Prologue
Maganda.
Mayaman.
Mabait.
Masipag.
Matalino.
Magalang.
Masunurin.
Maalalahanin.
Dati lahat ng 'yan ay tumutukoy sa isang tao. Lahat ng characteristics na 'yan ay tinutukoy si Amanda Giselle Salazar. Isang mabuting anak. Mabait na kapatid. Perfect na kaibigan. Siya yung tipong lahat nasa kanya na. Wala na siyang mahihiling pa. Perfect na siya.
Dapat masaya na si Amanda. Dapat masaya na ako. Pero hindi. Nakakapagod maging perfect. Nakakapagod na lang na kahit maliit lang yung pagkakamali na nagawa ko, sobrang pinupuna na. Isang mali ko lang nakabantay na silang lahat. Bawat kilos ko, pinapanood nila.
Nakakapagod din palang maging mabait. Pwede kang ma-taken for granted ng ibang tao.
Nakakapagod na din maging magalang. Konting sagot mo lang, iba na, parang ang sama mo na.
Nakakapagod din maging masunurin. Para kang utusan ng kung sino-sino.
Higit sa lahat, nakakapagod maging maalalahanin. Nag-aalala ka pero yung tao ba na 'yon, iniisip ka man lang?!
Ang hirap diba?! Nakakapagod. Yung pagod na parang wala kang ginagawa pero yung puso mo, parang bibigay na.
Edi ayon. Naisipang mag-loko. Naisipan maging bad girl. Parang Good Girl Gone Bad.
Tsk.
Cliché. Ano?! Itutulad niyo ako sa mga story na isang perfect girl, nasaktan dahil sa love, nagbago, naging masama, gusto ng revenge, masasaktan ulit. Masyado ng pa-ulit ulit 'yan. Nakakasawa.
Maganda.
Mayaman.
Bitch / Masipag.
Maldita / Matalino.
Walang galang / Magalang.
Walang modo / Masunurin.
Walang pakialam / Maalalahanin.
Ang dami kong characteristics 'no? Syempre. Behave kapag kaharap ang parents. Pero kapag iba na, maldita. Plastic? Okay. Sige. I'll consider that one. Ano pang masama sakin?
I'm good at lying.
Sa sobrang galing ko nga mag-sinungaling, yung mga kasinungalingan ko ay pinaniniwalaan ko na.
Sinabi ko na hindi ko na siya gusto.
Na wala na akong nararamdaman.
Na wala na talaga.
Pero deep inside, may maliit na nilalang na nagsasabing meron pa.
Ngayon, sasabihin niyo na na pareho lang ako sa iba? Hindi. Alam kong hindi. Oo. Nagbago ako. Pero hindi para sa kanya. Hindi dahil sa kanya.
Nagbago ako para sa sarili ko. Ayokong ma-taken fo granted ng mga tao. Ayoko ng buhay na perfect. Masyadong plain. Boring. Gusto ko yung may thrill. Kaya ako naging ganito.
Nagbago ako dahil sa mga nangyari noon. Sa mga bwiset na pangyayaring halos walang idinulot na maganda sa buhay ko. Sa mga pangyayaring, nagpatatag at nagpalakas sakin.
Okay na sana yung buhay ko. Yung tipong ang saya saya na. Bad girl at good girl at the same time.
PERO.
Nasobrahan yung thrill. Masyado ng intense. Parang hindi ko na kayang i-handle. Bakit ba naman kasi kung kelan ang saya saya mo na, biglang may darating para paguluhin lahat?!
How could I be a badass to him kung sinasabi niya ang bawat galaw ko sa parents ko?
Limited na lang yung pwede kong gawin. Bwiset!
BINABASA MO ANG
Behaving Badly (HIATUS)
Roman d'amourHow can you believe in yourself, when you know you're a liar? How can you say that you aren't capable of loving someone, when in the first place, you already gave your heart to someone else? How can you behave like a good little angel, when there's...