04- Forest of the Beginning

26 2 0
                                    

Kakalog out ko lang sa game at ng idilat ko ang aking mga mata ay andito na ako sa totoong mundo,rinig ko ang pag alburuto ng tyan ko kaya hinubad ko na agad ang nerve gear tsaka agad na pumunta sa kusina para kumain

Habang kumakain ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag

"hello mhegs, napatawag ka?" bungad ko dito

"Nakapaglaro ka na ba?"

"Oo, grabe totoo nga pala ang ganda para kang nasa ibang mundo"

"Haha,sabi ko sayo eh,ano ign mo? para ma add kita tapos sabay tayo magpa lvl"

"Jinn" maikli kong sagot

"Sige, mag oonline na ako sunod ka agad ha,ppm nalang ako sayo"

"Pero,__" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi binaba nya na ang cellphone halatang excited ang loko

"Hays,kaka log out ko lang log in na naman" wala na akong nagawa at agad kong tinapos ang pagkain ko at agad na bumalik sa kwarto,sinuot ang nerve gear,humiga,pinikit ang mga mata at binigkas ang salitang

Link Start

Nandito na ako ngayon sa harap ng napakaling statwa ng phoenix kung saan ako nag log out kanina kasabay non ang paglabas ng VS ko

You have a friend request from Crust,accept or declined?

Si mhegs siguro to kaya agad kong pinindot ang yes.

At ilang saglit lang ay bigla nalang syang lumitaw sa harap ko di ko maiwasang magulat.

" Mhegs? ikaw ba yan? skill mo ba yon? panu mo yon ginawa?" sunod sunod na tanong ko

"Oo ako to, gumamit ako ng teleport stone isang item na pwede kang mag teleport sa lahat ng friend mo sa oras na ma add mo na sila sa friendlist mo.

"Astig ah, anong lvl kana mhegs? tsaka ang lakas mo ng tignan ah"

"Lvl 67 na ako, mahigit isang linggo na din kaya ako naglalaro nito"

"Oo nga pala, ahahah"

İGN: Crust
Lvl:67
Class:Swordsman ( Normal )
School: Phoenix
Hp:998/998
Mp:380/380
Sp:240/240
Attack:190-230 +300-380
Defense:150-180 +90-120
Dexterity: +40
Power: + 20
Intellegence: +20
Vitality: +10
Stamina: +10
Evasion: 3%

Helmet:None
Coat: Kendo Coat
Pants: Kendo Pants
Boots: Kendo Boots
Gloves: Sports Gloves
Rings: None
Earings:None
Necklace: Wooden Rosary
Weapon: Lava Sword

" Tara sumunod ka sakin Jinn tutulungan kita magpa lvl " naglalakad kami ni crust di ko alam kung saan kami pupunta basta sunod lang daw ako sa kanya

Habang naglalakad kami ay ininvite nya ako sa party,anacept ko naman agad ito at patuloy na nag lakad hanggang sa makarating kami sa Forest of  Beginning

"Jinn kausapin mo yong matandang npc kumuha ka ng quest sa kanya para makalabas kana ng campus" wika ni crust agad ko naman syang sinunod,

"hays marami pa talaga akong hindi alam sa larong ito mabuti nalang nandyan ka mhegs" wika ko habang naglalakad papunta sa matandang npc

"Magandang araw ginoo,anung kailangan nila?" Wika ng matandang npc

"Gusto ko po sanang makalabas ng campus"

RAN Online (Kalayaan Server)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon