Chapter 4: Kai

32 5 3
                                    

"Just wait." At tumakbo na ako pabalik ng room.

Pagkapasok ko sa room namin na mukhang binagyo ay dumiretso ako sa bag ko. At kinuha ang bagay na kailangan ng babaeng 'yon.

Pads.

At mabilis ko itong binulsa.

Syempre alam ko na kailangan 'to nung babae kahit 'di niya sabihin. Babae din kaya ako.

Binalikan ko na yung babae sa cr.

"Uhm, ate?" Sabi ko sabay kalabit sa kanya.

"Uy! Kala ko iniwan mo na 'ko e."

"Uhm I think kailangan mo 'to?" At nilabas ko yung pads sa bulsa ng uniform ko.

"Oo! I badly need that!" Inabot ko na sa kanya. At bago siya pumasok sa cubicle, tinanong ko siya

"May extra ka bang uniform, ate?"

"Yah, nakahiram ako kay ateng nagtitinda ng uniform natin."

"Ah." Tipid kong sagot.

"Hintayin mo 'ko ha. D'yan ka lang." Tumango na lang ako. Bakit? Ano pang kailangan ng babaeng 'to?

After mga ilang minutes lumabas na siya.

Pagkalabas niya ay agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papuntang canteen.

"A-anong ginagawa natin dito? Ba't tayo nakatayo dito?" Tanong ko habang nakatayo kami sa harap ng mga tindang biscuit at kung ano-ano pa. Nakatingin lang siya sa akin.

"Di mo ba gets? Tinulungan mo ako kanina kaya dinala kita dito."

"Oh tapos?"

"Duh! Nililibre kita! Kunin mo kahit anong gusto mo." Ah.

At dahil ayoko namang magmukhang patay-gutom, kumuha lang ako ng isang chichirya, dalawang biscuit, limang candy, isang bottled water at isang C2.

"Wow. Sige, babayaran ko na. Hintayin mo nalang ako sa exit." Tumango nalang ako at lumabas na.

Maya-maya lang ay lumabas na siya.

"Tara na." Saad niya na nakapagpa-kunot ng noo ko. Sa'n nanaman ako dadalhin ng babaeng 'to?

Naglalakad lang siya habang dala-dala yung mga binili niya at sinusundan ko naman siya.

Huminto siya sa tapat ng isang table.

"Sit." Sabi niya. Ano 'ko? Aso? Pero sinunod ko na lang. Umupo na din siya at inilapag ang mga pagkaing kinuha ko kanina.

"Here you go." Sabi niya sabay tulak ng mga pagkain papunta sa akin.

"Thank you" 'Yun nalang ang nasabi ko sabay kuha ng mga pagkain.

Nakatingin lang siya sa 'kin habang kumakain ako. Sinubukan ko siyang alukin pero tumanggi naman siya. So ba't niya ko tinitingnan?

"Istorbohin muna kita ha, napansin ko kasi, kanina pa tayo magkasama pero 'di pa kita kilala." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Oh, oo nga no. I'm Quinn Alessia. And you are?"

"I'm Kaiana. Kai for short." Sabi niya sabay ngiti.

"Ahh." Sagot ko at binalik ko ulit ang atensyon ko sa kinakain ko.

*Bell rings*

"Ay! Tapos na ang recess!" Gulat na sabi ni Kai.

"Oo nga e. Sige una na ko. Salamat ulit sa treat." Sabi ko.

"Sige! Nice meeting you!" Pahabol-salita niya pa. At naglakad na ako pabalik sa room.

Pagka-upo ko pa lang,

"Uh!" Halos pabulong kong sabi nang makaramdam ng sakit sa tyan.

~
(AN: So ayern, mas pinahaba ko na yung chap at yung mga susunod pang chap kasi nga matagal ako mag-ud hehehe. Yun lang!♡)

The Last Ten MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon