Sophia's POV
Hmmph. . . Ang dami ko namang lalabhan.
Maghuhugas pa ng plato.
Magsasampay.
Maglilinis sa kuwarto.
Malilinis din sa C.R.
Magluluto ng hapunan.
Magpaplantsa.
Magtitiklop ng mga damit.
Grabe kasi ang buhay ngayon. Eh ako nga parang DI na nila kamag-anak, lagi-laging gumagawa ng mga gawaing bahay NA BAHAY ng mama ko. Sa totoo lang ang kapal ng mukha ng mga pinsan kong dito tumuloy pati si auntie. Feeling nila bahay nila to kahit mga pera lang ang habol nila. . . Hmmmpph. Sana pinaampon nalng ako ni mama sa AMPUNAN kesa naman dito eh para kang nasa KULUNGAN ikaw na nga ang pinapagawa ng lahat. Bawal ka pa sa lahat ng pwede mong puntahan. Diba?
"Hoyy!! Pagtapos mo diyan mag saing ka ha!!" Utos ni Megan. Kung maka hoyy!! wagas, ehh mas matanda pa nga ako sa kanya ehh.
Di kasi tinuturuan ng magandang ASAL!!
"Opo Ma'am!!" Galit na galit kong pabalik sa kanya habang binabras ang puting damit.
"Ano?!" Yes! Yan ang gusto ko hinahamon sila ng sabunutan! Haha!
"Wala!" Sabi ko.
"Hoyy!! Bilisan mo nga diyan labahan mo rin itong uniporme ko!!" Utos din ni kuya Arthuro. Nagcecellphone kasi siya ngayon.
Natigilan sila nang bumukas ang pinto. Na iniluwa si. . .
"Ate Rhianna?" Bungad na tanong ni Megan kay Rhianna, na mukhang . . . .
"Na rape ka ba?" Maangas na tanong ni kuya Arthuro kay Rhianna.
Napatayo naman ako sa narinig.
N-na rape?
"K-kuya. . M-megan. . . S-sophia. . ." nanginginig na sambit ni Rhianna, "N-na rape nila ako!!"
Nagsimula na ang pagtulo ng luha ko. Di porket ba pinaparusahan niya ako eh, wala na akong pakielam sa kanya? She's my cousin too. Kaya nga ako umiiyak ng sincere ngayon ehh. . .
Pero sino nangrape sa kanya?
"Ano bang kaguluhan yan?!" Sigaw ni auntie sa taas.
"Ma na----"
"Megan!!" Di natuloy ni Megan ang sasabihin niya nang pinutol iyon ni kuya Arthuro.
Napatingin naman si auntie sa akin sabay irap. . . Tsssss.
Kwarenta'y singko na si auntie ay mukha parin itong bata. Tssssss. . . Ano kaya itsura niya kapag gurang na?Hhahahahaha!!
"Ma. . . W-w-wala yun." Sabi ni Megan.
Bakit kaya di nila sinabi?
Na?
Na?
Narape siya?
BINABASA MO ANG
Thinking Of You
RomanceSi Sophia Zamora ay isang batang ulila, Nang makilala niya ang perpektong si Kevin ay NABAGO na siya. Bakit kaya?