Third person's POV
Habang patuloy na naglalakad sa gubat si Tazanna ay lingid sa kaalaman niya na sinusundan pala siya ni Alexander .
Tazanna's POV
Nakakainis talaga yung lalaking yun. Kanina pa ako naglalakad, ewan ko kung saang bundok na pala ako ngayon. Masakit na nga ang mga paa ko ,ang bibigat pa ng dala ko. Saan ba kasi ang kota ng mga rebeldeng yun,kainis.
"Araouch! (Aray + ouch = araouch) Ano ba yun ba't may nanunuka sa binti ko?" , pagtingin ko sa paanan ko.
"Aaaaahhhhh!! Aahhaasss! Shitness." Nakita ko ang malaking ahas na kumagat sa akin na paaatake na naman. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na alam kung anong gagawin . Nanginginig na ako at hindi na maka galaw sa kinatatayuan ko. Bago pa ako kakagatin ulit ng ahas ay umiikot na ang paningin ko hanggang sa nagdilim.
Alexander's POV
Napatingin ako sa kanya ng bigla syang sumigaw. At doon ko nakita ang ahas na aatake na naman sana sa kanya. Bago pa makalapit ang ahas ay awtomatikong binunut ko ang maliit na balisong na nakatago sa may sapatos ko at inihagis , ayun sapol, humiwalay ang ulo sa katawan nito.
Napatingin ako ng bumagsak ang dalaga .
Lumapit ako dito at lumuhod. Pinahiga ko ang ulo sa hita ko.
"Hoy, babae gumising ka!" , at marahang tinapik tapik ang pisngi niya.
Napatingin ako sa binti niya. Kalahati lang kasi ng binti niya ang natatabunan ng hiking boots .
Biglang nabalot ng kaba ang dibdib ko ng makita ko ang apat tuldok na napapalibutan ng pula sa binti niya. Shit ba't hindi ko napansin na nakagat na pala sya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong natakot na para bang ako yung nakagat. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sumipol ako ng dalawang beses at ilang sigundo pa ay dumating ang dalawang tauhan ko habang humihingal pa dahil sa pagtakbo. Nagkakalat ang mga tauhan ko dito sa gubat upang magbantay kung may makapasok na kalaban.
"Commander Alex , ano pong nangyari?" , tanong ng isang tauhan ko.
"Ka Berting, tulungan nyo po akong dalhin ang mga gamit na to."
"Teka lang po , sino ba yan? Anong nangyari dyan? Aba'y anghel ba yan na nahulog sa lupa?"
"Kinagat po ng ahas. Paki bilisan po dahil baka kakalat na ang kamandag sa katawan nya."
"Sandali lang Commander, kailangan talian muna natin ang ibabaw ng nakagat upang hindi aakyat ang kamandag ng ahas. "
"Ganoon po ba? Sige po.", kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at itinali sa binti ng dalaga. At mabilis kong binuhat na parang bagong kasal ang dalaga.
"Ka Berting ikaw nang bahala dyan sa mga gamit, ilagay nyo lang sa bahay.
At ikaw naman Ka Oscar , paki tawag ang albularyo, papuntahin mo sa bahay. Bilisan mo!", utos ko naman doon sa binatilyong tauhan ko. At agad na man itong tumalima.Halos liparin ko na ang daan , lakad takbo ang ginawa ko.
Hindi ko na pinansin ang mga taong bumabati tuwing nadadaan ko.
Para itong maliit na baryo kung saan nakatira ang mga pamilya ng tauhan ko.
Pagdating ko sa bahay ay maingat kong inilapag sa kama ang hinimatay na dalaga.
>>> to be continued
BINABASA MO ANG
Beyond The Border
Action"One wrong move and you're dead", wika ng binata na may baritono at malamig na boses. Si Alexander Fuentebella ay pinuno ng mga rebeldeng grupo na pinaghihinalaang kasapi sa mga ISIS kaya ipinadala si First Lieutenant Fawziya Tazanna Saavedra bil...