01- IDOL

61 1 0
                                    

Ako nga pala si Jindel 16 years old,maraming nagsabi na tall dark and handsome daw ako noong hindi pa long hair ang buhok ko, tsaka lagi akong nakasuot ng itim na damit paborito ko kasing kulay ang black, di na ako nakapagtapos ng pag aaral İlang beses na din kasi akong na expelled sa school dahil sa pakikipag away sa ibang mga studyante, kasalanan din naman nila yon ayaw ko kasing nakakakita ng may binubully kaya pinagtanggol ko lang yong mga nakikita kong inaapi,pero sa kasamaang palad ako pa ang lumabas na may kasalanan,malas talaga ako sa buhay, kaya hirap na akong makahanap ng school na tatanggap sakin.

Nag iisa nalang ako sa buhay,lumaki akong walang inatay, ina at tatay ahahaha, tanda ko pa noong pitong taon pa lang ako ng iniwan ako ng mama ko magtatrabaho daw sya sa ibang bansa pero simula ng pag alis nya di na sya muling nagparamdam pa, yong papa ko naman namatay na daw bago pa ako isinilang. Kaya naiwan akong mag isa sa buhay buti nalang mababait yong kapit bahay ko, sila yong tinatakbuhan ko pag wala na talaga.

October 17,2050 ngayong araw ang ika labing pitong kaarawan ko, pero dahil nga mag isa nalang ako sa buhay para sakin isang ordinaryong araw lang to tsaka kinalimotan na yata ako ng diyos kaya matagal tagal nadin akong di nakakapag simba.

İnunat ko ang aking katawan at bumangon na para magtrabaho na naman, nag tatrabaho ako sa isang school malapit sa amin bilang isang janitor.Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng bahay para don na kumain sa karinderya malapit sa skwelahang pinagtatrabahoan ko.

Tapos na akong kumain at dumiretso na ako sa school na pinagtatrabahoan ko malapit lang naman kaya linakad ko na, ilang minuto lang nakarating na nga ako sa Saint Gabriel University, unibersidad ng mga mayayaman,salamat sa kapitbahay ko kaya ako nakapasok dito.

"Jin,ang aga ah,nakain mo ngayon?" pang aasar sakin ni marya,isa din syang janitor katulad ko

"Gusto mo ikaw ang kainin ko?" sabi ko sabay tawa "Maiwan na kita magtatrabaho pa ako" dagdag ko dito

"Sige liligpitin ko muna ang mga kalat dito" sabi ni marya

Nag lalakad na ako papuntang banyo para maglinis habang may bitbit na mop at balde, iksaktong pagpasok ko ay naabutan ko ang tatlong studyante, sinasakal ang isang studyante habang sinusuntok naman sya nong isa sa tiyan, bigla nalang uminit ang pakiramdam ko ng makita ko yon bumalik ang ilang mga ala ala ng nakaraan,

"Hoy itigil nyo yan" pag awat ko sa dalawang bully,kaya nabaling ang atensyon nilang tatlo sakin

"Janitor ka lang wag kang makialam dito" galit na sigaw ng isang bully

"Titigilan nyo ba sya o lilinisin ko yang masasama nyong ugali?" kalmado kung sabi pero di ko mapigilang manginig sa sobrang galit at pilit pinipigilan ang sarili

"Haha janitor ka lang wag mo kaming takutin!" sumugod sakin ang isang bully habang sakal sakal padin nong isa ang kawawang studyante

Sumugod na nga ang isang studyante sakin pero bago pa sya nakalapit ay hinampas ko sya  gamit ang mop na hawak ko, sinalag nya ito gamit ang braso nya pero sa lakas ng pag hampas ko ay napasigaw nalang sya sa sobrang sakit at napahawak sya sa braso nya,napahinto sya halatang nasaktan talaga kaya galit na sumugod ang kasama nito pero bago pa ito makalapit ay binato ko ito ng baldeng hawak ko,
nasalag nya ito at nakalapit sakin agad nya akong sinuntok sa mukha di ko magawang makailag  kaya tinamaan ako, napa atras ako ng kunti, sumuntok na naman sya pero sa pagkakataong ito yumuko ako ng kunti para iwasan ito at bago paman sya makabawi ay tinamaan na sya ng uppercut ko at sinundan ko pa ito ng suntok sa mukha dahilan para matumba sya.

