"Uh!" Halos pabulong kong sabi nang makaramdam ng sakit sa tyan.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag-'head down' na lang ako.
Siguro mga 30 minutes na ko sa posisyon ko nang mapansin ako nung teacher namin.
"Ms. Alcantara?" At napatingala naman ako. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin. Awkward.
"Anong nangyari sayo? Are you fine?"
"M-ma'am, m-masakit po kasi yung ty-tyan ko." Nauutal kong sabi habang iniinda ko parin ang sakit.
"Alright then. Go to the clinic. Uhm, anyone who wants to accompany Ms. Alcantara?" Sabi niya sabay lahad ng isang kamay na parang nag-aalok sa mga kaklase ko.
Nagtinginan lang yung mga kaklase ko.
Okay, fine. "Sige ma'am, a-ako na lang po mag-isang p-pupunta do'n."
"Are you sure? Kaya mo ba?"
"O-opo ma'am." Sabi ko sabay tayo sa upuan ko. Nakatingin lang silang lahat sa akin hanggang maka-labas ako ng room namin. Walang 'ya kayo
Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng clinic, pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang balinkinitang-babae. Siya siguro 'yung nurse.
"Oh, hi! How can I help you?" Tanong niya sa akin sabay tingin sa isang kamay ko na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin sa tyan ko.
"Hmm. I knew it. Sige pasok ka muna." Naka-ngiti niyang sabi sabay binuksan ng malawak ang pinto.
Pina-upo niya ako sa isang maliit na higaan. Maliit lang 'tong clinic pero malamig. Mas malamig pa ata 'to sa room namin e.
Umupo din siya sa tabi ko.
"Hi I'm nurse Ella, the one and only nurse of this campus. So, ga'no na katagal sumasakit 'yang tyan mo?"
Like whut? Wala pa naman akong sinasabi ah? Pa'no n'ya nalaman?
"Oh btw, kanina mo pa kasi hawak 'yang tyan mo so obviously, masakit tyan mo, am I right?" Ah. Now I know!
"Opo, masakit nga po tyan ko."
"Ano yung huling kinain mo?"
"Yung biscuit po na binili ko sa canteen." Actually, 'di naman talaga ako 'yung bumili no'n e.
"Haayy! Canteen.." Sabi niya sabay buntong-hininga. Bakit kaya?
"Ok, nakakain ka ng expired na biscuit."
Haaa?!"P-pa'no niyo po nasisigurado?"
"Last school year, madaming nagreklamong mga magulang kasi nga daw sumakit tyan nung mga anak nila ta's tiningnan yung mga biscuit na tinda sa canteen, ayun, expired. Haaay hanggang ngayon ba naman?!" Kwento niya.
"So gan'to na lang, umuwi ka na muna sa bahay n'yo, kasi pwedeng mapadalas 'yung paggamit mo ng toilet dahil nga sa nakain mong expired na biscuit." Dugtong pa niya.
"Sige po. Thank you po." Sabi ko sa kanya sabay tayo at lumabas na ng clinic.
Bumalik na ako ng room at napansing wala si Ma'am. 'Di ko na rin pinansin 'yung mga kaklase kong nakatingin sa 'kin at kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na ulit.
~
Pumasok na ako sa bahay ni tita at akmang didiretso na sa kwarto ko nang makita niya ako.
"Oh napa-aga ka ata?" Gulat na tanong niya.
"Sumama po kasi pakiramdam ko. Sige po matutulog muna 'ko." Saad ko sabay akyat papuntang kwarto ko.
Humiga agad ako sa kama.
Pagkahiga ko ay naalala ko 'yung mga nangyari ngayong first day ko. Si Kai.. Si Jak..
Oo nga! Si Jak! Du'n na rin siya nag-aaral so ibig sabihin..
BINABASA MO ANG
The Last Ten Months
Novela JuvenilSabi nila, kapag inlove ka, bibilis ang pagtibok ng puso mo. Pero paano naman yun mararamdaman ng taong may sakit sa puso? Sakit kung saan sadyang mabagal ang pagtibok nito? Maranasan niya pa kaya ang pakiramdam ng pagiging inlove? Meet Quinn Aless...