⋆⋆⋆ 01 ⋆⋆⋆

21 3 0
                                    




This chapter is dedicated to Dyosandrea2605 for being my best ever supporter! Hehe

***


Habang nasa shower ako, bigla na naman tumunog yung cellphone ko. Hay nako si tita talaga. Sa tuwing birthday ko, ganyan sya ka-hyper. Akala mo walang trabaho dun.

Pero don't get me wrong ha? Hindi sa hindi ko naaappreciate si tita. Ang sakin lang, ang birthday ko ay isang normal na araw lang din kung saan normal lang din yung mga routines na ginagawa katulad ng sa pang-araw-araw kong buhay. Ayokong gumastos nang gumastos si tita dahil masyado ng madami ang ginawa nya para sakin. Simula nung mamatay sila mama at papa, sya na ang tumayong magulang ko at nag-alaga sakin.

Lumabas na ko ng cr at dali dali kong kinuha yung phone ko sa ibabaw ng study table. 5 missed calls agad? (;一_一)

Nakabihis na ko at inaantay ko yung tawag ni tita pero wala na. Papasok na nga ako at baka ma-late na naman ako.

***


"Astra hello????" nagulat ako dahil sa pag-alog sakin ni Shanne.

"Oh teka bakit?"

"Hello??? Kanina pa kaya kita kinakausap," actually medyo wala talaga ako sa huwisyo ngayon. Kanina kasi...


Flashback

Habang naglalakad ako papuntang sakayan, pakiramdam ko may nakasunod sakin. Parang may matang nakatingin sakin. Pero hindi lang isa eh... Parang madami sila.

"Oh dulo! Dulo! Aalis na oh!" nagdire-diretso nalang ako sa sakayan.

Pagsakay ko, parang ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Umusog ako kasi halos kalahati nalang ng pwet ko yung nakaupo. Tapos takte gusto pa magsakay ni manong. Baka gusto nya magkandungan nalang kami?

*bzzzt bzzzt*

1 New Message

From: Mimi <3

Nak, susunduin kita mamayang lunch. Ipinagpaalam na kita sa mga teachers mo.

Nagtext si tita sakin. Eto na naman sya. Ewan ko ba kung anong klaseng regalo naman yung ibibigay nya ngayon. Pero teka...

Teka...

Loading...

Susunduin???

ANDITO SYA??!?!?!

Agad naman akong nagreply sa kanya after magloading ng utak ko.

To: Mimi <3

MI! DI MO NAMAN SINABING NANDITO KA NA. ETO NA BA SURPRISE MO? KASI KUNG OO, NAGULAT NGA TALAGA AKO. ANTAYIN KITA SA GATE LUV U

Habang nagtetext ako, nararamdaman kong nakatingin sa phone ko yung katabi kong lalaki. Loko to nakikichismis pa!

Nung dapat titingin na ko sa kanya, bigla naman syang nag-para at bumaba agad. Natatakpan yung half ng mukha nya ng cap na suot nya. Pagkababa nya, duon na gumaan yung pakiramdam ko...

Loading ulit...

Teka...

Astra AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon