***
Author: blue__color
Title: Diary ni Ate Blue
Genre: Non-fiction
Parts: 8 (on-going)
Critic: COFFEExJELLY
***
COVER AND TITLE:
Maganda ang book cover kung diary rin naman ang peg ni author. Visible ang fonts at talagang madaling mabasa. Dahil online diary nga ito, match ang ginamit na picture.
DESCRIPTION:
Una kong nabasa ang title akala ko isa itong story about sa diary ng isang bidang babae. Pero nang basahin ko ang description, online diary pala siya ni ateng author, hehe. Wala namang problema sa description dahil maliwanag namang naka-encode doon na dito ka maglalabas ng mga hinaing mo sa life. Okay iyan para kahit paano ma-stress out mo ang mga bad stimuli sa paligid mo.
PROLOGUE:
None
CHAPTERS:
Hindi ko alam kung dapat ko bang basahin ang diary mo kasi personal or private property mo iyan. But anyways, nakapublish naman siya at ipinapa-review mo naman ito kaya binasa ko na hanggang dulo, haha. Habang binabasa ko itong online diary mo naalala ko tuloy noong nag-aaral pa ako, nakaka-miss ang school. Nakakatuwa iyong mga nangyayari lalo na yung Flames ni ex crush mo ba iyon? Sobrang uso iyan noong kapanahunan ko, (batang 90's).
Maganda rin na merong translation iyong mga bisaya words para makarelate kaming hindi marunong at nakakaintindi ng iyong dialect. Mas maganda siguro kung naka-indent left na lang ang pagkaka-encode. Suggestion ko lang naman, pero kung saan ka masaya, suportaan ta ka..
TECHNICALITIES
Okay, marami rin akong nakitang mga kailangang ma-edit, ang pag-gamit po ng,
yung= iyong/'yong
yan=iyan/'yan
Limitahan din po natin ang 'eh' word, okay na po ang isa o dalawang 'eh' na expression.
Sa grammar po, may nabasa akong 'Due to my curious' baka nagmamadali ka lang magtype kaya nakalimutan mo po si -ity at ang pagtanggal ng u, 'Due to my curiosity', hehe.
Iyong proper noun like Robinson ay dapat po capital letter kahit po sa shortcut nitong Rob. :D
CHARACTERIZATION:
Maganda talaga na gumamit ka ng mga alias sa mga characters mo, I mean, friends, baka may makabasang kakilala mo naku, lagot haha. Suggestion ko lang, maganda rin siguro na i-describe mo rin sila sa amin, para hindi lang siya maging ordinaryong diary, para mas mukha itong diary na nagkukwento. Example si Samson,
Si Samson ay iyong classmate kong mahilig magsulat sa blackboard tuwing breaktime. Hanggang balikat ko lang siya at laging semi kalbo ang gupit.
PLOT
None
ADVICE:
Since diary ito, ang maa-advice ko lang para mag mukha itong diary na nagkukwento ay gamitan din natin ito ng show vs tell. Using your 5 senses, feel, hear, see, smell, taste. Para na ring nagsusulat ng isang story iyon nga lang base sa na-experience sa araw na iyon. Example noong nanood kayo ng sine,
Ang aga ko pa namang nagising ngayon dahil excited akong manood ng sine. Ang kaso lang halos mamuti na ang mata ko kakahintay kay Samson at Ybañez! Halos magsalubong na nga ang kilay ko, kung kanina ay ang bango-bango ko, ngayon amoy pawis na! Wala pa rin sila. Gusto kong maiyak dahil sa inis, hindi man lang sila magtext o tumawag kung tutuloy pa sila.
Subukin mo ring magbasa ng mga writing tips, guides kasi makakatulong po iyon sayo kung gusto mo pong magsulat pa ng ibang kwento. Para na rin ma-improve ang writing skills mo.
I-proofread mo rin muna bago ka mag-publish, kung may mga dapat na i-edit na typos.
•••
Sana ay makatulong ako sayong pag-e-edit, nakakailang lang basahin kasi diary mo ito eh, feeling ko tuloy chismosa ako haha. Godbless! xoxo❤❤❤Critic: COFFEExJELLY TSPH
YOU ARE READING
TSPH: Critique Shop
De TodoHello, guys. We are the Team Starlet and we are here to provide critiques to your stories. If you are interested, just visit us in this book and take a peek inside. Yours truly, Chief annachan268.