Huli na ba kapag aminin ko?
Na may pagtingin ako para sayo
Walong buwan kong itinago
Nangambang malaman moHindi ko sinasadyang gustuhin ka
Sisihin man ang puso, ay huli na
Mahirap mang amininin pero totoo
Tumagos ang matalim na pana ni kupidoHindi lang sa puso kundi sa isipan
Dahil nanatili ka roon at nanahan
Pilitin ko mang tanggalin ang pana ay masakit
Tanging haplos mo ang makakapagpigil sa impitNa daing ko ng kirot
Katumbas mo ay hilot
Damdaming salot
Kasing lakas ng kurotKung kaya naman, wag nang magtaka
Pag ako ay lumapit at mag salita
Mga buhol-buhol na bukambibig
Mula sa nerbyos ng labing umiibigGusto kita, hindi ko ipagkakaila
Pero di ko aasahang ibabalik mo ang aking nadarama
Ngunit isa lang naman ang aking hinihiling
Di man ako ang iyong ibigin, ay sana tanggapin ka ng iyong mamahalin.
BINABASA MO ANG
The Basement Writings
PoetryMga tula para mabasa Isinulat para makawala A compilation of senseless babbles, rambles and tattletales. Poems and proses written in a cellular basement level.