Chapter 5

3 2 0
                                    

Topher Gene Angeles' POV

I'm here at speech laboratory with Diego. Nakakainis nga eh, nag karoon pa ako ng isang subject na class mate ko ang baliw na 'to.

"Huy! Are you still listening pare? Maganda talaga yun... "

Hindi ko siya pinapansin, puro babae lang naman kasi ang kwento niya eh.

Tumingin tingin ako sa buong kwarto.

"...and I guess... Wait nga lang pare, hindi ka naman nakikinig eh! Are you waiting for someone?" Pangungulit sakin ni Diego.

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at pagkatapos ay yumuko na lang muna ako.

Yeah, I'm waiting for someone! Ang tagal nga niyang dumating eh...

Nasan na kaya yun? Ang tagal naman niya...

"Hi Topher"

Napa angat agad ako ng ulo ng may babaeng tumawag sa pangalan ko.

"Here" may lunch box siyang inaabot sakin.

Tinitigan ko lang siya ng walang emosyon, para saan naman kaya 'to? I don't even know her.

"Ah.. I made this. Ako talaga ang nag bake nito para sayo" hinawi ng isang kamay niya ang buhok na tumabing sa mukha niya papunta sa likod ng tainga niya.

She can't even hide her excitement, tss it irritates me.

Yumuko na lang ulit ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.

"Ah thank you! Thank you ha!" narinig kong sabi ni Diego. Mukhang siya na ang kumuha nung inaabot ng babae.

"Anong name mo?" tanong ni Diego.

"I'm Mika... Uhm pakibigay sakanya ha?"

"Oo naman, ako nang bahala"

Narinig ko pa ang mahinang pag tawa nung babae.

Ilang saglit pa ay tumahimik na rin sa wakas.

"Topher!"

May kung sino na namang babae ang tumatawag sa pangalan ko.

"Topher... "

Hindi pa rin ako nag angat ng ulo hanggang sa...

"Topher!!!" Kinalampag niya ang mesa ko. Tss ang sakit sa tenga.

"What the... " Napatingin ako sa kung sinong babae naman ang nang iistorbo sakin.

"What the? What the... Ano?" mataray na sabi niya sakin. Haha! Ang cute niya talaga.

"You know each other?" narinig kong tanong ni Diego pero wala samin ni Czarina ang nag abalang sagutin ang tanong niya.

"Eto" may inilagay siyang schedule card sa table ko.

"You don't really need to return this. Sabi ko nga sayo na lang diba" hindi ko mapigilan pero napapangiti talaga ako.

Kahit wala namang nakakatawa. Kapag siya ang nasa harap ko gusto ko lang tumawa ng tumawa. Ewan ko ba kung bakit pero the way she stares at me, para akong kinikiliti.

"Wow! I can see Topher ignoring me because of a girl... This is... New!" sabat ni Diego.

"Kinopya ko naman na yung schedule, kaya sayo na yan" nginitian niya ako at pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko.

That's so fast...

Wait, nginitian niya ako? She did? Napa salum baba ako habang nakangiti at habang sinusundan siya sa kung saan siya pupuwesto.

My Untouchable InamorataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon