Prologue

29 4 0
                                    




What if we rewrite the stars? Say you were made to be mine...


Sumasayaw na naman kami... Kasabay ng mga butuin sa langit.


Nothing could keep us apart. You'd be the one I was meant to find...


Alam ko. Alam kong nakatingin samin si mama. Nakatingin habang nakangiti sa aming dalawa ni papa.


It's up to you, and it's up to me. No one can say what we get to be...


Dahan-dahan akong tumingin kay papa. Nakangiti din sya sakin.


Masaya kami. Masaya ang lahat.


"Anak. Dalaga ka na. Masayang-masaya kami ng mama mo. Alam naming lumaki ka ng maayos. Dadating ang araw... Magkakasama ulit tayo..."


Dahan-dahan.


Unti-unti.


So why don't we rewrite the stars? Maybe the world could be ours... Tonight...


"Papa! Mama!"


"Hanggang sa muli, prinsesa namin." muli kong nasilayan ang mga ngiti sa kanilang mga mukha.


"Mama! Teka, wag! Dito lang kayo! Papa! Please!" Unti-unti silang lumalabo.


Dahan-dahan.


Unti-unti.


At tuluyan na nga silang naglaho sa paningin ko.


Madilim.


Sobrang dilim...


Natatakot ako...


Natatakot ako sa dilim...


Tanging iyak ko lang ang naririnig ko...


Pero habang tumatagal, may mga naririnig na akong ibang tunog.


Parang may paparating.


Hindi ko makita.


Hinahanap ko kung saan nanggagaling yung mga tunog.


Hanggang sa...


Napaupo ako sa lupang kinatatayuan ko kanina dahil sa pagkagulat...


Dahil sa...


Isang pares ng mata ang naaninag kong nakatingin sa akin...


*thud*


Napaupo agad ako mula sa pagkakahiga. Nakatulog pala ako.


Bigla naman akong napatingin sa orasan. Huh? 1 am palang? Eh parang ang tagal na nung panaginip ko ah.


Pero speaking of panaginip, ayon na naman. Palagi nalang ganon yung napapanaginipan ko sa tuwing dadating yung birthday ko. Ganitong oras. Ganitong petsa. Pero ngayon, iba. Kasi mas malinaw kong nakikita yung mga tao sa panaginip ko.


Ang kaso, ngayon may bagong scenario na dumagdag sa panaginip ko. Yung isang pares ng mata na nakatingin sakin. Hindi naman ako natatakot. Pero, pero parang may kakaiba kasi dun eh. Parang konektado sya sakin.


*ring ring*


Ay bwisit! Nakakagulat naman 'tong tumatawag na 'to. Kinuha ko agad yung phone ko sa ilalim ng unan ko. Nako ha. Kanina ko pa sya inaantay ah.


"Hello nak? Happy birthday," bungad nya kaagad sakin. Halatang may excited sya dahil sa boses nya.


"Thank you po mimi," medyo mahina pa boses ko dahil kakagaling ko lang sa tulog. Parang ang ingay ata sa linya nya. Ah, hapon pa nga lang pala dun.


"May surprise ako sayo! Pero bukas na, okay? Hahaha!"


"Haynako, mi. Ayan ka na naman sa mga surprises mo. Kada taon nalang, ginugulat mo talaga ako sa mga gifts mo sakin," inaantok na talaga ako, ewan ko ba. Biglang parang gusto nang pumikit ng mga mata ko.


"Mag-ayos ka bukas ha? Dapat magandang-maganda ka! 18 ka na kaya dapat matuto ka nang mag-ayos ng sarili mo," napatawa naman ako sa sinabi nya. Ako? Magpapaganda? Maganda na kaya ako. Joke! Eh natural na kaya kapangitan ko.


"Nako mimi. Ano bang meron bukas? Matutulog lang naman ako," pagputol ko sa kanya. Hindi na kaya ng mga mata ko.


"Mimi, bukas nal--"


"Dahil bukas, bukas malalaman mo na ang asdhkfaskdfhjksdfh--"


At tuluyan na ngang pumikit ang mga mata ko. Gusto ko nang matulog...


***

Credits:

Rewrite the Stars by Zac Efron & Zendaya Lyrics

Astra AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon