“Anong ginagawa mo sabahay ni Makaria” The tall tisoy guy asked.
Natahamik naman si Vice. Tinignan nya mula ulo hanggang paa ng lalaki. “Nagtatrabaho ako para sakanya.” Tila nahihiyang sagot ni Vice.
Base kasi sa itsura nya, isa lang ang hula ni Vice kung sino itong lalaking to. “Baka ito yung Billy” Sabi nya sa sarili
“Thanatos!” Sigaw ni Karylle.
Dali daling bumaba si Karylle na nakasilip sa kanyang bintana. Pag baba nya ay niyakap nya si Thanatos. Halata sa mukha nya yung saya sa lalaking nakita nya.
Nagpatay malisya naman si Vice, kahit na aminado sya na may nararamdaman syang hindi tama.
“Tara, pumasok ka muna sa loob” Yaya ni Karylle sa lalaking bisita. Sa sobrang excited naman ni Karylle, hindi nya napansin yung presence ni Vice.
Naiwan si Vice pag pasok ng dalawa. “Hindi man lang pinakilala, bastos talaga tong babaeng to.” Naiirita nyang sabi
“Pinsan ni Miss K yun” Sabat ni Anne na kakarating lang. “Selos ka?” Anne grinned
Nataranta naman si Vice sa isasagot sa kapatid. “Ha? Ako? Selos? Kadiri ah. Di ko trip yung mga ganyang babae. Masungit, di marunong ngumiti tsaka akala mo pasan nya ang buong mundo. Pumasok na nga tayo sa loob” Iwas nya
Naabutan naman nyang nag uusap si Karylle at Thanatos sa sala. “may trabaho ka pa bukas Karylle” sita nyang parang tatay.
Para namang bata si Karylle at nag isip “Ay oo nga. Hindi sige, aabsent na muna ako” sagot nya at bumaling ulit kay Thanatos.
Napikon naman si Vice sa narinig. “Aabsent ka bukas? Wala ka bang mahalagang gagawin sa opisina? Pwede naman kayong magkwentuhan nyang boyfriend o asawa mo pagkatapos ng trabaho mo ah” Singit na naman ni Vice.
“Pinsan ko sya” Karylle coldly replied. Para namang nabunutan ng tinik si Vice sa narinig. Wala pala syang dapat ikabahala, pinsan pala yun ni Karylle. “Tara na lang sa kwarto Thanatos” They made their way papuntang kwarto ni Karylle.
Pumasok naman si Vice sa kwarto nya at nahiga na. Pero hindi sya dinadalaw ng antok. “Mag pinsan sila Vice, ugh! Ano bang pinag iisip-isip mo jan!” He hated himself for he can’t stop thinking about her.
“Teka, bakit mo ba kasi sya iniisip?” He asked himself once again. Then nag tulakbong nalang sya ng unan.
~
Alas onse na nagising si Vice dahil napuyat sya kaiisip kagabi. Pagpunta nyang kusina, nag luluto na si Anne ng tanghalian. “Tinanghali ka na ah” Bati ng kapatid nya.
Umupo na sya sa table nang maalala nya yung iniisip nya kagabi pa. “Si Karylle?”
“Asan si Karylle?” He asked na pupungas pungas pa.
“Pumasok na” Tipid na sagot ni Anne
“Ha? Pumasok na? Akala ko ba di sya papasok? Nag taxi ba sya? Galit ba? Bakit di ako pinagising!” Natatarantang mga tanong ni Vice.
“Okay, first, oo pumasok na sya and no, di sya nag taxi. Hinatid sya ni Thanatos kaya di ka pinagising”
Nabadtrip naman si Vice sa narinig. Hindi pa rin kasi sya nakakamove on sa mga pinag iisip nya kagabi.
~
Para mawala ang pagka badtrip nya, pinuntahan nalang nya si Vhong sa bahay nito. Presto namang pagdating nya, nakahanda na ang sala ni Vhong. DVD’s, Xbox, beer at pizza.
“Ano bang masamang hangin ang nag dala sayo dito kuys?” Natatawang tanong ni Vhong. Nagconcentrate nalang si Vice sa pinapanood nila pero patuloy pa rin si Vhong sa pag uusisa. “Kamusta pala si miss K?”
BINABASA MO ANG
But Accidentally Enamoured || Vicerylle
FanfictionHe's a mortal. She's a demigod. Ooh not to mention, the only daughter of Hades. Will they experience hell or heaven together?