Kevin's POV
Sunday 8:36
Nagising ako sa alarm kong 8:30, okay lang na may six minutes ang nasayang. Tumayo ako at nag unat ako at kumuha ng towel.
Pumasok ako sa banyo at naligo, nagbihis, nagsuklay, nagpabango at syempre nag gel. Nung naging handsome na ako. I take my coat at my back then, lumabas na ng kuwarto.
Pagkababa ko sa hagdan. Bumungad agad yung magandang anak ng katulong namin, si Louise.
"Good morning po, sir. ." Bungad niya sabay pa-cute.
"Good morning. ." Sabi ko nalang sabay ngiti sakanya, tuwing bababa talaga ako itong babaeng to ang bumubungad sa akin. Okay naman siya!
Pumunta ako sa dining room, bumungad naman sakin ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. Para kasi itong naghihintay sa akin, di na ako nag aksaya ng oras lumapit ako at umupo sa upuan.
Nakita ko na nakahanda ang mga piniritong itlog, hotdog, bacon at kung ano ano pa. Meron ding mga prutas, hmm. . . Ngayon lang ako nagising na merong mga ganito ahh. .
May piyesta ba??
"Manang? Ba't andami po nito?" Pagtawag ko sa isa sa mga katulong namin na nanay ni Louise. "Piyesta---"
Nagulat ako nang lumabas mula sa kitchen yung. . .
Yung. . .
Assistant ko!!
"Sir?" Malambing niyang tanong. Nahi-hypnotized ba ako sa ganda niya?
Ito yung nag apply sa building ko nung nakaraan.
Si Sophia Zamora.
"So?" Nagtataka kong tanong.
Kumunot yung noo niya,"A-anong SO po?"
Hah! Di niya naintindihan, pero teka siya ba ang nagluto nito? Naka apron kasi siya at naka hair net.
"So? It's mean SOPHIA!"
Napayuko siya, "Sorry po. . ."
Imbis na sagutin siya ay kumuha ako ng isang hotdog at isang bacon, pero may naalala ako.
"Bakit ikaw ang nagluto?"
Tila parang nabuhayan siya at sumigla ang ngiti niya. "Gusto ko po sanang tulungan yung kusinera ninyo sa pagluluto ng agahan."
Napiga ang puso ko sa sinabi niya, mabait pala siya.
"Well, " Pagiiba ko sa usapan. "Maghintay ka nalang sa sala. . "
Tumango lang siya at lumakad na papuntang sala.
God! That Lady!
(Sophia's POV)
Huh?
Ba't kaya niya ako pinalabas ng kusina?
Ehh. . Tumulong lang naman ako sa kusinera niya, masama ba yun??
Malungkot akong umupo sa sofa sa sala, iniisip ko kung bakit niya pa akong kailangan palabasin.
^_^_^_^_^_^_^
Ilang minuto lang ang lumipas lumabas rin siya kasama ang bag niyang pang-office talaga.
"Halika na. . ." Iritable niyang yaya habang nagmumuni-muni pa ako sa sofa, "Tumayo ka na. . ." Utas niya nang mapansin niyang di pa ako tumatayo.
Bago pa siya makalapit ay tumayo na ako, baka kasi hilahin pa niya yung kamay ko at dahil na rin sa kalakihan ng katawan niya baka mapilay pa ako.
Sexy kasi ako, payatot pa!
"San po tayo?" Tanong ko habang naglalakad, sinusundan ko lang siya sa kung saan siya pumunta sa mahabang hallway na 'to.
"Sa baba. . ." Sagot niya, san kaya sa baba??"
Huminto siya kung saan may nakaparadang isang puting kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "S-sakay?" Tanong ko, "S-sasakay po a-ako?" Ewan, naguguluhan na ako!
Ngumisi siya sabay tulak sa akin papasok ng kotse, napasusob naman ako sa driver's seat. Nasa front seat kasi ako. And magkatabi kami.
Umikot siya para makapunta sa driver's seat, nung bubuksan na niya. Umayos na ako sa pagkakaupo at tumingin sa kakaibang parang pa-square na may pahalang na mahabang butas, hmm. . . Ano kaya ito?
Pumasok siya, di koparin siya tinitingnan dahil nakatutok parin ako roon. Itinapat ko ang kamay ko roon at nalamang may lumalabas na hangin roon. Malamig na hangin.
Parang may kung ano siyang inaayos sa tagiliran niya, bumalik ako sa huwisyo nang makarinig ng. . .
*Tick. . *
Na siyang bigla naman niyang pagtingin sa akin, akala niya siguro na nakaayos na ako ng upo pero hindi. Nagkalapit ang mukha namin, nakaramdam ako ng kaba. Hinawakan niya rin ang kamay kong nakapatong sa hita ko at mas lalong inilapit ang mukha niya.
"Aalis na tayo. . ." Bulong niya sabay iwas ng tingin, umayos na rin ako at tumingin na sa harapan. "Hihihihih. . ." Hagikhik niya na ikinainis ko naman.
"Sir. . ." Napatigil siya sa biglaang pagtaas ng boses ko, "Kung hindi tayo aalis dito, magco-comute nalang ako!" Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang pintuan ng kotse, pero bago ako makalabas hinawakan niya ang braso ko kaya ako napatigil.
"Ito naman!" Sabay tampal niya sa braso ko, ang sakit. "Gusto mo tanggalin kita sa trabaho mo?!"
Natigilan ako.
"A-ahh. . ." Nakangisi ang g*go nang tumingin ako sa kanya, "Eh. . S-s-sorry po, S-s-s-sir?"
Ngumisi siya, umakyat na rin ako sa front seat na ilang dipa nalang ang layo sa kanya, "Good. " At saka siya bumaling sa manubela at pinaandar ito.
:(:(:(:(:(:(:(:(:(
KATAHIMIKAN
-yan ang bumalot sa amin habang bumabiyahe. Tahimik lang, walng kibuan. Wala!
"Ba't di ka manlang kumikibo riyan?" Pag basag niya sa katahimikang bumabalot saamin.
"Wala akong sasabihin, sir." Sabi ko nalang, di siya kumibo. Sana naman di na siya kumibo pa!
"Okay. " Okay lang yan! Kasi di tanong! Tumango lang ako at tumingin sa bintana. Marami akong nakitang mga iba't-ibang puno't bulaklak sa labas, gusto ko nga sanang tingnan pa kaso parang isang kurap mo lang mawawala na! Kaskasero kasi 'tong si ser ehh. . .
Hayyyyyy. .. . .
Ano pa bang magagawa ko??
Nakasakay na ako ehh.
Wala nang bawian!
NAKAKAINES!!!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Thinking Of You
RomanceSi Sophia Zamora ay isang batang ulila, Nang makilala niya ang perpektong si Kevin ay NABAGO na siya. Bakit kaya?