Sa pag idlip ng aking mga mata
Ay saka ko na klarong nakita
Kadilimang bumabalot sa kawalan
Mukhang animong isang larawanSinusubukan kong abutin
Larawan mong kasing taas ng mga bituin
Mga talang kumikinang sa gabing madilim
Kasing liwanag ng iyong mga matang nag niningningTunog ng iyong pag ulan
Hinagpis ng aking pag pupumilit
Sana muling mahagkan
Sana marinig ulitMga labing kasing pula
Ng mga rosas sa may dambana
Kalungkutan ang bumabalot
Sa pag sara ng mga talukap sa mataPag susumamo kong walang hanggan
Pag ibig kong walang katapusan
Walang takot na hahagkan
Sa kamatayan ika'y susundanIsang luha ang pumatak
Sa pagsapit ng alas-sais ay tumatak
Ang larawan mong maligaya sa aking pag iisip
Naglalaro sa aking huling pag idlip
BINABASA MO ANG
The Basement Writings
PoetryMga tula para mabasa Isinulat para makawala A compilation of senseless babbles, rambles and tattletales. Poems and proses written in a cellular basement level.