“Oh, di ka na nakatayo dyan, starstruck ka ba sa bagong empleyado?” concern na nangiinis na sabi ni Marie sa akin. “Gaga, tulungan mo nga akong makatayo!” at iniangat na nga ako ni Marie sa pagkaka-upo.
“Ate Joey, okey ka lang?” Sabi ni Mark sa akin. Kilala nya ako? Why oh why on earth am I that popular?, day dreaming si Joey ng biglang nag-snap si Marie sa harap ko ng maka-alis si Mark sa harap ko. “Oy ‘teh, gising!” “Ay bakla…” gulat na expression ni Joey. “Hoy, bakla, wala ka sa ulap… mas abnormal ka pa yata sa akin…” Mind reader???, this place is creepy… pagtataka ni Joey.
Habang pa-uwi na si Joey ay nakita nya yung dalawang bagong empleyado. Hindi nya kasama si Marie, dahil magkaiba lagi sila ng shift. Nginitian sya ni Vincent at nilapitan kasama si Mark.
“Oy Miss Joey, hatid ka na namin. S’an ba sa inyo?” offer ni Vincent habang nasa likod nya si Mark. “Ay Vincent wag na kaya ko na sarili ko, kayo ang mag-ingat. Mga bagong salta kayo dito.” “Bakit Miss Joey, anung klaseng mga kapitbahay ba ang nandito?” tanong ni Vincent. “Marami ditong rapist na bakla na mahilig sa lalakeng ang pangalan ay Vincent.” Pang-gu-good-time ni Joey kay Vincent. “Buti hindi Vincent ang pangalan ko” sabat ni Mark. “Brad, ganun talaga ang mga gwapo, pinagkakaguluhan pati ng kapwa lalake.”, pagmamayabang ni Vincent “Push mo yan ‘teh…” sabi ni Joey. “Ay, sayang Miss Joey, dito na kami, salamat sa paghatid. Hahahaha” “Wow, napaka-gentleman nyo naman. Ako pa talaga ang naghatid sa inyo…” “Miss Joey, kung manliligaw ka sa akin, ay OK lang na tumuloy ka na ngaun.” “Naku, hindi na, baka ma-aswang pa ako sa daan dahil sa may napaka-gwapo dito.” Sabi ni Joey. “Bye Joey…” sabi ni Mark. Ngiti lang ang na-isagot ni Joey sa kanila at nagpatuloy ng maglakad sa kanila.
Habang naglalakad ay naalala pa rin ni Joey si Mark na alam ang pangalan nya, ng biglang naalala na ni Joey kung bakit alam ni Mark ang pangalan nya.
FLASHBACK
“Ay, ok po miss. Ano pong pangalan nyo?” “Joey” tipid na sagot ni joey. “Ako nga pala si vincent.”
Malakas nga pala ang pagkakapakilala nya kay Vincent that time na parang nagpapakilala sa kanilang lahat. OK Joey, wag kang malandi, saway sa sarili ni Joey.
Marie’s P.O.V.
Wow, may sariling P.O.V. bida na ba ako author? Hehehe joke lang?!
Kinabukasan, “Oh Marie turuan mo si Mark sa pagka-cashier, at ikaw Marvin (isa pang employee…) ang magturo ng stocks kay Vincent. Solo ka muna ng isang oras dyan sa kaha Joey.” Instruct ni Manager sa amin. “OK???” “OK po!!!” sabay sabay na sabi naming 3.
“Balita ko hinatid daw kayo ni Joey kagabi ah?” bulong ni Marie kay Mark. “oo nga po ate. Malayo pa pala ang bahay nya sa ‘min.” “oo, malayu-layo pa ang bahay namin sa inyo.” “Bakit ate, magkapitbahay kayo?” “malamang kaya nga NAMIN eh, cute nga, slow naman…” “Ano po?” “ah sabi ko pindutin mo yan pagkatapos mo magscan ng item.” “OK po…”
Nakita ko si Joey na sumusulyap sa amin. Kinindatan ko si Joey sabay lapit kay Mark. Ngumiti lang si Joey sa amin.
Joey’s P.O.V.
Bakit kaya nakangiti sa akin si Marie?, pagtataka ni Joey sa reaksyon ng kaibigan.
“hay, salamat natapos na rin ang isang araw…” banggit ni Joey habang nasa harap sya ng Bundie clock (sana tama ang spelling ko… hehehe) “di pa naman tapos ang isang araw, bakit nagpapasalamat ka na agad?” Nagulat si Joey sa kanyang kinatatayuan dahil hindi pala sya mag-isa na lalabas. Sabay pala sila ni Mark. “kelan ka pa dyan?” pagtatakip nya sa kanyang pagkakagulat. “Actually, inaantay ko lang na matapos ka mag-punch out dyan.” “Owwwkkeeeeyyy… Sorry :P” “may dadaanan ka pa ba Joey?” tanong ni Mark. “ako…wala na, diretso na ko sa bahay. Wala naman akong gimik.” “Gusto mo bang sumama sa ‘min ni Vincent?” “San ba punta nyo?” “sa Continental, para naman mabawasan ang stress after ng mga exam at interviews bago makapasok dito.” “Hahaha…normal lang yan. Napagdaanan ko din naman…actually lahat naman tayo sa store dumaan dyan.” “So, sasama ka ba mamaya?” “OK lang basta kasama si Marie.” “Sige, para naman marami tayo.” Ngumiti na lang ako kay Mark dahil wala na naman akong sasabihin.
Nang makalabas na ako sa pinagtatrabahuhan ko, narinig ko na may lumapit sa akin. “Oi, Miss Joey…” tiningnan ko lang si Vincent na nakangiti sa akin. Dahil nasa training si Mark at Vincent, magkakasabay kami ng shift. “Tinext ako ni Mark, sasama ka daw at si Marie sa ‘min?” Nginitian ko lang ulit si Vincent. “oo na gwapo na ako, please Miss Joey…” habang nag-ayos ng buhok si Vincent. “Kapal mo naman kuya, alam mo na pala eh, anong gusto mong sabihin ko?” “Sungit mo naman. Anyways, sabay na ko sa iyo pauwi. May bibilhin daw si Mark eh. Kaya hindi sya makakasabay pauwi.” “Sige, pero pwede bawasan mo ang hangin sa katawan mo. :)” Ngiti lang ang isinagot ni Vincent.
Mark’s P.O.V.
Hi, ako nga pala si Mark Camposano, 24 yrs. old. Mahilig akong gumimik. Oo, binansagan ako na “El Gimikero” (sa hindi po nakaka-alam, isa po itong column sa FHM. Pasensya na. :P) pero hindi po ako tulad ng iniisip nyo. Wholesome po ako! :P :P :P
It’s only 6:30 p.m. as I check my watch. Maagap pa sabi ko sa isip ko. Kaya pumunta ako sa dati kong hangout, ang bahay ng pinsan kong si Kenneth. “Pinchan (tawagan naming magpipinsan.) what’s up? Ano ulam nyo? Hahaha” ito madalas ang bati ko kay kenneth. S’ya ang pinsan kong nakakaintindi at pilit na umiintindi sa akin. “Ulul, gasgas na linya mo. Bahala ka na dyan. Oi, sa linggo na nga pala ang dating ni Joan. Hinahanap ka sa ‘kin madalas, kumusta na daw yung nirereto nya sa iyo, si Kris! Hahahahaha” Oo, si Joan ang madalas na humahanap ng GF ko, pero ayoko naman sa halos lahat ng nirereto nya. Si joan ang GF ni kenneth. “Pinchan, ang lakas ng tama sa ‘kin no’n at ang lakas ng tama. Laging high! Pucha, amoy ash tray ang bibig. Grabe sa hithit ng sigarilyo.” “Hahahaha, kung di mo daw mamasamain sa Linggo, magsama ka daw. Kahit sino!” “Pag-iisipan ko yan. Alam mo namang loner ako pagdating sa mga lakad. AYOKO NG MAY INIINTINDI” at sinabayan na ako ng gago kong pinsan. “Yan naman lagi sinasabi mo. Pero maiiba yan pag nagmahal ka na.” sabay dagok sa dibdib ko. “Waaahhh, ayan na naman si Mr. Kupido. Swerte mo lang kay Joan, di lang maganda, sexy pa.” “Oy, oy, oy, pinsan mo ko. Umayos ka!” “Gago, mahal ko kayo pareho.” Sabay man-hug sa insan ko. “Sige na, ikaw na bahala dito, may trabaho pa ko, ikaw na magsara ng pintuan. At nasa ilalim ng libro sa coffee table ang condom kapag nagdala ka ng babae dito.” Sabay ngiti si kenneth sa akin na parang nakakaloko bago isara ang pinto. “Ulul!!!”
At naiwan ako sa condo ng pinsan ko. Yup, mayaman sila. Kaya madalas, sya ang taya kapag may lakad. Hehehe. Nagluto si pinchan, tyempo di pa ako naghahapunan. Kaya yung tira ni pinchan na adobong baboy ang kinain ko. Biglang tumunog ang CP ko,
Text Message:
From: Vincent
Brad, asan ka na??kala ko sabay tayo maghahapunan? Yung lakad natin wag mo kalimutan.
Oo nga pala, sa sobrang libang ko sa bahay ni pinchan nakalimutan ko na may lakad nga pala kami. Ni-replyan ko
To: Vincent
Brad, kumain ka na dyan, naghapunan na ko.
Dahil madalas ako sa bahay ng pinsan ko, may sarili na akong gamit dito. Dahil madalas ay overnight lang ang ginagawa ko dito at umaalis sa umaga. Lalo na pag inaabot ako ng lasing sa bar dahil malapit ang condo nila sa Makati. Kaya nag-prepare na ako para aalis na lang mamaya pag dating ko sa boarding house.
9:30 p.m.
Kadadating ko lang sa boarding house. Gayak na si Vincent at mukhang ako na lang ang iniintay. Nakakahiya naman sa mga kasama ko sabi ko sa isip ko.
“Oh, mark an’ tagal mo naman. Tara na sabi ko sunduin na lang natin sila Marie sa kanila. Tutal malapit lang naman dito ang bahay nila at saka para sabay sabay tayo.” Pagpapaliwanag ni Vincent. “Tara na!” sabi ko. Narating namin ang bahay ni Joey. Nasa labas na si Marie, at nagpapaalam pa si Joey sa kanyang magulang. “Wow, porma naman natin ah. San ang libing?” Pang-aasar ni Marie kay Vincent. “Tss..minsan ko na nga lang ito maisuot. Nilalait mo pa.” Halatang asar si Vincent na hindi naman normal para kay Vincent. Madalas kasi niyayabangan pa niya ang kausap o nilalandi pag babae ang kausap. Pero kay Marie, lagi syang asar, hindi naman sya galit. Ewan, ang gulo. (pati author nalilito!hahaha) Nakita ko si Joey, papalapit sa amin. “Oh, tulala ka Mark?” basag ni Joey sa akin. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya na para bang sya lang ang kasama ko. “ang ganda mo” napabulong ako kay joey. Hindi ko alam kung saan galing yun, pero nasabi ko sya. Feeling ko tuloy namumula ako dahil ang init ng pisngi ko. Napansin ko syang namula o baka naman dahil sa make-up lang yun.
BINABASA MO ANG
Si Crush
RomanceAng istoryang ito ay pawang kathang isip lang ng manunulat. Tungkol sa isang babae na nagngangalang Joey na BFF ni Marie na may crush kay Mark na may gusto kay Joey na gusto rin ni Vincent. Ok nakakahilo ba? well, basahin nyo na lang. (",)v