introduction

15 0 2
                                    

“ayos yan sir. Sana hindi pasaway ang ma-hire ni manager.”

Syempre tulad ng ibang common hiring process. Dadaan sa interview ang mga applicants, may parang elimination na magaganap. Parang nasa Game Show lang ni… (bakit wala akong maisip na Game Show na uso?!?!) Ah basta, para syang isang game show na kapag mahina ang iyong IQ eh eliminated ka na hanggang sa isa na lang ang matira, at sya ang tatanghaling Grand Winner!.

Pero sa case ng kwento, isang malaking TIE ang Grand Winner. Nagpabalik balik si Vincent, yung friend nya, at yung “CRUSH” ko daw. (panindigan mo yan…) Hanggang sa dalawa na lang ang bumalik after ng interview. Nagulat ako dahil si Vincent at si CRUSH (CAPS LOCK, para intense…) ang bumalik that day. Malamang sila na ang magte-training dahil. Tulad nila, dumaan din ako sa Game Show na yun.

“Ito na nga pala ang bago nyong katrabaho”, panimula ng Manager namin habang yung dalawang bagong empleyado ay nasa unahan. “Sige, magpakilala kayo sa kanila”, pagpapatuloy ni Manager. Nagsisikuhan ang dalawa kung sino ang mauuna, pero naitulak ni CRUSH si Vincent. “Hi, my name is Vincent, 23 yrs. old., taga-Quezon City…” “Kuya, san ka sa Quezon City?” putol ni Marie kay Vincent. “sa may Cubao, pero nag-bo-board na ko dyan sa may malapit, para hindi na hustle ang pag-biyahe.”

(A/N: hindi po ako familiar sa Quezon City, pasensya kung hindi sa Quezon Ciy ang Cubao. :P v)

“oh, e taga-dito lang pala si Vincent e..” bulong sa ‘kin ni Marie, habang patuloy na  nag-i-introduce si Vincent.

Ano ba yan, kailangan lahat na-li-link sa akin?, sabi sa sarili ni Joey.

CLAP…CLAP…CLAP… tapos na pala ang speech ni Vincent. HAHAHA habang nakangiti si Joey kay Vincent.

“Oh, ikaw naman…” sabi ni Manager dun sa isa pang bagong empleyado.

“Hi, ako po si Mark, 23 yrs. old., taga- Quezon City din, pero nagbo-board ako kasama si Vincent.”, at lahat kami ay nakatingin lang sa kanya, ng biglang nagsalita si Marie “Kuya, ang cute mo, may GF ka na?” Anu ba yan ang daming tanong ni Marie, ano ba ito pageant? Isip ni Joey. “Wala po…” tipid na sagit ni Mark. Tapos, biglang nginitian ako ni Marie na parang nakakaloko. Abnormal yata…

At natapos ang meeting namin para i-introduce ang bagong empleyado. Sa kasamaaang palad, nangimi ang paa ko dahil naka-upo ako ng indian seat sa sahig. (Sana alam nyo yung feeling… Nakakainis yun!)

“Oh, di ka na nakatayo dyan, starstruck ka ba sa bagong empleyado?”

Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon