Chapter 2

18 5 0
                                    


Czarina Mendoza's POV

"Cza!" Sumenyas sa'kin si Jana, pumasok na ulit siya sa laro, tinanguan ko siya.

"Okay! Atin na ang bola!" Sigaw ko sa team ko.

Si Jana ang nagdala ng bola, siya ang pinaka the best na point guard ng team.

She has that substantial ball handling skills, buti at nakabalik siya kahit na nainjured na siya kanina.

Nagtakbuhan na kami at nag punta sa kanya kanya naming mga pwesto.

Ipapasa niya sa'kin ang bola, kailangan namin maka three points.

Practice game lang to laban sa mga player ng 'Mega Star College', pero kailangan namin mag seryoso.

34 - 50 Ang score! Nakakahiya kung matatalo kaming may malaking lamang ang kalaban kami pa naman ang nanguna sa nakaraang women's basketball league.

Hindi ako papayag na magpatalo ang Conception College's team!!!

Pumunta ako sa pwesto ko hinahayaan ko si Jana na mag execute, alam kong gusto niya ring manalo.

Mukhang... Mag ko cross over siya, ano 'to? Hindi ko na rin mabasa ang mga galaw niya.

She makes a cross over and get around to number 6 na siyang dume depensa sakanya.

Madali niya lang nagawa yun at mukhang balak niya nang siya ang mag shoot.

"Shit!" Si number 00 ang daling nakapunta sa harap niya at mukhang iba block ang gagawin niyang jump shot.

Hindi! Mukhang pe peke in niya, napansin ko ang self control ni Jana hindi siya tumuloy sa pagtalon.

Madali niyang naipasa sa'kin ang bola, nawalan ng balance si 00!

Shinoot ko agad ang bola!

TSS! Hindi ako naka porma ng maayos!

Masyado ata 'kong nagmadali,

Ang parehong rebounder ng team nakaabang na sa ilalim.

Shit! Ba't ba ako nagpadalos dalos ngayon lang ako hindi naging sigurado!

Nagpa ikot ikot ang bola sa basketball rim!

Pumasok ka!

".............."

"SHOOT!"

Three points!

Naghiyawan pa ang mga team mates ko, hindi pa tayo panalo huy!

Napangiti na lang ako...

Inangat ko ang jersey shirt ko para punasan ang pawis ko sa mukha.

"Cza! Czarina!!!" Malakas na tawag ni Yesha sa'kin.

"Cza! Tara na!" Tinapik ako ni Jana sa balikat at tumuloy sa pagtakbo, di pa tapos ang laban!

Tumakbo na rin ako, yung shooter sakanila ang may hawak ng bola.

Ts!

"Czarina..." Si Yesha pa rin, nag chicheer ba siya o ano?

Teka, ano to? mukhang box gate ang gagawin nila...

"CZARINA! CZARINA MENDOZA!"

Napatigil ako sa pag depensa ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

Konti lang ang tao dito sa court dahil practice game lang naman ito,

Kaya rinig na rinig ko ang napakalaking boses ng tatay ko!

Napatingin ako sa pinang galingan ng boses niya at nakita ko si Yesha sa tabi niya na parang natatae,

My Untouchable InamorataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon