Chapter 1

19 7 1
                                    

Topher Gene Angeles' POV

"Topher Dun tayo pare... Maraming chikas" Aya sa'kin nila Diego.

It's 4:30 in the morning at kasama ko ang mga mongoloid kong tropa Diego, Marco at Bret.

Sabado kasi ngayon at nakasanayan na namin ang mag jogging nang ganitong oras, kung ako para mamuhay nang malusog sila ay para makapang babae.

Mga engot talaga!

"Topher huy!" Sigaw sa'kin ni Marco. Pinili ko ang dereksyon na salungat sa itinuturo nila.

"Bala ka dyan uy! Tignan mo yun" Narinig kong sabi ni Diego. Huminto silang lahat at mukhang naghihintay na lingunin ko sila.

Magpapanggap na lang akong walang naririnig tutal naka ear phone naman ako.

"Hayaan na nga natin... Alam naman natin na wala siyang hilig sa mga babae" E ano!

"Kung ganun saan kaya mahilig si pareng Topher!" Sabay tawa ng malakas, siraulong Diego!

Huminto ako at pumulot ng bato, babatuhin ko na sila nang bigla silang nagtakbuhan sa dereksyong kanina pa itinuturo ni Diego.

Mga ungas!

Totoo naman na hindi ako mahilig sa mga babae pero hindi ibig sabihin nun na bakla ako!

Nag kaka crush pa rin naman ako sa mga babaeng may magagandang mukha at katawan pero ewan ko ba wala akong ibang nararamdaman sakanila bukod dun, siguro ay pihikan lang talaga ang puso ko!

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

"Palibhasa mga lalaking kaladkarin" Bulong ko sa sarili sabay tawa ng mahina at mas binilisan ko pa ang pag takbo.

"Hi, Topher!" Magkasabay na bati ng dalawang babae na nakasalubong ko. Hindi ko pinansin, 'di ko rin naman sila kilala.

"Topher! Topher Gene!" Si Alexa, course mate ko.

Nang malapit na kaming mag kasalubong ay bigla siyang huminto at inangat ang kamay sa ere mukhang balak niyang makipag apir.

Hindi ako huminto at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Naka ilang ikot na 'ko pero hindi ko na nakasalubong yung mga engot, siguro namba babae na!

Nauuhaw na din ako kaya pumasok muna ako sa 7/11 na nadaanan ko kanina para bumili ng bottled mineral.

Paupo na sana ako nang makita ko ang mga babae na taga school, hindi pa man ako nakakalapit ay nakatingin na agad sila sa'kin at naghahagikhikan... naghahampasan pa.

"TSS" Napakunot ako ng noo at lumabas na lang ng store.

Ayaw ko talaga sa mga babae.

Una, masyado silang maaarte!

Ang hilig nila ay damit, make up at gwapo,

Gusto nila pinagsisilbihan sila,

Mahilig sila sa regalo, pag nagbigay sila dapat makakatanggap rin sila,

Ang kikitid ng utak at marami silang hindi maintindihan sa mga lalaki o kaya naman ay hindi lang talaga nila iniintindi...

Mga immature!

Naglakad lakad ako sa park at naupo sa isang bench. May nauna nang dalawang babae na nakaupo dun.

Mukhang hindi naman nila 'ko kilala dahil ni hindi nila ko tinignan pag kaupo ko at patuloy lang sila sa pag uusap, siguro di sila taga school.

Uminom pa ako ng isang lagok at ibinaba na ang bote ko, tinanggal ko na rin ang ear phone ko.

"Ayan ang ganda na ulit diba?"

My Untouchable InamorataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon