Alexander's POV
Tuwing umaga ay nakasanayan ko nang pumunta sa talon at maligo pagkatapos kong mag ensayo. Palagi akong pumupunta sa talon dahil ito ang tanging lugar na maituturing kong paraiso dahil bukod sa magandang tanawin ay tahimik din dito at ang tanging pagbagsak lamang ng tubig mula sa itaas ang nagbibigay ng ingay sa lugar. Pinagbabawalan ko na may ibang tao na tatapak dito. At alam ng lahat ng taga dito yun.
Malapit na ako sa talon ng may nakita akong isang tent. Dahan-dahan akong lumapit at inilabas ko ang aking baril. Sino kayang pangahas na tumapak dito sa teritoryo ko?
Nang makalapit ako ay napako ang tingin ko sa tubig dahil may lumilitaw doon na isang diwata , napaka puti nya at sa tuwing natatamaan ng araw ay lalong timitingkad ang kaputian nito. Para itong anghel na ipinadala dito sa lupa para makapiling ko (ay!charot lang..heheh) . Tanging ang dalawang saplot lamang ang tumatakip sa pribadong bahagi ng katawan nito.
Hindi ko namalayan na pinanood ko na pala ito. Nang mapansin kong aahon na ito ay dali-dali akong tumalon papunta sa malaking bato kung saan nakita ko ang damit nito dahil alam kong dito ito tutungo.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa teritoryo ko?", tanong ko pagka-ahon ng ulo nito. Nagtaas ito ng tingin at doon ko natitigan ng maayos ang mukha nito. Napagandang diwata naman ito. Mula sa singkit at matataas na pilik mata nito , matangos na ilong pababa sa mga labi nitong singpula ng mansanas na alam kong natural lamang at naka awang na parang kay sarap halikan. Napaka inosente nitong tingnan.
Bago pa ako mawala sa sarili ay tinutukan ko na ito ng baril habang sya ay nakatitig lamang sa akin.
"Sabi ko ,sino ka at anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok sa teritoryo ko?", pilit kong itago ang emosyon sa mga mata ko at mas tinigasan ko pa ang boses ko.
Mukhang natauhan naman ang dalaga at agad ding nakasagot.
"I'm Tazanna and what do you think I am doing, lumilipad ba ako? Nakita mo naman sigurong naliligo ako no?", sagot nito. At talagang matalas ang tabas ng bibig nitong babaeng to ah.
"Tinatanong kita ng maayos babae, kaya sagotin mo din ako ng maayos." , seriyosong sagot ko.
"Sinagot na man kita ng maayos ah"
"Bakit ka naririto sa teritoryo ko?"
"Bakit? Bawal ba? This is a tourist spot. " , balik tanong naman ng babae.
"Alam mo bang bawal ang kahit na sinong aapak dito sa teritoryo ko?."
"Bakit sayo ba itong falls? Ikaw ba ang gumawa nito? Hindi diba kaya bakit mo ipinagdamot? "
"Hindi ko gusto ang tabas ng iyong dila babae. Kaya hangga't hindi pa nauubos ang pasensya ko ay umalis ka na dito ngayon din."
"Hoy lalaki , bakit mo ipinagdamot ang gawa ni God? This falls is for everyone. At sino ka ba para sundin ko?"
"Talk back and you're dead." , malamig na wika ko sa kanya.
Nagulat na man sya sa sinabi ko kaya hindi sya naka react agad.
"Ooyyy, nanonood ka din pala nyan ? Fan ka din ba ng Jaden ? "
"What? Ano ba yang pinagsasabi mo dyan?" , naguguluhang tanong ko. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?
"Ay mag maang maangan ka pa dyan. Umamin ka na nga ."
"Sinusubukan mo talaga ako no?"
"Okay fine. Aalis na ako. Maghahanap na lang akong ibang tourist spot dito."
"Umalis kana sa lugar na to Miss. Dahil kung may iba pang makakakita sayo dito ay alam kong hindi ka na talaga sisikatan ng araw. At isa pa, maraming mga mababangis na hayop dito kaya bumalik ka na sa pinanggalingan mo." Seriyosong wika ko.
"
Paano ako aalis kung nakaharang ka dyan. Nanginginig na ako dito sa lamig eh. Pwede bang umalis ka muna dyan dahil aahon na ako."
Nakalimutan kong nandoon pa pala sya sa tubig.
Kaya umatras ako ng konti.
Kumapit sya sa bato at inangat ang sarili ngunit bumalik rin sya sa tubig. Kaya naglahad ako ng kamay para tulungan sya maka ahon. Tiningnan nya muna ang kamay ko na para bang nagdadalawang isip kung tatanggapin ba nya pero sa bandang huli ay tinanggap rin nito.Malambot ang mga kamay nito. Ang sarap naman nito hawakan buong araw. Ano kayang feeling kung hahaplosin ng malalambot na kaya nato mukha ko? Aisshh! Ano ba tong iniisip ko. Hinila ko sya kaya pag-angat nya ay napakalapit ng katawan namin at doon ko natitigan ng malapitan ang katawan niya. Ang ganda ng hubog ng katawan nito, para itong modelo. Mala porselanang kutis, bumaba ang tingin ko sa dibdib nito (oy! Flat) katamtaman lang ang laki at flat na flat ang tiyan nito. May mahahaba at makikinis na mga hita.
Nagtaas ako ng tingin at nakita ko syang nakatitig lamang sa akin. Doon ko napansin ang mahaba nitong buhok na basa pa. Tumutulo ang mga butil ng tubig nito sa katawan. Napakaganda naman nitong angel na nasa harapan ko ngayon.
Bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ang pinulot ko na ang roba nito at itinapon ito sa mukha niya kaya natauhan ito.
Umalis ako sa may bato.
Tazanna's POV
Napaka walang manners talaga ng lalaking to. Kahit gwapo sya eh bastos ang ugali eh.
Umalis sya sa malaking bato kaya dali dali kong isinuot ang roba.
Pumasok ako sa tent at nagbihis ng black short at pinaresan ng white t-sirt na may print na 'Gorgeous me' . At nag suot ako ng hiking boots . Inilagay ko na sa bag at maleta ang mga gamit ko. Dinala ko talaga ang maleta dahil nandito ang mga gamit ko na mga gadgets. Pagkatapos ay lumabas ako sa tent at sinimulan ng itiklop. Maliit lang kasi tong tent ko, dalawang tao lang ang kasya.
Ngayon ko lang napansin na nandito pa pala ang lalaking to at nakatitig lamang sa akin.
"Wala ka bang ibang damit na mahaba Miss. Maraming mga mangangaso ang pumupunta dito kaya kung ako sa iyo magbihis ako ng disenteng damit.", komento niya sa suot ko.
"Bakit ba napaka pakialamero mo? Dyan ka na nga!"
°°°°°°°
>>> Pls. Vote, comment and follow ^_^
Thank you .

BINABASA MO ANG
Beyond The Border
Action"One wrong move and you're dead", wika ng binata na may baritono at malamig na boses. Si Alexander Fuentebella ay pinuno ng mga rebeldeng grupo na pinaghihinalaang kasapi sa mga ISIS kaya ipinadala si First Lieutenant Fawziya Tazanna Saavedra bil...