Tazanna's POV
"Naku Bakla, ba't hindi ka na lang kasi nag-artista? Marami ka na sanang mga papabols ngayon. Sabagay, Ang ganda mo kaya para lang ilagay ka sa kung saang kagubatan na yun. " , wika ng baklitang pinsan/bestfriend ko, si Jose Francis Alcantara o "Josefa Francheska " .
Isa itong may-ari ng mga salon dito sa Manila. Gwapo sana tong baklitang to eh. Pinsan ko to sa mother side bali ang mother ko at father nya ay magkapatid . Ako ang unang naka alam na bakla sya noong high school kami hanggang noong 4th year high school na kami ay nahuli sya nang Papa niya na naka make up at naka suot ng pang babae . Nung una ay galit na galit talaga si Tito France dahil nag-iisang anak nya ito pero noong kalaunan ay natanggap na din sya. Kahit galit si Tito ay masaya na man si Tita dahil gusto nya kasing babae ang anak nya.
"Tumahimik ka nga dyan JOSE. Eh sa gusto nyang maging diwata doon eh. ", sabi ni Cat na bestfriend ko din.
Catriona de Lion is my bestfriend since 1st year high school kami. Kaklase at katabi na namin sya ni Josefa. Hindi talaga magkasundo ang dalawang yan, parang aso't pusa. Crush kasi ni Cat si Jose noon pero nung malaman niya na baklita pala ito ay nagsimula na silang mag-away .
"Che! Ikaw ang tumahimik dyan PUSA !."
"Hey, tama na yan. Mamimis ko kayo lalo nyan eh. Madali lang naman sigurong matapos ang mission na yon." ,saway ko sa dalawa dahil nag-uumpisa na naman eh.
" Pero girl , mag-ingat ka don huh at baka gayumahin ka ng mga pangit na mga rebelde na yun at hindi kana babalik dito, kukutusan talaga kita." , wika ni Cat.
"Ano ba yan , tama na nga ang pagdadrama nyo dahil kahit anong pag eemote nyo dyan hindi kayo mananalo sa OSCAR award."
"Kahit kailan ka talagang bakla ka, panira ka ng moment, inggit ka siguro."
"Hahay, bilisan nyo na ngang mag lagay ng damit dyan dahil aalis na ako , mahuhuli pa ako sa flight sa ginagawa nyo eh at bakit ang dami nyan bakla? Pinapalayas mo na talaga ako no?" , sabi ko kay Jose na andaming nilagay sa maleta ko may traveling bag pa akong dadalhin at may tent pa.
" Naku paninigurado lang yan bakla noh, baka matagalan ka don kaya nilagyan ko yan ng mga bikini mo just incase na maliligo ka."
"Saan ba ako pupunta, diba sa kagubatan? Hindi beach ang pupuntahan ko bakla ."
"Duh, just incase lang na man bakla dahil narinig ko na may mga water falls pala doon."
Ito talagang bakla to, akala mo kung sa ibang bansa ako pupunta.
°°°°°°°°°°°°
Pagdating ko sa airport ay nakita ko na si Daddy na naghihintay kasama sina Ruelo, at Pantorilla. Sa Mindanao ako pupunta dahil nandoon daw ang kota ng mga rebeldeng grupo."Mag-ingat ka doon anak. Tatawag ka kaagad kung mag masamang mangyari doon at hwag mong tatanggalin ang tracker dyan sa kwentas mo. "
"Don't worry Dad mag-iingat ako. At kaya ko namang protektahan ang sarili ko kaya wag kang masyadong mag-alala."
"Tazanna babe , huhuhu hwag kang mag atubiling tumawag sa akin huh, sabihin mo sa akin kung sinong mananakit sayo doon, ♪♪Im only one call away, I'll be there to save the day, superma--♪♪♪", naputol ang pag dadrama ni Marco nang batukan sya ni Nathan.
"Ang drama mo Pantorilla.", sabi nito kay Marco at bago bumaling sa akin . "Mag-iingat ka doon huh. Just press the botton in the locket kung may masamang mangyari sayo doon."
"Okay, don't worry too much guys. I'll be okay." I hope so.
°°°°°°°°
Apat na oras na akong nag lalakad sa isang masukal na daan.
Iniwan ko lang ang sasakyan ko doon sa baba nitong bundok na inaakyatan ko. Ipinadala yun ni Daddy para daw may magamit akong sasakyan incase of emergency.Mag aalas sais na at mahaba-haba na rin ang nalakbay ko sa tulong nitong compas. Nang may narinig akong malakas bagsak ng tubig mula taas . Sinundan ko ang tunog nito at natagpuan ko din at hindi nga ako nagkamali dahil talon nga ito, matatawag itong paraiso sa ganda ng paligid at napakalinaw ng tubig na pwede nang maging salamin dahil kitang kita ang repleksyon mo dito.
Napagdesisyonan kong dito muna magpalipas ng gabi. May flash light na man ako kaya madali kong nagawa ang tent. Pagkatapos ay gumawa ako ng bond fire at kumain din pagkatapos sa binili kong pagkain sa na daanan kong restaurants . Marami na man akong pagkain sa bag ko na mga delata at may mga biscuits and junk foods .
Umaga na nang nagising ako kaya kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras , 6:00 am na. Kaya pala wala akong natanggap na mga call and messages dahil walang signal dito.
Napasyahan ko na lang na maligo muna sa talon dahil kahapon pa ako nahahalina sa malinis na tubig na yon.
Mabuti na lang talaga at pinadalhan ako ni Jose ng bikini. May silbi na man pala yong baklang yun. Kaya naghubad na ako at nagbihis ng puting two piece swim suit .
Paglusob ko pa lang sa tubig ay nanginginig na ako dahil sa lamig nito. My ghodness.. Ang lamiiiggg.. Maya-maya pa ay nag shampoo na ako at nag sabon pagkatapos ay nag floating ako kaya mas lalong nakakarelax sa katawan. Ilang ulit akong pabalik-balik nang mapasyahan kong umahon na kaya lumangoy ako papunta sa mag malaking bato dahil nandoon ang bathrobe ko .
"Sino ka? At anong ginagawa mo dito sa teritoryo ko?" , isang malamig na boses ang sumalubong sa akin pag-ahon ko pa lamang.
Nag- angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang walang emotion na mga mata ang nakatitig sa akin. Parang may sariling isip ang mga mata ko na sinuyod ng tingin ang kabuuang mukha ng taong nasa harapan ko ,singkit ang mga mata, may mahahabang pilik mata ,matangos na ilong at mapupulang labi na parang kaysarap halikan. Ngunit mahaba ang buhok niya at yun ang ayaw ko sa mga lalaki dahil para silang mga rock star . Ngunit kakaiba ang buhok ng lalaking ito dahil kahit mahaba ay napaka shine naman parang ang sarap haplosin kahit nakatali ito.
Napukaw ang isip ko nang tinutukan niya ako ng baril.
°°°°°°°°°
>>> Gorgeous's note: I really love action story kaya hindi ko na mapigilan na gumawa ng sariling story. Pasensya na po sa mga maling grammar at spelling. This is my first story kaya pagpasensyahan nyo na.
Please Vote and Comment (any) po para ma inspire na man po akong magsulat.
BINABASA MO ANG
Beyond The Border
Action"One wrong move and you're dead", wika ng binata na may baritono at malamig na boses. Si Alexander Fuentebella ay pinuno ng mga rebeldeng grupo na pinaghihinalaang kasapi sa mga ISIS kaya ipinadala si First Lieutenant Fawziya Tazanna Saavedra bil...