Ang daming nakaharang sa daan ko. Are they blind?! Hindi ba nila alam na dadaan ako at paharang-harang pa sila?!
Sa sobrang inis ko, tinapon ko yung juice na hawak ko doon sa babaeng nasa harapan ko na kanina pa nakaharang.
"Oops. Sorry. Hindi ko sinasadya." Note the sarcasm.
I left them with their mouths open. Tsk. Paharahara kasi e. Buti nga.
"Hey, Amanda. Ano na naman yung ginawa mo?" Biglang nagsalita si Ace. Nandyan pala siya sa tabi ko? Kelan pa?!
"What? I didn't do anything."
"I saw what you did earlier." Aniya habang tinitignan ako ng malapitan.
"Paharahara siya sa dinadaanan ko eh. Nakakainis. Edi ayon. I just hope that she'll learn from her mistake. Tsk. Bitch."
"You know, you're mean. Haha." Aniya habang tumatawa pa.
"I'll take that as a compliment." Then I smirked.
Pupunta muna akong rooftop para magpa-hangin. Wala pa naman akong classes. Mamayang 11:00 pa yung sunod kong class.
Sinabayan ako ni Ace sa pag-akyat. Wala din siyang klase. Pareho kami ng schedule niyan eh. As in parehong pareho. Habang pa-akyat kami, may biglang sumigaw na babae galing sa opposite direction namin. Ano ba 'yan? Ang ingay!
"Looks like she's one of your fan girls." I smirked and looked at Ace.
"Well, that can't be helped. I'm just a drop dead gorgeous man. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka nagkagusto sakin eh. Aminin mo nga, tomboy ka ba?"
"How dare you! Sa ganda kong 'to, sasabihan mo kong tomboy?! Aba, ang tindi mo ha!" Sinapak ko siya ng paulit-ulit.
"Hahaha-- Tama n-- Ouch- Haha."
Tss. Such a douchebag. Sabihan ba naman akong tomboy?! Ang ganda ko kaya! Tss.
"Tumigil ka na sa katatawa mo, gago."
"Hahaha. Eto na po." Pero ngiting ngiti pa rin. Tss.
Pagkadating na pagkadating namin sa rooftop umupo agad ako doon sa may shade para mag-pahinga. Inaantok na ako.
"Hey Amanda."
"What?"
"Naisip ko lang. Paano kung niligawan kita, ano kayang mangyayari?" Aniya.
"Douchebag. Hindi ako magpapaloko sayo Ace. Kung niligawan mo ko noon, matagal ng magiging miserable 'yang buhay mo." Medyo natatawa kong sabi.
"What if lang naman e. Well, kung niligawan ba kita sasagutin mo ba ako?"
"Are you kidding? Malamang hindi! Gago ka kaya. Hahaha. Alam ko na lahat ng mga kag*guhan na ginawa mo, now you expect that I'll give you a yes as an answer?"
"Ang sungit mo ngayon." Aniya na para bang nasaktan sa nauna kong sinabi.
"Tsk. Hindi ka na nasanay."
Sinarado ko ang mata ko para matulog. Ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano ngayon. Sumasakit lang ulo ko. Kailangan kong mag-relax, baka mabawasan pa yung kagandahan ko.
Nagising ako dahil sa isang pitik galing sa isang nakaka-bwisit na nilalang.
"Ano ba Ace?! Kitang natutulog e."
"Malapit na mag-11:00. Baka malate tayo. Dalian mo. Tsk. Sleepyhead."
"Pwede namang hindi ako umattend sa next class e."
"What? You're going to cut class? Baka nakakalimutan mo, your parents are spying on you."
"Douchebag! You jerk! Stop reminding me that stupid thing!" I said with gritted teeth.
Bwiset! Sobrang nakaka-bad trip! Bakit ba kasi-- ARGG!
Wala akong nagawa kung hindi sundin na lang si Ace. Baka malaman pa ng parents ko. For sure grounded na naman ako kapag nalaman nila.
Habang nasa klase, hindi ko alam kung ano na yung gagawin ko. Bakit? Nag-advance study na ako sa topics eh. Alam ko na yung mga tinuturo, kaya ngayon sobrang bored na talaga ako.
"Boooriiiing." I said it quite loud.
Mukha namang narinig ng professor namin na nagsasalita sa harap yung sinabi ko. Good for her. Kung hindi niya narinig babatuhin ko siya ng libro.
"Uhm, Ms. Salazar, if you find my class boring, you can always get out of the room." Medyo nag-aalangan nyang sabi. Hindi ako kayang ipahiya nito. Baka mawalan siya ng trabaho.
"Paano ba 'yan. Si Ms. Cruz na mismo nagsabi na pwede akong lumabas ng klase. Sige, I'll go ahead na. Hahaha." Bulong ko kay Ace.
Lumabas ako ng classroom. Ano pa gagawin ko doon sa loob diba? Sabi na mismo ng prof. namin na pwede akong lumabas. Bwahahaha.
Pumunta ako sa parking space ng school. Tapos na naman yung classes ko. 3 classes lang ang meron ako today. Tapos na yung dalawa kanina at yung ngayon, tapos na din 'yon. Bwahaha.
Nag-drive na ako papuntang mall. I'll go shopping to kill time. Baka kapag dumating ako sa bahay ng sobrang aga, makahalata sila Mommy sa ginawa ko. Tsk. Tsk.
Pumunta ako sa lahat ng boutique na nakita ko. Binili ko lahat ng nagustuhan ko. Ang dami ko na tuloy paper bag na dala.
"Miss, are you going to buy this?" Sabi nung isang sales lady na sobrang kapal nung make-up at kinapos ng tela para sa damit niya.
"Ganyan din ba yung style katulad ng soot mo ngayon?"
"Yes ma'am. May iba't ibang color din po kami nito." Sales talk. Tss.
"No thanks, dear. Baka mag-mukha akong cheap na bitch dahil diyan sa dami na 'yan. Here oh, magpalit ka. Baka kabagin ka diyan sa soot mo e." Then I gave her a paper bag from Prada.
Tsk. Ang mahal pa naman non. Pero atleast may isa na siyang mamahaling damit na hindi siya magmumukhang bitch kapag sinuot.
![](https://img.wattpad.com/cover/17886914-288-k333264.jpg)
BINABASA MO ANG
Behaving Badly (HIATUS)
RomantikHow can you believe in yourself, when you know you're a liar? How can you say that you aren't capable of loving someone, when in the first place, you already gave your heart to someone else? How can you behave like a good little angel, when there's...