"Ate princess!" Sigaw ng isang boses ng babae na pamilyar sa aking pandinig. Hindi ko pa siya nakikita dahil nanggaling sa likod ko ang boses nya, pero parang may hint na ako kung sino siya.
"Ingrid!" Sabay yakap ko sakanya ng humarap ako. Siya ang pinaka favorite kong costumer dito sa cafe. Isa rin siyang loyal costumer sa store at maging sa cafe.
"Ate princess naman, Nica nalang pls. Para cute. Namis kita ate!" Sabay yakap ulit sakin. Ang name kasi talaga ni Ingrid, este Nica ay Veronica Ingrid...
"Ok, Nica. Pa'no ba yan? Kailangan ko na muna magtrabaho." Sabi ko sa kanya, madami kasi talaga ang mga tao dito.
"Ok po. Susunduin ako ng kuya ko mamaya, ipapakilala kita ate princess. Mabait yun, at tsaka gwapo." Pahabol na sabi niya sakin.
"Ok." Yun nalang ang nasabi ko at nagsimula na akong kumuha ng mga orders at welcome sa mga pumapasok na costumer. Halos mga teenager lang naman ang costumers namin, mga otakus.
"Good day my master!" Sabi ko sabay yuko sa kakapasok lang na lalaking costumer. Pero nagulat ako nang iangat ko ang ulo...
At ang lalaki sa harap ko, ay tila gulat din. Sino ba naman ang mag aakala na pati rito, mag ku-krus ang landas namin? Nakita pa niya akng naka cosplay. Shocks!
"It's a small world after all." Sabay smirk niya sa'kin... at kung hinuhulaan niyong si Martinez ang nasa harap ko ngayon. Tamang tama po kayo.
"Do you have any reservation, my master?" Sabi ko nalang. Pag work, work. Bahala siya sa buhay niya.
"I'm here for someone." Sagot niya. Sino kaya? Sabi niya, wala naman siyang girlfriend...
"Kuya!" Sigaw naman ni Nica na kasalukuyang papalapit sa amin. Oh no! Huwag niyang sabihin na kapatid niya rin to...
"Nagmeet na pala kayo. Ate Princess, siya pala ang kuya ko. Kuya, siya yung sinasabi ko sa'yo... siya yung gusto kong magng girlfriend mo. Diba ang ganda niya kuya?" Sabi ng kapatid niya. Pati ba naman siya? Ano bang meron sa mga kapatid niya?
"She's actually my girlfriend." Sabay akbay niya sakin, at napasubsub pa talaga ako dibdib niya. Tama ba ang narinig ko? Pinakilala na naman niya akon girlfriend niya? Sa lahat talaga ng mga kapatid... naku naman.
"Talaga kuya? Kailan kayo nagkakilala? Kailan mo siya naging girlfriend? How about your love story? Kailan kayo magpapakasal?" Sunod-sunod na tanong ni Nica. Naku naman! Hindi nga kami. Kasal pa kaya?
"When the right time comes, Veronica..." sagot niya sabay pinch pa sa face ko. What the! Wala ba siyang balak linawin sa kapatid niya na hindi kami? Ano bang laro to? I don't get him. Part pa ba to ng kabayaran ko sakanya? Can someone pls.tell me what's running on his mind?
BINABASA MO ANG
RESTRICTIONS
Teen Fictionpa'no kung minsan kanang nasaktan dahil nagmahal ka??? at pa'no pag sinabi mo sa sarili mo na ayaw mo nang magmahal uli dahil ayaw mo nang masaktan??? pa'no pag may biglang dumating na lalaki sa buhay mo??? lalaking sinasabing mahal ka??? handa kapa...