Susugod nanaman sana ang kaninang pinalo ko ng mop pero natigil nalang kami dahil sa pagdating ng nagtatakbohang mga guro at mga studyante, napahawak nalang ako sa ulo ko at nabanggit ang salitang "Patay problema na naman".

Wala na kaming nagawa at deretso na kami sa principal's office

"Mr. Jindel ipaliwanag mo ang gulong ito!" halatang galit na sabi ni mr prinsipal

"Ahh,ehh" di na ako nakapagsalita dahil sumabat ang studyanteng tinulungan ko

"Ako na po ang magpapaliwanag ng lahat mr. prinsipal" sabat ng studyanteng tinulungan.

Pinaliwanag nya nga ang lahat ng nangyari at kung bakit ako nasali sa gulong iyon, may mga witness din kaya wala ng nagawa ang dalawang ng bully na studyante at agad silang pinatalsik sa paaralan.

" Maraming salamat sa kabaitan at katapangang ginawa mo mr. jindel, akala koy pinairal mo nanaman ang pagiging badboy mo" usal sakin ng prinsipal

" Ginawa ko lang po ang tama" sabi ko habang nakatingin sa studyanteng tinulungan ko

" Maraming salamat idol" nahihiyang sabi ng studyanteng tinulungan ko

İlang minuto pa ay lumabas na kami sa office at sa paglabas namin sa office ay mas nakilala ko pa ang studyanteng tinulungan ko na sya ring makakapagpabago sa buhay ko.

"Ako nga pala si Meggy Chan, salamat kanina ah" pakilala nito sakin sabay abot ng kanyang kamay

"Wala yon kahit sinu naman siguro gagawin yon, Jindel nga pala" sabay inabot ang kanyang kamay

" Ahm punta tayo sa bahay namin mamaya pagkatapos ng klasi ipapakilala kita sa papa at mama ko" sabi nya habang naglalakad kami papuntang canteen

"Huh? bakit naman?"  tanong  ko sa kanya

"Basta, matutuwa yon pag nalaman nila ang ginawa mong pagtulong sakin" paliwanag ni meggy sakin

"Naku wag na, ibili mo nalang ako softdrinks ok na ako dun" biro ko sa kanya

Habang papunta kami sa canteen ay maraming bumabati sakin dahil sa ginawa ko,trending na ako school yong iba sumisigaw pa ng idol,natutuwa naman ako sa narinig ko.

Halos isang oras na din kaming nagkukwentohan ni meggy dito sa canteen at nalaman din nya ang storya ng buhay ko mukhang naawa ito sakin lalo na ng nalaman nyang di ako nakapagtapos ng pag aaral, kaya gigil na gigil syang ipakilala ako sa magulang nya.

İlang minuto pa ay nakumbensi na nga ako ni meggy na pumunta sa bahay nila.

"Sige na nga hihintayin kita sa gate ng school mamaya" sabi ko kay meggy

"Sige pasok na ako sa school,mamaya nalang ulit" paalam nito sa akin

Mabilis na lumipas ang oras at alas 4 na ng hapon at nandito na ako sa gate ng school para hintayin si meggy

"Meggy dito! tawag ko sa kanya habang nakasandal sa napakagarang itim na kotse

" Kanina kapa ba dito?" tanong nya at eksakto namang bumukas ang pinto ng napakagarang kotse

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ang kanina ko pang sinasandalan na kotse ay sasakyan pala ni meggy.

" Tara na po Master?" usal ng lalaking lumabas mula sa kotse, mukhang ito ang driver

"Oo, si jindel nga pala tinulungan nya ako kanina sa mga ng bully sakin"sabi ni meggy

"Ganun po ba master? maraming salamat po sa kabaitang ginawa nyo"sabi ng driver

"Wala yon ayaw ko lang ng may binubully"

Sumakay na kami ni meggy sa kotse at habang bumibyahe kami ay ipinaliwanag ni meggy ang mga nangyari kanina sa school,mabilis na lumipas ang oras ay nandito na kami sa harap ng napakalaking bahay nila meggy,as in napakalaki talaga mansion na ata ito.

__________________

Anung masasabi nyo sa first part? walang kwenta no? ahahahah
Pasensya na po first story ko to tsaka bago lang ako sa wattpad
Votes lang masaya na ako ^_^

RAN Online (Kalayaan Server)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon