Jak Ivan Gutierrez?
My first..
Ex-boyfriend?
Owemji. I still can't believe my eyes. I just saw my first ex-boyfriend! Well, siya kasi yung first bf ko but since wala na kami, first ex-boyfriend na~
Hindi ko lang siya basta-basta nakita, kaklase ko pa siya!
Let me introduce him to you.
Jak Ivan Gutierrez. Schoolmate ko sa dati kong school. Mabait, mayaman, di ganun ka-gwapo, medyo matalino, at matulungin. Kaya nga tinulungan nya 'kong kalimutan yung mga problema ko e.
It was 2 years back then when my life was really miserable. Until I met him. Marami akong problema no'n
The first one is when papa got fired. Di namin alam kung saan kami kukuha ng income. Matanda na din kasi si papa so mahihirapan na siyang maghanap pa ng trabaho.
Kasunod no'n, nalaman naming nangangaliwa si mama. Pinalayas siya ni papa at lumayas naman siya. Basta. Ayoko na siyang pag-usapan. Naalala ko lang lahat ng sakit na naramdaman ni papa pagkatapos no'n.
Kasabay ng mga problema namin sa bahay, ay nalaman ko ang isang balitang nakapagpalumo sakin. Isang balitang 'di ko sinubukang sabihin sa kung sino man.
Naisipan ko na magpatingin sa doktor noong nararamdaman ko ang madalas na paninikip ng dibdib ko.
Nalaman ko na may sakit ako sa puso. Heart failure, sakit kung saan hindi normal ang pagtibok ng puso ko.
Hanggang ngayon hindi parin nila alam 'tong sakit ko. At wala akong balak ipaalam 'to.
At oo, si Jak ang kasama ko na humarap ng mga problema ko. Actually, 'di niya alam yung mga problema ko pero lagi niya akong nakikitang malungkot, so he offered a deal. Nangako siya na papasayahin niya ako at ang kapalit no'n ay maging gf niya ako.
I have to admit it, naging masaya ako sa kanya. Sobrang saya.
Lagi niya akong dinadala sa kung saan-saang park, lagi din kaming nagroroadtrip at foodtrip.
He make me feel like I am the most special girl in the entire universe!
Pero di ko maintindihan, masaya ako sa t'wing kasama ko siya pero.. ewan.
Yung thought na, kaya niya 'kong pasayahin pero 'di ko siya magawang mahalin.
Believe me or not, I tried everything to make myself fall inlove with him. But I just.. can't.
BINABASA MO ANG
The Last Ten Months
Novela JuvenilSabi nila, kapag inlove ka, bibilis ang pagtibok ng puso mo. Pero paano naman yun mararamdaman ng taong may sakit sa puso? Sakit kung saan sadyang mabagal ang pagtibok nito? Maranasan niya pa kaya ang pakiramdam ng pagiging inlove? Meet Quinn Aless...