"Mom, I'm going."
I kissed her at her cheeks and said goodbye.
I got into my car. I better be in school now or I'll be late.
Bakit ba kasi ang pangit ng schedule ko eh. Ang aga ng classes ko. Tss. Pero yung mga professor naman late dumadating. Ang sarap lang tanggalan ng trabaho! Binabayaran sila tapos late papasok sa mga klase nila?!
Nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang iPhone ko sa bulsa ko. Sino ba naman 'tong tatawag na 'to?! Abala pa eh.
"(Hi Amanda!)"
"What do you need Ace?"
"(Wala. I just wanna hear your voice.)"
"Oh shut up. Kilabutan ka nga. "
"(Hahaha. Sige na. I'll wait for you here. Bilisan mo.)"
Pinutol ko agad yung tawag. Syempre 'no, hindi dapat sila ang unang magbababa ng phone. Dapat ako. Bakit? Simply because mas maganda at mas nakatataas ako sa kanila.
Mayabang? Bitch please. May ipagyayabang naman, hindi katulad nung iba diyan na trying hard, mukha palang wala na, tapos yung ugali? Haha.
Pagkadating na pagkadating ko ng school, nakatingin na naman sakin yung mga ka-schoolmates ko. Tss. Alam kong maganda ako. Masyado silang showy sa desire nila sakin eh.
"Amanda!"
"Oh, you're here." Sabi ko habang nakahalukipkip.
"Diba sabi ko hihintayin na nga kita." Aniya sa nagtatampong tono.
"Ay oo nga pala."
"Parati mo na lang ako kinakalimutan." He pouted.
"Hindi ka naman kasi importane eh. Hahaha."
"Pasalamat ka talaga best friend kita e!"
Sino yung kasama ko? Si Ace lang 'yan. Alipin ko. Oo. Lalaki 'yan. Ayoko kasi sa mga babae makipag-kaibigan. Plastic. Puro drama. Nakakairita. He's already 18 years old. Classmates kami since Grade 8. And ngayon nga, we're already Grade 12.
Hindi na ako magpapakilala dahil gaga na lang ang hindi makakakilala sakin. Oops! I forgot! Marami nga palang gaga sa mundong 'to. Oh well, kasalanan nila, gaga sila e.
"Amanda, where were you this past few days? I can't contact you." Aniya.
"NYC. Vacation." Tipid kong sagot.
"Vacation? In the middle of the school year? You're unbelievable." Hindi makapaniwala niyang sabi.
"I can do what I want. Besides, I own this school."
"Don't forget about your parents. Hahaha."
"Shut up."
Si Ace lang yung worthy para sa aking attention dito sa school. Pano nga ba kami naging mag-kaibigan? He's a transferee in my school. Gwapo. Maangas. Mahangin. Mabait pa ako nung mga time na 'yon. Kailan lang naman ako nagbago. Parati siyang pinapaligiran ng mga babae. Palibhasa play boy. He tried to use his trick on me, kaso hindi gumana. Kahit mabait ako noon, hindi naman ako tanga. Matalino nga diba?! Since mabait pa ako that time, sinampal ko lang siya ng hard bound ko na libro. Sinabihan niya kasi ako nung mga bagay ng mostly maririnig galing sa isang play boy. Bwiset nga eh. Buti na lang talaga mabait pa ako noon.
"Hey, let's go to our class. Baka malate pa tayo." Aniya.
"Mmkay."
Pumunta na kami sa first class namin. Pareho lang kami ng schedule ni Ace. Iba iba din kasi ang schedule ng mga students dito. Since isa itong exclusive school, hindi tataas ng higit sa 20 students each class. Hinati hati kasi yung mga students. So kung each grade level ay may 100 students, walang kasiguraduhan na magkakasama-sama yung mga palstic sa hindi. Bawal din kasing magpapalit ng schedule unless ako, ikaw.
Hindi nagtagal ay pumasok na yung una naming professor. Bakit professor? Mas formal kasi at exclusive school nga 'tong school ko kaya ganyan yung tawag.
"Good morning class. Ipapaalala ko lang sa inyong malapit na ang second periodical exams niyo. All of you must pass my test. I'll not give any consideration anymore."
"Tss. Hindi daw magbibigay ng consideration. Konting kausap nga lang ng mga malalanding lalaki nating kaklase bumibigay na." Bulong ko kay Ace.
"Baka naman may iba pang ginagawa. Hahaha." Aniya.
"Baliw ka talaga. Hahaha."
Nagdaldal lang siya ng kung ano-ano doon sa harapan. Ang daming sinabi eh. Puro naman walang kwenta. Hindi naman kasi related sa subject niya yung tinuturo. English teacher pero puro about sa reproductive system naman yung dinadaldal niya ngayon. Tss.
"I'm bored. Kelan ba mapapagod dumaldal 'yang si Ma'am Garcia?"
"Chill. 'Wag kang mag-alala. Mamayang break aaliwin kita." Aniya habang ngumingisi na alam mo namang may masamang binabalak.
"Yuck Ace. Mandiri ka nga. Ni halikan pa nga lang kita hindi ko na magawa eh. Eww. Ang dami mo na sigurong nahalikan." Sabi ko na medyo nandidiri pa.
"Grabe ka naman. Atleast may love life, kaysa naman ikaw, wala! Hahaha."
"Love life ka diyan. Puro fling ka nga lang e."
Tumawa lang siya ng tumawa doon. Love life daw? How can you call it a 'love life' if the other one only feels lust instead of love? Weird.
BINABASA MO ANG
Behaving Badly (HIATUS)
RomanceHow can you believe in yourself, when you know you're a liar? How can you say that you aren't capable of loving someone, when in the first place, you already gave your heart to someone else? How can you behave like a good little angel, when there's...