85 Part 4

144 8 8
                                    

Chapter 85 - Part 4
final chapter

"Let's save the baby," sabi ng head surgeon. "Scalpel," utos niya sa first assistant at inabot naman sa kanya ito agad.

Sinimulan na niya ang paghiwa sa tyan ng pasyente hanggang sa makita na niya ang ulo ng baby. Sa tulong ng first assistant at nurse, nailabas nila ang baby ng maayos. Kinuha ng nurse ang gunting at ginupit ang organ na nagkokonekta sa nanay at bata.

Kinuha ng nurse ang baby at siya ang naglinis sa dugo nito at binalot ng lampin. Habang ang head surgeon naman ay tinahi ang tyan ni Kylie.

Her heart line, oxygen line, carbon dioxide line, are now flat. She's now flatlined and had a table death. "We gotta announce it now," wika ng head surgeon habang hinuhubad niya ang surgical gloves niya.

Tumingin sa orasan ang first assistant at lumungkot ang mukha. "Time of death, 3:15 p.m."

In-off na nila ang makinang nagpapagana sa heart beat niya at tinakpan ang katawan niya ng sapin ng higaan.

NOTHING WITHOUT YOU | 박우진 [✓]Where stories live. Discover now