06-New Chapter of Life

16 1 0
                                    


Kaka lag out ko lang sa laro at nandito ako ngayon sa isang karenderya malapit sa bahay namin upang bumili ng ulam at kanin

Pagkatapos kong bumili ay agad na bumalik sa bahay at kumain na,habang kumakain ay nanunuod din ako ng paborito kung palabas na Ang Probinsyano,matagal na to pero pinapalabas lang nila ulit ang ganda kasi.

Natapos na akong kumain at tapos na rin ang pinapanuod ko, wala akong magawa sa buhay mag isa lang kasi ako,tsaka wala pa akong masyadong kaibigan kaya naisapan kong matulog nalang dahil maaga pa akong pupunta bukas sa bahay nila meggy.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga, pinikit ko na rin ang aking mga mata,

20 minutes later

"Bwesit na mata to ayaw akong patulogin!" inis kong sabi

Kulang nalang gumulong ako sa higaan ko dahil kahit anung porma ng pag higa ay ginawa ko na pero di parin ako makatulog.

Wala akong nagawa kundi ipikit nalang ang aking mata hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako at umaga na ng magising ulit ako

Pagdilat ng mata ko ay napatingin ako sa wall clock  6:30 na kaya bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko,naligo,nagbihis, at kumain, handa na ako para pumunta sa bahay nila meggy dahil pinapabalik ako ng mama at papa nya sa bahay nila ngayong araw,di ko lang alam kung bakit.

Tinawagan ko si mhegs habang nakasakay ako ng jeep,pero hindi nya ito sinasagot hanggang sa makarating ako sa subdivision na tinitirhan nila

"San po punta nyo sir?" tanong ng guard

"Kaibigan ko si meggy chan sir,at pinapapunta ako ng magulang nya ngayon sa bahay nila" paliwanag ko sa guard

"Ganun ba? mag log book ka muna tapos pwde kanang pumasok" wika nito

Pagkatapos kong ginawa ang sabi ng guard ay pumasok na ako sa gate at naglakad papunta sa bahay nila mhegs

İlang minuto lang ay andito na ako sa harap ng gate nila,nakita ko yong driver nila na naghatid samin nong isang araw dito kaya tinawag ko.

"Psst Bossing" sigaw ko

"Oh, bat andito ka?"

"Pinapabalik ako ng magulang ni mhegs ngayon dito"

"Ganun ba? sige pasok,hatid na kita" binuksan nya ang gate at agad naman akong pumasok

Andito na kami ngayon sa loob ng bahay nila mhegs

"Mam,sir andito na po si Jindel kaibigan ni mhegs" mahinahon na sabi ng driver

"Oh iho mabuti naman at dumating ka" papa ni mhegs

"Maupo ka muna iho,kain ka muna!" mama ni mhegs

"Salamat po pero kumain na po ako" sabi ko sabay upo sa napakalambot na sofa nila

"Sige kaya ka namin pinapapunta dito ay da._" huminto sa pagsasalita ang papa ni meggy dahil nabaling ang atensyon ko sa isang babae,ito yong kapatid ni meggy na masungit naka two piece lang ito na naglalakad paakyat sa hagdan,medyo basa pa ang buhok nito,kulang nalang ay tumulo ang laway ko sa sobrang sexy at mala anghel na ganda nito,ang kinis pa ng balat.

"İho! ,Hoi Jin!," Napatingin ako ulit sa magulang ni mhegs dahil medyo tumaas ang boses nito

"Ayy sorry po sir,sorry po mam,"
tarantang sabi ko

"Ahahaha,maganda ba anak ko? tanong ng papa ni mhegs

"Medyo po,este sobra po hehe" natatarantang sagot ko

"Ahahahah gusto mo?ayieeee" mama ni mhegs

"Hanggang tingin nalang po ako dun,malayong malayo ako sa standard nun sigurado"

RAN Online (Kalayaan Server)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon