Agad binuksan ni Ace ang pintuan ng kanyang itim na Porsche. Pumasok ako sa loob ng tahimik. Walang imik tungkol sa nangyari. Sinarado niya ang pinto at umikot na para pumunta sa driver's seat.
"You okay?" Agad niyang sabi pagkapasok ng sasakyan.
Hindi ako sumagot. Ni hindi ako tumingin sa kanya. Wala ako sa sarili ko ngayon. Sobrang gulo pa ng utak ko.
Inabot naman niya ang seat belt ko at pinatakbo na ang sasakyan niya.
"Just don't mind him." Aniya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.
I smirked. "Just easy for you to say. Try to put yourself in my place, let's see what will the Great Ace Enriquez do."
Agad siyang nagpreno kaya halos tumilapon na ako dito sa kinauupuan ko. Buti na lang pala at sinuot niya yung seat belt ko kanina kung hindi baka kung ano na nangyari sakin.
"JUST WHAT THE FVCK ACE?!" Galit na galit na ako ngayon.
"HOLY SHIT AMANDA! I'M TRYING MY BEST TO LESSEN YOUR BURDEN HERE!" Aniya habang diretsong nakatingin sakin.
"Just don't mind me! It's not as if you care." Mahina ang pagkakasabi ko nung huli. Halos pabulong na lang. Agad kong iniwas ang tingn ko sa mga mata niya.
"What the hell?! Amanda! I care for you! A lot! Just shut the fvck up about that fvcking stupid guy!" Galit na galit na siya ngayon.
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Halos tatlong minuto na din ang lumipas nang basagin ko ang katahimikan.
"Just... Just drive Ace. I wanna go home."
Napabuntong hininga na lang siya at pinatakbo ulit ang sasakyan. Buti na lang at wala ng sasakyan na dumadaan dahil gabi na din.
Tahimik lang kami habang nagda-drive siya. HIndi siya nagsasalita at mukhang galit at seryoso pa din siya. Hindi din naman ako umiimik.
"Where are we going?" Tanong ko nang napansin na hindi siya lumiko papunta sa subdivision namin.
"Anywhere." Aniya.
"Seryoso ako Ace. Saan mo ako dadalhin?"
"I'll bring you home later... Or maybe tomorrow." Aniya habang ngayon ay nakangisi na.
"What the hell?!" Sigaw ko sa kanya.
"Relax. I'll bring you home later. Ayoko namang dalhin ka sa bahay niyo na ganyan yung itsura mo. Mamaya sabihin ni Tita na pinaiyak kita." Ngumingiti pa siya at sumusulyap sakin.
"You're crazy!" Natatawa na ako sa mga sinasabi niya. Parang nawawala na din siya sa sarili niya.
"Yes I am. Crazy for one fvcking girl who just cried for a douchebag about 15 minutes ago."
"Oh shut up!"
Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko dahil kay Ace. Nawala kahit papano yung mga mabibigat na bagay sa dibdib ko. Buti na lang talaga at kasama ko 'tong gago na 'to. Baka maabutan na lang ako kung saan kung hindi ko siya kasama.
Tumigil kami sa isang one stop shop na open 24/7. Agad namang bumaba si Ace at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Dito mo ba ako dadalhin?" Medyo natatawa kong sabi. "Sa isang cheap na one stop shop? Oh my God Ace!" Hindi ko na napigilan at natawa na talaga ako.
Nakita kong kumunot ang noo niya. "Of course not! As you can see, wala ng bukas na supermarkets or liquor store ngayon dahil gabi na. Bibili lang tayo ng maiinom." Then he flased his evil smirk. So evil that I wanna squish him.
"So may balak kang lasingin ako?"
"Wala naman. Kailangan lang talaga natin yung bottle." Aniya.
"What? Ano namang gagawin mo sa bote ng mga alak?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagalpak na ako sa tawa.
Tinignan niya ako ng naiiling. "It's not for me. It's for you."
I smirked. Now I get him. "So gusto mo akong magbasag ng bote para gumaan ang pakiramdam ko?"
"Finally, you got it!" Aniya habang ngiting ngiti.
Pumasok na kami doon sa cheap at maliit na one stop shop. Buti naman at airconditioned 'to kung hindi maiisipan ko na na lahat ng mga items nila dito ay expired, fake or hindi safe.
Pumunta si Ace doon sa fridge na may iba't ibang liquor. Pero hindi yung katulad ng mga iniinom ko na Diva, Maccalan, Dalmore at Glenfiddich. Yung mga nandito ay puro local yung brands na halatang cheap at walang class.
"Seriously?! You're going to buy that?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"What? We're just using the bottles. But you can drink if you want to." Aniya habang nanunuyang nakangiti sakin.
"As if I'm gonna drink that." Natatawa kong sabi.
Nagkibit balikat na lang siya at dumiretso sa counter. At ito namang cashier grabe kung makatingin kay Ace. Akala mo susunggaban na niya anytime. Nakakatakot pa naman ang mga ganyang uri ng nilalang.
"Ace dalian mo!"
"Coming!" Aniya.
Agad akong lumabas at naghintay sa may sasakyan niya. Hindi naman nagtagal ay lumabas na din siya bitbit ang isang plastic na puno ng local liquors.
"Let's go?" Aniya.
"As if I have a choice." Naiiling kong sabi.
"Let's go break some bottles!" Natatawa niyang sabi.
Napailing na lang ako sa kanya at sumakay na ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Behaving Badly (HIATUS)
RomansaHow can you believe in yourself, when you know you're a liar? How can you say that you aren't capable of loving someone, when in the first place, you already gave your heart to someone else? How can you behave like a good little angel, when there's...