Chapter 9
"I love how you make me laugh. I love how you love me back. I love everything about you"
-PurelyLovelyQuotes.comNIKE'S POV
It's been 2 days, simula ng iwanan ko ang manila at magbakasyon dito sa isang isla sa palawan. Mataman kong pinagmamasdan ang mga kabayong tumatakbo sakay ng iba't ibang turista.
"Oh hey Nike! Nandito ka lang pala"
Agad akong napalingon sa taong kapapasok lang sa Moon Cafe. And it was no other than Rolf. Inismiran ko lang siya ng makita ko ang pilyong mga ngiti nito na naglalaro sa kanyang mga labi.
"Haha, don't be like that Nike. Di ka ba natutuwa at palagi kitang sinasamahan? All the girls here are jealous of you." sabi nito at tsaka umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko na ngayon.
"Now, don't be like that Bro. Kung sa mukha palang mas lamang naman ako kung para sayo" sabi ni Reiji na kapapasok palang.
I stare at them, Bakit ba sa dinami dami ng tao dito sa lugar na ito ako ang napagdidiskitahan ng dawang ito para istorbohin?
"Don't tell me, you fall for my charms Nike? You keep staring at me" ani ni Rolf na nakalabas na naman ang pilyong ngiti nito
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Seriously? This guy really thinks he's the most handsome person in this planet. I stand up at naglalakad agad ako papunta sa pinto.
"Hey, don't leave us!" Rinig kong sigaw ni Rolf bago pa ako makalabas ng Moon Cafe.
Now what to do? Kung kanina sobrang ganda ng mood ko ngayon naman ay sirang sira na. Agad kong nilibot ang paningin ko sa buong paligid. Hindi naman masyadong marami ang turista sa Isla na to. Pero sa paningin ko ay pawang mga mayayaman ang nagiging turista ng Isla.
"Shit! Tabi! Tumabi muna kayo! Oh my gosh Sas calm down."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses and I was shocked nung makita ko ang isang babaeng nalaglag sa nagwawalang kabayo ngayon. Nagsilabasan din ang ibang tao sa Cafe para tingnan ang nangyayari. I saw Rolf and Reiji also stepped out of the Cafe.
"Shit Rei! Si Frisk yata yun! Patay na naman tayo nito kay Aeru!" Rinig kong sambit ni Rolf bago tumakbo papalapit sa babae at nagwawalang kabayo. Sumunod din naman si Reiji para daluhan yung babae.
Ngunit mas lalo lamang nagwala ang kabayo ng makalapit na ang dalawa. At mas lalo akong nagulantang ng makita kong patakbo ang kabayo sa direksyon ko ngayon.
"Fuck it! Nike Run!" I heard Reiji shout.
Pero tila napako yata ako sa kinatatayuan ko ngayon. My feet won't move. Something's telling me that it's okay. Handa na akong tanggapin ang kapalaran ko ng bigla na lamang huminto ang kabayo sa mismong harapan ko.
The horse stares at me kaya ilang beses akong napalunok dahil na din sa takot. When suddenly someone pulls my right arm. Napatingin agad ako sa taong humila sa akin ngayon.
"Are you insane? Do you really wanna die!? Bakit di ka manlang tumakbo?" Sabi ni Reiji na ngayon ay galit na galit.
Nabaling ang paningin ko sa babaeng inaalalayan ni Rolf ngayon at papalapit sa kinatatayuan namin ngayon. Agad din namang nabaling ang atensyon ni Reiji sa dalawa.
"And you Frisk! Bakit mo naman inilabas si Sas? You know how dangerous she is! And for fucking sake the only person who can control her is your brother!" Sabi nito sa babaeng inaalalayan ni Rolf ngayon.
"Woah, teka bro nakita mo ng-"
"Shut up Rolf! Hindi magtatanda si Frisk hangga't di mo pinagsasabihan."
I heard people talking, kaya inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Were the center of attention now. Agad akong huminga ng malalim at binalingan ulit si Reiji.
"Aalis na ako, thanks for your concern but look I'm fine. See? " pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong naglakad ng mabilis para makaalis sa lugar na yun.
"Sas! Where are you going?" I heard the women shout. But I ignored it, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napadpad na naman ako sa kagubatan.
Seriously? Anong meron sa gubat na to at laging dito ako dinadala ng mga paa ko? Agad akong naglakad papunta sa talon at naupo sa isang malaking bato. Tahimik ang buong paligid, tanging ang lagaslas ng tubig, huni ng mga ibon at tunog ng mga dahong naglalaglagan ang naririnig ko.
A quick flash of memory rush in my mind. A child running at this place. Napahawak ako sa ulo ko. Bit by bit the tiny pieces of my memories is returning into me.
"Hey, ayos ka lang ba talaga?"
Nabigla ako ng marinig ko ang isang boses ng babae mula sa likuran ko. Kaya agad akong napalingon sa kanya. It's the girl from earlier and if my guess is right Zac Consequin sister.
"I'm fine. Ikaw ayos ka lang ba? Nalaglag ka kanina sa kabayo mo hindi ba?"
She smile sweetly at me, bago ito napakamot sa ulo tsaka umupo sa batong katapat ko lang ngayon.
"Hmmm, Ayos lang po ako. Ilang beses na din ako nahulog sa kabayo di na din iba si Sas sa mga kabayong nanghulog sa akin dati" sabi nito
"Sorry nga po pala, kung di ko sana inilabas si Sas hindi sana yun mangyayari. Kaya Sorry." Dugtong pa nito.
I stare at her, hindi siya maputi kagaya ko pero maganda ang pagkamorena niya. She somehow resemble Zac. She wear a faded jeans and a white shirt with black boots. Napansin kong nakatitig din siya sa akin kaya I decided to break the silence.
"It's okay, aksidente lang ang nangyari kanina and look hindi din naman ako nasaktan"
Tumango lang siya sa akin, bago niya ibinaling ang atensyon sa talon.
"Sas is my brother horse, mahirap siyang paamuhin and only my brother is the one who can control her."
"I wonder, kuya mo lang ba talaga ang nakakapagpaamo sa kanya?"
"There is another person who can control her"
Hindi ko alam ngunit pakiramdaman ko ay bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"Anong-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang tunog ng mga kabayo papalapit sa kinaroroonan namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Chasing Nike
RomantiekFor 15 years I was missing, I didn't know he was still chasing after me. All my memories about him is gone. He's just a stranger to me when we met again. There's no string to tie us together again. But he still didn't gave up on me. Fate didn't want...