Chapter 4

4 1 0
                                    

Czarina Mendoza's POV

"Wow! Napakaganda talaga ng anak ko, bagay na bagay sa'yo ang uniform mo anak" papuri ni mama sakin pagka baba ko pa lang ng hagdan.

Ngayon ang unang araw ko sa Ashford University.

If I know sinasabi lang yan ni mama para hindi na 'ko mag reklamo.

"Masiyado nga pong fit ma e, tyaka itong skirt masyadong maigsi!" Reklamo ko agad habang hinahatak pababa ang dulo ng palda ko, kahit pa ata anong pilit kong umabot 'to sa tuhod ko ay wala rin akong magagawa.

"Hay, ano bang ginagawa mo!" hinampas niya ko ng mahina sa braso ko. "Ang ganda kaya sayo oh, bagay na bagay!"

"Ma naman!"

napa sigaw ako, pero pinandilatan niya 'ko ng mata kayat agad ding humina ang boses ko

"hindi nga po komportable eh" ang nasabi ko na lang habang nakanguso.

"Oh siya, kumain ka na muna bago umalis... Susunduin ka ba ni Gino?"

Naupo na ako kasabay ni mama. Wala si papa dahil masiyadong maaga ang pasok niya sa opisina.

"Hindi po ma, nakita niya na po kasi ang schedule niya at wala naman po siyang pasok ng monday" Dahilan ko kay mama, gusto rin naman talaga niya 'kong samahan but I insist na wag na lang.

Nagiging busy na din kasi siya talaga dahil sa business ng papa niya na unti unti ng pinapa handle sakanya.

"Kahit na, dapat sinamahan ka pa rin niya sa unang araw mo sa Ashford"

Kukuha na sana ako ng pagkain ng bigla akong tapikin ni mama sa kamay, "Pray muna!"

Ashford University

Nag tricycle ako papuntang school, huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa maliit na gate. Wala akong kasabayang pumasok, halos lahat naman kasi ng mga estudyante ay nakasasakyan kaya doon sila sa malaking gate dumadaan.

Nakita ko yung guard na naka de kwatro habang nagbabasa ng diyaryo nang makita niya 'ko medyo naging gulat ang ekspresyon ng mukha niya kaya naman binati ko na lang siya.
"Good morning po! Kuya guard" ngumiti siya at kalaunan ay tumawa siya ng malakas.

Siguro napansin niya na naka arko na ang isang kilay ko, kaya naman huminto na rin siya sa kakatawa.
"Naku, pasensya ka na iha. Ngayon lang kasi may dumaan ditong estudyante at pagkatapos ay binati ako" pagpapaliwanag niya.

"Ah, ganun po ba" ngumiti na lang din ako.

"Good morning din sa'yo iha" pagbati niya rin sa'kin at pagkatapos ay ngumiti rin ng pagkalaki laki... or siguro malaki lang talaga ang mga ngipin niya kaya ganun ang tingin ko?

Pero ang weird ng sinabi niya, ngayon lang daw may dumaang estudyante dito? Ang weird naman, pati siya mismo... Weird!

Habang naglalakad ako ng mabilis, tanging sa nilalakaran ko lang ako nakatingin. Pakiramdam ko kasi ang daming mga mata na sumusubaybay sakin, kahit na ang totoo ay wala naman talaga.

Mabilis akong nakarating sa parang counter na makikita rin naman agad pag pasok ng malaking building ng school. Naituro na kasi sa'kin ni Gino na dito ako kukuha ng class schedule ko.

"Miss, Good morning po!"

Bati ko sa babaeng blonde na hindi man lang ako pinansin o sinilip man lang.

Nanatili lang siyang nakatingin sa computer niya, kaya naman nanatili lang din akong nakatayo dun. Hihintayin ko na lang siyang matapos sa kung ano mang ginagawa niya.

My Untouchable InamorataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon