CHAPTER 1.1

39 3 0
                                    

At ayun, pagkatapos naming pumili, pinaluto na namin at pumunta sa isang table… nang dumating na ang pagkain, naglabas silang tatlo ng kanya-kanyang tupper ware, nang binuksan na nila, kanin ang laman… at ako naman, nakatingin lang sa kanila…

“hindi ka nagbabaon ng kanin? Alam mo na, para maka tipid…” KJ

“ahhhh… nakalimutan ko nga eh, nagmamadali kasi ako kanina, sayang nga…” palusot ko, actually hindi pa ako nakapag baon ng kanin o ulam man lang sa buong school life ko noon, may resto namn kasi sa school namin… at saka hindi sumagi sa isip ko na nagbabaon pala halos lahat ng mga students ditto, bukas tatandaan ko yan, nang ma experience ko rin ang mag baon…

“siguro, mayaman talaga kayo noh?! Pero bakit dito ka nag-aral?” tanong ni Shayne… lagot! Heto na..

“Hindi noh! Scholar nga lang ako doon sa dati kong school, hindi kami mayaman..” imbento kong storya… Lord, sorry po.

“talaga? Eh, ano bang trabaho ng parents mo?”

“uhhhmmm… ano, uhmmm… nasa ibang bansa ang mama ko, ang papa ko? Wala na…”

“ahhhh…” Silang tatlo… At kumain na kami, pagkatapos nun, pumunta na kami sa next subject namin…

naku naman, nasa 4th floor ang room ng next subject namin, walang elevator hagdan lang talaga ang meron… haaaay, nakakapagod… At pagdating namin sa room, nandon na ang iba naming classmates nagkwekwentuhan, nag aasaran, halos ½ ng class close na… sa tingin ko, magaan silang pakisamahan, well, sa tingin ko lang naman, sana hindi sila katulad ng mga classmates ko noon… SANA LANG…

Umupo na ako sa pinaka dulo ng row, doon rin uupo sina KJ, Arlene, at Shayne… at ang tatlo naman ay nakipag usap sa mga classmates namin sa gitna ng classroom at ako naman ay naiwan mag-isa… nanonood lang ako sa kanila…

“emo na nga, loner pa… hahahhha” sabay tawa nung nasa likod ko.. at tumalikod ako ng bahagya para makita kung sino ang nagsalita… at nakita ko na naman siya… sino paba? Ang bwiset na si Martinez… mapang asar talaga, nakakainis…

“paki mo ba?!” sabay talikod ko sakanya.

“hahaha… ang sungit mo talaga, mag smile ka naman? Alam mo pumapanget ka kapag palagi kang nag susuplada, hindi pa kita nakikitang ngumiti...at wag kang magpaka loner diyan, mababait ang mga classmates natin, mapagbiro nga lang… hahhaha…”

“pwede ba, tantanan mo ako…” sabi ko habang naka talikod parin skanya… at pagkatapos kong sabihin yun, naramdaman kong umalis na siya sa likuran ko, at ako naman ay yumuko at isinubsob ang ulo ko sa armrest ng upuan ko… pero, may point nga naman siya. kaya lang, hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa kanila… ganyan namn kasi ang iba eh, sa harap mo mabait sila, puro puri, puro magagandang salita, pero pagkatalikod mo, iba na ang usap-usapan nila… ayokong maulit ang nangyari sakin noon…

“uy! Diba, friend nyu na yun???” narinig kong sinabi ng isa kong classmate habang ako ay parang natutulog ang posisyon sa aking upuan.

“Si Yvonne ba? Oo, kaibigan na namin siya.” rinig kong sabi ni Arlene

“talaga? Hindi ba suplada? Parang mataray pa eh.”

“Oi! Hindi ah… mabait naman siya.” tanggol ni KJ sakin

“Mabait? Eh, ba’t parang ayaw niyang maki pag kaibigan samin?”

“ganun talaga yun… hindi masyadong friendly, nahihiya siguro satin… wala kasing kakilala yan dito, kahit classmate o schoolmate nung highschool, wala… alam niyo na, naninibago siguro…” sabi ni Shayne

“oo nga noh… tayo nalang ang makipag friends sakanya mamaya, pag nagising siya…”

“eh, pano pag ayaw niya?”

RESTRICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon