BAE #2

437 28 2
                                    

Dumiretsyo si Vice sa ospital, specifically sa ospital where he used to work. He barged in at dumiretsyo sa locker para kumuha ng pera pambayad sa taxi. Pag balik nya sa loob, the staffs are all speechless. Naka nganga sila at medj nanlalaki ang mga mata.

A guy in white uniform who looks to be just chilling stared at him. Maya-maya nama'y nagbago na ang mukha nito na parang nakakita ng multo.

~

VICE POV

Everyone's eye is on me. Nakaka gulat dahil di naman sila ganito pero hinayaan ko nalang.

While walking I saw this familiar face approaching. Pero habang papalapit sya sakin, nag iiba naman na itsura ng mukha nya. Parang nakakita ng multo.

Tumakbo sya papalapit sakin at  niyakap ang hita ko. "Brad! Ano bang nagawa ko sayo? Wag mo naman akong multuhin. Di ko na aaswangin yung kapatid mo, tigilan mo na kami. Sumunod ka na sa liwanag" He cried.

Pinagpag ko naman yung paa ko 'causing him na tumalsik sa sahig. Nagtinginan naman yung mga patients kaya hinila ko sya papasok ng locker namin.

"Baliw ka ba?" I asked him.

Yumuko naman sya at naging seryoso. "Pare alam ko namang marami tayong hindi pagkakaintindihan. Pero wag mo namang gawin sakin to. Pangako ko, di ko na talaga aaswangin si Anne. Kahit na sobrang crush ko yung kapatid mo." nakatulala na naman sya at malamang nag iimagine na naman ng kung ano ano sa kapatid ko.

"Ano bang nangyayari? Bakit ba kayo ganyan makatingin? Atsaka ano yang pinagsasasabi mo Navarro?"

"Brad! Patay ka na kanina!" He said. Teka ano daw? "Dead on arrival ka kanina dito sa ospital. Nung nabagsakan ka ng malaking bakal kanina, nadamage yung mga organ mo."

Hindi ako makapaniwala. Hindi kaya totoo nga ang sinabi ni Anne? Pero naguguluhan pa din ako. Kung patay na ako, bakit buhay na buhay pa ko ngayon. Ang dami kong mga tanong pero parang di masasagot ni Vhong lahat.

"Kinuha ka ba ni Anne kanina?" Out of the blueng tanong nya. "Dahil kung oo, mabuti pang bumalik ka na kina Miss K." He said. May alam din ba tong si Vhong? Pinagttripan ata nila ako eh.

"Ferdinand, kung pang ttrip na naman to, tigilan ako ah!" I exclaimed.

Lumabas kami ni Vhong at lumapit sa pinaka masungit at pinaka KJ na doctor ng ospital namin, si Doc Atienza.

"Doc, kambal pala ni nurse JM. Gusto nya kasing malaman anong nangyari sa kapatid nya." Vhong said. Yeah, JM ang tawag nila sakin dito.

"May kambal pala si JM? He never mentioned that. But anyway, your brother experienced 14 fracture on his ribcage. Nadamage na din yung mga organs nya, specifically yung lungs at heart. Base naman sa pananamit, I guess nurse ka din tulad ng kapatid mo kaya alam mong impossibleng mabuhay after that kind of accident." Without saying any excuses, umalis na si Doc Atienza. And yeah, ganyan sya kawalang modo.

Napaupo na ako sa mga narinig ko. Mas maraming tanong ang nasa utak ko. Pero isa lang ang gusto kong masagot.. Pano ako nabuhay?

THIRD PERSON POV

Since out na din ni Vhong, sinamahan nya si Vice pabalik ng bahay ni Miss K. Vhong has the same explanation to his fellow nurse. Kambal lang ni JM ang pumunta sa ospital ngayon.

Pagdating nila sa bahay ni Miss K, kinausap na agad ni Vice ang babaeng naka itim na dress. "Sino ka ba talaga? Anak ka ba ni kamatayan? O ikaw si kamatayan? Pero akala ko lalaki sya, nagpa sex change ka ba?" Sunud sunod na tanong ni Vice. Kinuha naman ng babae ang wine sa harap nya.

"Thanks for bringing him back Vhong. Pwede ka ng umalis. At ikaw naman" She turned to Vice "To answer all your questions, ako si Karylle or Makaria. Ang nag iisang anak ni Hades"

Natawa naman si Vice sa sagot ni Karylle. "Anak ni Hades? Greek mythology tas andito ka sa Pinas? Ano to, joke?"

Hindi pinansin ni Karylle ang pure sarcasm sa bibig ni Vice. "Ano sa mga tanong mo ang gusto mong sagutin ko?"

Napatahimik lang si Vice bigla. Kahit sya, hindi nya alam abg cause na katahimikan nya. "Kung kaya kong magbigay ulit ng buhay, kaya ko ring bumawi. Yang mga tanong mo, masasagot din yan sa mga susunod na araw. But for tonight, ipaturo mo nalang kay Anne ang kwarto. Maaga pa tayo bukas" She plainly said.

~

Kinabukasan, kahit na naguguluhan, sumunod pa din si Vice sa utos ni Karylle. He drives her sa loob ng isa sa matataas na building sa Makati. "boypren ka ba ni miss K?" Pang uusisa ng guard.

"A.. Ako? Hindi no! Hindi ko type ang mga walang kabuhay buhay na babae. Driver nya lang ako actually." napakamot nalang sya sa ulo nya.

"Akala ko kasi boypren ka nya. Kilala ko kasi yung dating driver ni miss K. Di ko naman alam na natanggal na pala yun sa serbisyo. Atsaka bagay kasi kayo" Bigla namang namula si Vice sa sinabi ni manong guard.

"May napapansin ba kayo jan kay Miss K?" Tanong ni Vice.

Napaisip naman ang guwardya saglit. "Nung unang linggo nya dito, para syang bata na walang kamuwang muwang. Si sir Billy, sya yung nag assist pa sakanya noon."

"Asan na yung Billy?" Usisa ulit ni Vice.

"Ay naka alis na yun. Biglang sinuwerte eh. Nasa amerika na yun. Ang balita dito sa opisina, nanalo daw ng malaki sa sugal." Chismis ni manong.

Napatigil naman si Vice saglit. Inisip nya kung sino at ano namang connection nitong Billy sakanila at kung anong greek mythology naman kaya ang character nito.

AN: short update. Pinush ko lang talaga. Sorry kung puchu puchu ✌

But Accidentally Enamoured || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon