Sophia's POV
Kainis. . BOSS ko pa talaga siya ha? Sa dinami-dami ng tao dito siya pa. . Hmmpphh. .
Halata kasing inaasar niya lang ako! Ayoko pa naman ng buwisit sa buhay ko! Mahirap na nga ako may bubuwisit pa sa akin!
Bakit kasi mahirap lang ako?
Mabait naman ako ahh ( Medyo mataray nga lang ) pero bakit ako mahirap?
Bakit ako ALIPIN?
Buti pa yung Mr. Ferer na yun, mayaman. Biruin mo magkakahilera ang mga mga buildings niya, tsaka pogi na rin (Hehehe).
Sumakay ako ng jeep para makauwi na sa Lecheng bahay namin. Sigurado ako marami na naman ipapagawa yung mga yun sa akin, mga homeworks nila, tsaka uniform, at siyempre di mawawala yung mga gawaing bahay.
Buti nalang may trabaho na ako, atleast mabubuhay na ako or makakapag aral, isang taon narin kasi akong di nag-aaral or NAHINTO sa pag-aaral. Kasi nga kailangan makapagtapos daw yung mga pinsan ko MUNA bago ako!
Bakit? Sino ba ang rumaraket para mabuhay sila? Sino ba ang nag papakahirap para may makain sila? Sino ba ang kumakayod para sa pag-aaral nila? Di'ba ako?
At ang kapal ng mukha nilang unahin pa ang sarili nilang makapag-aral eh feeling nila nanggagaling sa bulsa nila yung pinagkukuhanan nila ng pera at pangangailangan.
Eh di yata ako na ang AMA nila. .
Ako lahat ehh. . Bagsak lahat sa akin. .
Wala na nga akong pinag-aralan, sakin pa nila binabagsak lahat ng kahirapan!
What if someday? Alagaan nila ako, at ako naman ang pag aralin nila?
Siyempre hindi nila gagawin yun! Kelan pa kaya nila gagawin yun? Kahit kelan HINDI.
Hinding-hindi nila gagawin YUN! Kahit kelan!
Nang nasa kanto na ako, nadatnan ko si Megan lasing na lasing, ang mga kainuman niya ay puro lalake. Baliw na ata to, kung kani-kanino lang nakikipag inuman!
"Megan!!" Sigaw ko sa kanya na nakaagaw pansin sa mga tao, at mga kainuman niya, Tangna ka Megan lagot ka ngayon kay Auntie.
"Inum tayo, Yaya!!" Ang kapal ng face mong tawagin akong yaya, ano ka BATA?
"Umuwi kana, Megan. Malalagot ka ngayon kay Auntie!!" Pananakot ko sa kanya, sinamaan niya lang ako ng tingin at minura.
"T*ngina mo wag mo akong pakelaman!!" Tumayo siya sabay sampal sa mukha ko, "Ito ang tatandaan mo ha! Yaya kalang! Katulong namin sa bahay!!!!"
Hah! Talaga Megan KATULONG lang?! Ehh parang padre de pamilya niyo na ako ehh. . . Lahat kayo karga ko!!
Iniwan ko siya duon, baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko baka masabunutan ko pa!
Pagdating ko sa impyerno kong bahay, hinanap ko na si Rhianna baka may ipagagawa na naman iyon ehh. . .
Nakita ko siyang bumaba ng hagdan, nakabistida siya at walang make-up. Halata naman na nagdadalang tao siya. .
"Ate. ." Bungad niya sabay akap sa akin, "Kamusta? May trabaho ka na ba?"
Weh? May kailangan lang iyan! Pa ate ate ka pa, FAKE naman!
Pero, for the first time tinawag niya akong ate ahh. .
'Hoy!' lang kasi ang mga tawg nila sa akin, di ate, o bunso. .
Minsan pa nga minumura pa nila ako, pero nag iba ngayon si Rhianna.
"Huyy!! Ate. . Lalim naman yata ng iniisip mo. ." Hindi noh! Napansin niya siguro na napaisip ako. . "Kumain ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Thinking Of You
RomantizmSi Sophia Zamora ay isang batang ulila, Nang makilala niya ang perpektong si Kevin ay NABAGO na siya. Bakit kaya?