THIRD PERSON POV
It was a high noon in deed pero di pa rin natitigil si Jose Marie o Vice sa pag araro ng bukirin nila. Kahit na may masarap syang buhay sa Maynila bilang isang nurse, he chose to quit his job temporarily and asikasuhin ang lupa ng mga magulang nila. Natigil nalang si Vice sa pag aararo ng tinawag sya ng babae nyang pinsan, si Coleen.
"Kuya Vice! Yung telepono mo!" She shouted.
Lumapit na din naman agad si Vice para kunin ang cellphone nya mula sa pinsan nya.
VICE POV
Nakita ko si Coleen, ang pinsan ko na nananakbo papalapit sakin. Hawak nya ang cellphone ko at isang basket na malamang yung tanghalian ko.
"Kuya Vice, yung telepono mo!" she shouted.
Itinali ko na sa puno ng mangga ang kalabaw namin at kinuha ang cellphone ko.
"Hello Anne?" I said. It was a call from my older sister, si ate Anne.
"Hoy Vice! Seryoso ka ba talaga jan sa ginagawa mo?" she madly interrogated
Natawa naman ako. Paulit ulit ko naman kasing ineexplain sakanya na naka leave nga lang ako. "Eh ikaw, seryoso ka bang di ka pa magreresign jan?"
Anne is an accountant grad and a board passer. Pero ewan ko ba kung bakit nagtitiis syang magtrabaho as a "Maid". Well I admit, malaki naman ang sweldo nya dun kaya nga napag tapos nya ko eh.
"Pakinggan mo ko ate, babalik na ko sa ospital bukas kaya sinusulit ko na yung stay ko dito sa bukid. Wag ka ng magbunganga jan." I told her
She sighed. "Okay. Teka, magkita pala tayo bukas ah. Bago ng duty mo. Papayagan naman akong lumabas ni Miss kaya okay lang. Magkita nalang tayo sa UN. Sa may Mcdo dun." I agreed sa gusto nyang mangyari and ended the call. Kinain ko na din yung tanghaliang dala ni Coleen.
~
Kinabukasan, lumuwas na ako from Laguna to Manila. Sa may UN kasi ako nagtatrabaho, while si ate sa QC. Pinasok ko na sa locker ko sa ospital yung mga gamit ko at lumabas ulit para intayin ang ate ko.
THIRD PERSON POV
Maraming malalaking building along UN. Mostly, condo at hospital ang mga to. May isang part din dito ang under construction. Pag labas ni Vice ng ospital, naglakad na sya papuntang mcdo kung san sila lagi nagkikita ng ate nya. Patawid na sana sya ng makita nya ang isang falling debris at mahahagip ang isang dalaga.
Hindi nakatingin ang dalaga sa falling debris, he wants to tell her na may malaking bakal ang babagsak pero if he does, alam nyang tuluyan ng mababagsakan ang babae. So what he did is nagpaka hero sya. Tinulak nya yung babae para maiwas but on the other hand, sya naman ang nabagsakan ng debris.
The lady was in shocked pero di dahil sa debris pero dahil sa lalaking tumulak sakanya. Dahil sa lakas ng pagkakatulak sakanya ni Vice ay napaupo sya.
Unting unti ng dumami ang tao. Anjan na yung nang usisa at ang mga nagbabalak tumulong. Tumayo na ang dalagang niligtas ni Vice at sumakay sa kotse nito. Walang pasalamat o kung anuman, umalis na sya.
~
Dun sya dinala sa ospital kung san sya nagtatrabaho. Dead on arrival si Vice kahit napaka lapit na ng ospital. Nadamage kasi yung organ nya, well basically, he broke his ribcage and damage his lungs and heart. Si Anne naman, hanap ng hanap kung nasan ang kapatid nya, makalipas ang kalahating oras ay sumuko na sya at sumakay sa kotse ng amo nya.
"Pasensya na kung natagalan ako Miss ah. Di kasi ako sinipot ng kapatid ko eh." She sadly said.
Hindi naman na nagsalita ang amo nya at tumango na lamang ito sa driver para sabihang umalis na sila.
BINABASA MO ANG
But Accidentally Enamoured || Vicerylle
FanfictionHe's a mortal. She's a demigod. Ooh not to mention, the only daughter of Hades. Will they experience hell or heaven together?