Mag-isa

54 2 0
                                    


Palagi na lang ako mag- isa,
Hindi pinapansin ng iba.
Nakakalungkot makitang ang iba ay masaya,
Habang ako'y hindi nakakaramdam ng saya.

Wala namang mali sa akin,
Pero kung makatingin sila sa akin,
Parang may ginawa akong mali sa kanila,
Hindi ko nga naman sila kilala.

Gusto kong umiyak sa sobrang kalungkutan,
Para kasi akong kinatatakutan,
Bakit ba kasi hindi nila ako pinapansin o kinakausap?
Hindi nila alam kung gaano kalungkot maging mag- isa..

Bʟᴏᴡɴ Mɪɴᴅ I ✔︎Where stories live. Discover now