Chapter 1

10 3 0
                                    

Tazanna's POV

"Congration Soldiers for the job well done. Hindi nyo talaga ako binigo." ,sabi ni General Saavedra na katabi ni Col. Jonathan Ruelo na nanahimik lamang ngunit bakas sa mukha ang saya.

Kagagaling lang namin sa mission. Sa wakas at naubos din namin ang rebeldeng groupo na pinamumunuan ni Commander Churvaness.

Sinalubong agad kami ng bati nina General at Colonel.

"Thank you , Sir. But it's our duty to protect every citizen in our country. At hindi nagiging successful ang aming operation kung hindi dahil sa inyo , Sir at sa tulong ng aking mga kasamahan. " , matapang ngunit may paggalang na sabi ni Captain Nathaniel Ruelo ,ang makisig at gwapong namuno sa aming grupo. Sa edad na 28 ay mabilis syang na promote, hindi dahil anak sya ng Colonel ngunit dahil sa magaling itong sundalo at tapat sa tungkulin. Sa bawat mission na naatas dito ay palaging nagwawagi. Kaya isa ito sa mga hinahangaan ko.

"At Sir, kung hindi lang dahil kay Tazanna ay malamang pinaglalamayan na kami ngayon." , singit naman ni Sergeant Pantorilla, ang madaldal ngunit magaling na hacker sa grupo. At gwapo rin ito. Lahat sa grupo ay pare-parehas lang ang edad at lahat ay gwapo.

"At bakit mo naman nasabi yan Pantorilla?", tanong ng General sa binata.

"Eh, paano ba naman Sir . Takot pa kaming mamatay dahil hindi na namin makikita ang napakaganda nyong anak. Mabuti nga Sir, at hindi niyo naisipang ipasok sa showbiz si Tazanna .", dahil sa sinabi ni Marco ay nakatikim tuloy sya ng batok sa akin. Loko talagang lalaki to.

Napailing at natawa na lamang ang General sa mga kalokohan ng mga tauhan nito. Alam na nito na mga loko-loko talaga tong mga tauhan nya ngunit sanay na ito. Seriyoso ang Heneral kung tungkol sa trabaho ang pag uusapan .

Totoong anak ako ng Heneral ngunit hindi ko naman ginagamit ang kapangyarihan ng aking ama para lang makakuha ng promosyon. Ayaw na ayaw nga ni Daddy na magsundalo akong pero ito ang gusto ko eh. Ayaw nya din na mag artista ako dahil natatakot syang mapahamak ako dahil simula ng naging Heneral sya ay marami na syang mga kalaban. Nag-iisa nya lang daw akong prinsesa kaya ayaw niyang mawala pa ako sa kanya. Napilitan lang lamang syang ipasok ako sa army dahil nagkulong ako sa kwarto ko at hindi ako kumain ng ilang araw kaya pumayag na lamang sya. Nagtraining ako sa US ng isang taon at pag uwi ko ay pumasok ako sa AFP . Sa opisina lang sana ako ilagay ni Daddy dahil babae raw ako pero kinulit ko talaga syang ilagay ako sa field kaya pumayag na lamang sya. Kaya isa na akong sniper sa grupo namin.

--------------------

Naglalakad ako ngayon papuntang conference room, pinuntahan ko kasi si Daddy sa opisina niya pero wala akong nadatnan doon kay nagtanong ako sa desk officer niya , nasa conference daw ito, may emergency meeting daw kasama ang mga high ranking official, kasama na doon si Captain Ruelo . Ewan ko kung anong pag-uusapan doon, siguro ay tungkol sa next mission namin.


Nang malapit na ako sa conference room ay may nakasabay akong sundalo na may dalang meriyenda , siguro ay para sa mga nagmemeting yun, kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Sgt. Toledo, para sa mga nag memeeting ba yan?", tanong ko sabay ngiti sa kanya kaya saglit itong natulala.

"Huh? Aah, Oo. Pa-para sa kanila nga to.", balisang sagot nito. Si Sgt. Carlo Toledo kasi ang tagapagluto dito sa headquarter namin.

"Pwedeng ako na lang ang magdadala nito sa loob? May kailangan din naman kasi ako sa loob. Nakakahiya kasing pumasok---"

"Naku! Nakakahiya na man sa inyo Ma'am kung kayo pa ang magdadala nito." ,putol niya sa sinabi ko.

"Ay! Ok lang , "

"Sige, kayo po ang bahala." , pagkabigay niya sa tray ay nagpapaalam na sya.

Nasa harapan na ako ng pintuan kaya binuksan ko muna ito ng kunti pero nagulat na lang ako nang ang malakas na boses ni Daddy ang sumalubang saakin.

"NO! HINDI AKO PAPAYAG. Alam natin na delikadong mission yan kay hindi ako papayag na ang anak ko ang ipapadala ninyo." , galit at puno ng kontrol na sabi ni Daddy.

"Pero General, sya lang kasi ang compatible sa mission na yan. Matapang at magaling na babae kaya kaya niyang protectahan ang kanyang sarili. ", sagot na man ng isa sa mga officer.

"No, hindi ako papayag. Maghahanap tayo ng iba.Ba't hindi na lang lalaki ang ipapadala natin?", tutol ng Heneral.

"Kung lalaki ang ipapadala natin ay madali lamang nila itong paghihinalaan. At isa pa hindi na tayo makakahap ng iba dahil lahat ng asset nating babae ay tumanggi dahil mas delikado ito. Ang kaya lang nila ay ang magpapanggap na baliw sa kalsada."

"Yun na nga ang sinasabi ko eh. Masyadong mapanganib ang mission na iyan. "

"Pero wala na tayong oras. Kailangan madaliin natin ito dahil baka dadating na naman ang mga armas na galing ibang bansa na lalong nagpapalakas sa mga rebldeng grupo na yan. "

"Sir, pwede na man po sigurong dalawa na lang kami sa mission na iyan, tama po si General ,napakadelikado ang mission na iyan para kay Tazanna kaya pwede dalawa na lang kami.", singit ni Captain Nathaniel Ruelo.

" Hindi nga maaari dahil madali lang kayong paghihinalaan niyan at mas lalong magkaroon ng complikasyon. Always monitored na man siya eh dahil kakabitan natin ng tracker . ", sagot na man ng opisyal.

Dahil sa sagotang nangyari ay hindi nila napansin na nakapasok na ako.

"Ahem!, Excuse, here's your coffee. " , agaw pansin ko sa kanila.

"Kanina ka pa ba dyan?" ,tanong ni Daddy sakin.

"Well, just enough to hear everything."

"Ok , since you heard everything. Are you willing to do this mission soldier?", tanong ni Col. Ruelo.

"As if I have a choice. "

°°°°°°°°°°°°°°
>> Gorgeous's note : Hi readers ,I hope you like it... Pls. Vote and comment

Beyond The BorderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon