hahaha, mabaho pala ha” hay naku, nakakaloka na talaga ‘tong pamilyang ‘to ang saya saya!

Okey what time is it? 6:20am ay maaga pa naman sa start ng klase ko na 8am. Punta ng CR hilamos na, toothbrush at kakain naaaa!!! “Ma good morning po, anu pagkain?” busyng busy sa pagluluto ang Mommy ah. Ang bango! “Ngayon, ang pagkain natin ay kakaiba, dahil nagluto ako ng malaJapanese at alam kong favorite mo, wala ka namang inuurungan pagdating sa pagkain eh” “Ma kilalang kilala mo talaga ako, Hahaha” binuksan ko ang mga nakatakip na pagkain.

“Maaaa! Waaaaa thank you ang sarap nito ah, Salmon Cream Pasta, Tempura and Japanese Fried Rice, kain na tayo Ma, anu pa po yang niluluto mo?” nagluluto pa din kasi si Mama, nagbebake ata? Ang galing. “Pinagbebake ko lang ng baon pang snack sina Shayne at Jus” “Wow anung cupcake Ma?”

“Eh di mocha vanilla cupcake, eto daw gusto nila eh” ehem, ang sarap nun ah? Makalapit nga kay Mommy, nilapitan ko si Mommy at niyakap ko sabay sabi. “Siguro Ma pwede din naman ako magdala ng ganyan noh? Hahaha” “Aba, sabi ko na nga ba di ka magpapatalo eh, oo naman, malapit na to mga 15 minutes na lang” “Yes! Sige po kain tayo ang sarap naman nitong niluto mo Ma, next time tuturuan mo naman po ako magluto ah? Para naman marunong ako, Hahaha” “Oh sya sige kain na lang muna dyan”

Kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain kain…Tama na naman author baka sabihin nila ang takaw takaw ko. Hahaha!

[Author: Di nga ba Aika? Hahaha.. Halata na ah] aba si author nakikisali? Story ng buhay ko ‘to ah? Tsupe muna dyan at maliligo na ako… Ligo ligo ligo…….Bihis…..Harap sa salamin…. Hanapin ang suklay sa loob ng kwarto.. San na ba nagsuot ang suklay? Suklay…. Suklayyyyyyy!!! Nasaan ka!!!!?? Mamaya na ang suklay, di ko mahanap, powder powder powder… Kunin ang bag, ang cellphone and books… tingin ulit sa salamin, Hala nasan naba ang suklay ko? Tingin sa relo, 7:30am.. Oh no! 30 minutes more! Naku baka traffic malelate na ko!!! Magpuyod na lang nga muna ko, mamaya na ang suklay baka nasa bag ko, kung wala eh hihiram nalang ako kay Jamie sa school

”Ma, nasaan na po si Manong? Ihahatid po ako?” pagtatanong ko kung ihahatid ako ni Manong Driver, nakalimutan ko pangalan eh. Sorry. “Oo Aika, nasa labas na sya.” “Sige po Ma alis na po ako!” “Teka Aika, may allowance ka pa ba? At eto yung baon mong cupcakes” “Opo Ma, meron pa naman po akong pera, sige po salamat. Muwah!” “Ingat kayo” nginitian ko na lang si Mommy.

Pagkadating sa school di pa naman ako late.. “Sige po salamat po ingat kayo!” sabi ko sa driver namin. At nung nakababa na ako ng kotse… ‘Aba may kotse pala kayo? Hindi halata eh, kala namin poor ka’ ‘Well baka nakisabay lang girl’ ngeee! Anu ba yun? Ako ba? ako ba? Haha! Di ko naman sila kilala pero kilala nila ako? Why? Ahhh baka naiinggit lang.. Hahaha, Wag pansinin ang mga froglet na itey! Papasok na ako sa main gate  para makapasok ng school pero hinawakan ako sa braso???

‘Oops saglit lang naman, kinakausap ka pa namin eh’ ‘Oo nga, kasi naman nakita ka namin kahapon kasama mo si DJ, bakit mo sya kasama? Nagdedate ba kayo?’ aba date daw? Kasama family ko? Hahaha kalokang mga froglet ‘to! “Ahh yun ba? Oo nagdedate nga kami, may angal kayo?” oh no! paparating na ang kamay! Sasapakin nya ako wahhhhh!

‘Walang hi------ S—sykes?‘  ay napatigil? Pagmulat ko ng mga mata ko, aba! Sumulpot ang anghel ko. Hahaha! Opo, pumikit lang ako nung sasapakin na ako nung isang froglet. Hahaha ang duwag ko lang. “What are you doing?” sabi ni Sykes dun sa babaeng sasapak sakin habang hawak hawak ni Sykes ang kamay nun. “Ah eh wala, aayusin ko lang sana yung make up nya oh, gulo ang blush-on” Liar!Hahaha pinapatawa ako ng froglet na ‘to, wala naman akong make-up ah? Tapos nagkablush-on? Oh Com’on! Haha.

“Ah ganun ba? Sa nakikita ko wala naman problema sa mukha nya” “Ah eh ayan oh meron oh!” pinunasan nya ng tissue yung mukha ko tapos sabay takbo palayo samin. Mga froglet na ‘to! Okey niligtas ako dun ng aking prince charming. Hahaha! Sabi pa nya eh wala daw problema sa mukha ko! Hahaha.. “Ok ka lang ba?” aba concerned din sya? Ang bait naman talaga! “Hmm.. Oo naman! Thanks!” sabi ko sa kanya habang nakangiti pa ako..

“Wala yun, nga pala wag mong iintindihin ang mga yun, mahilig lang talaga magbully pero lage naman sila ang palpak, para tuloy sila ang nabubully” “Ahh ganun ba, Haha. Siguro napansin nila ako kasi baguhan pa lang.” “Ah may klase ka?” ayy oo nga pala.. May klase pa ako! “Ahh oo sige una na ako at baka malate pa, bye! Thanks again” natawa sya at nagwave na lang din ng kamay para babye din. Pagdating ko sa room nandun na si Jamie.

“Aika! Anu yang itsura mo?” “Ha? Anung itsura? Bakit?” teka teka, may ginawa ba saakin ang mga froglet na yun? May dumi ba ako sa mukha? Nasapak ba talaga ako kanina? May make up ba talaga ako? Bakit di ko alam? “Eh kasi oh! Yang buhok mo! Di ka ba nagsuklay?” ay jusko naman! Yun pala, kung anu anu na ang iniisip ko..

“Ah hehe, hindi eh, nawawala kasi suklay ko, wait tingnan ko sa bag ko” tingin sa bag… “Wala akong suklay eh, pwede pahiram muna Jamie?” “Sus syempre naman!” “Thanks!” 

When you're around.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon